Wednesday , December 25 2024

Niño Aclan

4th Watch nagluksa sa pagpanaw ng founder na si Apostle Arcenio Ferriol

Apostle Arsenio Ferriol

NAGLUKSA ang buong Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) sa pagpanaw ng kanilang founder na si Apostle Arsenio Ferriol. Ayon Kay Bishop Jonathan Ferriol, Deputy Minister ng PMCC, isa sa mga anak ni Apostle Ferriol, mabigat man sa kalooban pero kailangan tanggapin ang kaloob ng Diyos. Ang buong Pentecostal Missionary Church of Christ ay nagbibigay-pugay sa buhay ni Apostle …

Read More »

Pagpapalago ng agri-tourism, isusulong ni Sen. Lito Lapid

Lito Lapid agri-tourism

INAARAL ngayon ni Senador Lito Lapid ang pagpapaunlad ng Agri-tourism sa bansa. Kasunod ito ng pagtalaga kay Lapid bilang pinuno ng Senate committee on tourism. Ayon kay Lapid, bilang magsasaka, isusulong nya ang pagpapalago at promosyon ng agrikultura sa pamamagitan ng turismo at maeengganyo pa ang mga kababayan natin na tangkilikin ang lokal na tourism destination. Sabi ni Lapid, ang …

Read More »

Wrong timing sabi ng consumer group
RENEWAL NG PRANGKISA NG MERALCO DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM — SENADO

052724 Hataw Frontpage

TINIYAK ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian, Vice  Chairman ng Senate committee on energy na daraan sa butas ng karayom ang inihaing pagre-renew ng prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco). “These franchise renewals, my view always is that we have to use this opportunity to review the performance of the grantee. And that’s a good way of putting accountability to the …

Read More »

Cyberlibel vs Tony Leachon ‘resulta’ ng iresponsableng  pahayag sa social media

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHIRAP talagang masanay na isang social media icon lalo na kung ‘lax’ ang isang personalidad.          Isanghealth advocate at kilala sa medical community si Dr. Anthony “Tony” Leachon kaya hindi natin inakala na darating ang panahon na masasampahan siya ng cyberlibel dahil sa iresponsableng pahayag laban sa mga taong kung tutuusuin ay mga kasamahan din niya …

Read More »

Puto Latik Festival ng Biñan suportado ni Tolentino

Francis “Tol” Tolentino Puto Latik Festival Biñan

SUPORTADO ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang ika-14 taong pagdiriwang ng anibersaryo ng Puto Latik Festival sa lungsod ng Biñan. Sa pamamagitan ng anak ng senador na si Patrick Tolentino, kanyang ipinaabot sa mga taga-Biñan ang pagpapakita ng suporta ng senador sa ginanap na ‘Thanksgiving Dinner’ Kaugnay pa rin ng isang linggong selebrasyon. Sa binasang kalatas ng …

Read More »

Sa maagang renewal ng prangkisa
‘ANGAL’ NG BDO vs MERALCO NAHALUNGKAT SA KAMARA

052424 Hataw Frontpage

NAKATANGGAP ng isang sulat ang House committee on legislative franchise na naglalaman ng reklamo mula sa BDO-Unibank na naglalarawan sa oversized power ng Meralco kaugnay sa kabiguang makapag-supply ng koryente sa kompanya. Ang sulat na ipinadala ng Manjores and Manjores law firm na kumatawan sa BDO, ay tinanggap bilang isang documentray evidence at bahagi ng record ng komite na inaasahang …

Read More »

14.97 % WACC nanatili mula 2010
MERALCO FRANCHISE RENEWAL IBASURAv — SOLON

052324 Hataw Frontpage

INISA-ISA ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang mga dahilan para ibasura ang panukalang renewal ng Manila Electric Company (Meralco) kabilang dito ang kabiguan ng kompanya na magbigay ng update sa weighted average cost of capital (WACC) na isa sa mga dahilan upang matukoy ang presyo ng koryente. Ayon kay Fernandez, Vice Chairman ng House Committee on Energy, pinagkalooban …

Read More »

Sa bantang pag-aresto ng China 
PH NAVY KASADO

052324 Hataw Frontpage

NAKAHANDANG ipagtanggol ng Philippine Navy ang mga mangingisdang Pinoy kapag inaresto ng Chinese Navy sa bahagi ng karagatan sa West Philippine Sea (WPS). Tiniyak ito ni Navy Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad sa isang press briefing sa Port Bonifacio sa lungsod ng Taguig. Binigyan-diin ni Trinidad, handa silang ipatupad ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Read More »

3 kelot arestado sa ilegal na droga

shabu drug arrest

NAARESTO ang tatlong suspek sa isinagawang drug buybust operation ng Muntinlupa City Police Station Drug Enforcement Unit sa kahabaan ng Baywalk, Barangay Bayanan sa lungsod na ito. Isinagawa ang operasyon dakong 3:10 am kahapon nang ‘kumagat sa pain’ ang tatlong suspek sa pulis na nagpanggap na buyer ng ipinagbabawal na droga. Matapos maiabot ang buybust money at makuha ang droga …

Read More »

Babala ng MMDA
ILOG-PASIG HINDI MADARAANAN NG FERRY BOATS

Ferry boat

NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service na hindi passable para sa ferry boat ang ilog Pasig mula sa mga estasyon sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) hanggang Escolta. Sinisi ng MMDA sa mga naglutangang basura ang pagkabalam ng operasyon dahil sa malaking posibilidad na makaapekto sa makina ng ferry boats. …

Read More »

CAAP nakatutuok, sa sumadsad na Cessna plane

CAAP RP-C6923 Cessna plane

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Aircraft Accident and Inquiry Investigation Board (AAIIB) sa nangyaring pagsadsad ng isang training aircraft sa baybayin ng Barangay Canaoay, San Fernando, La Union. Base sa inisyal na impormasyon, nakatanggap ng alert ang San Fernando Tower mula sa nasabing aircraft, may registered number RP-C6923 na nag-take-off sa Runway 19 ng San Fernando Airport nang biglang mag-crash …

Read More »

Sa ELYU  
PILOTO, PASAHERO SUGATAN SA BUMAGSAK NA CESSNA PLANE

052224 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan BUENAS na maituturing dahil minor injury lang ang napala ng dalawang sakay ng Cessna plane, isang piloto at isang pasahero, nang bumagsak sa dagat matapos mag-take-off sa San Fernando Airport sa La Union. Base sa inisyal na impormasyon, ang nasabing aircraft na may registered number RP-C6923 ay nag-take-off sa Runway 19 ng San Fernando Airport nang bigla …

Read More »

Escudero aminadong pasimuno ng kudeta laban kay Migz Zubiri

Chiz Escudero Migz Zubirri

INAMIN ng bagong halal na Senate President na si Senador Francis Joseph “Chiz” Escudero na siya ang pasimuno ng kudeta laban sa liderato ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri. Ayon kay Escudero, sinimulan niyang kausapin ang kanyang mga kasamahan para palitan ang liderato ni Zubiri. Aminado si Escudero na mayroong isang resolusyon na may lagda ng 15 senador na …

Read More »

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

NAGSAGAWA ng Citywide Clearing Operation ang pamahalaang lungsod ng Pasay partikular sa Barangay 55, 53, at 50 at sinigurong walang nakahambalang na obstruction sa daanan ng mga tao at mga sasakyan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng La Niña phenomenon. Hinimok ng Pasay City LGU ang mga residente at iba pang stakeholders na makipagtulungan at suportahan ang inisyatiba ng lungsod …

Read More »

500 PDLs sa Bililbid nailipat na sa Davao Prison and Penal Farm

Vote Election Prison PDLs

INILARAWANG matagumpay at maayos ang paglilipat ng 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungong Davao Prison and Penal Farm. Kasunod ito ng programa ng Bureau of Corrections (BuCor) para ma-decongest ang national penitentiary sa Muntinlupa City. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr., 250 PDLs ay mula sa Maximum Security Camp, …

Read More »

Sinalakay ng Houthi rebels sa Red Sea  
23 TRIPULANTENG PINOY SAKAY NG BARKO LIGTAS NA — DMW

DMW Department of Migrant Workers Middle East

AGAD nakipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa international maritime authorities, shipping companies, at local manning agencies kasunod ng pag-atake ng Houthi rebels sa isang barko kung saan sakay ang mga tripulanteng Filipino habang naglalayag patawid sa Red Sea and Gulf of Aden (RSGA). Ayon sa DMW, ligtas at walang nasaktan sa 23 tripulanteng Pinoy na sakay ng naturang …

Read More »

Kamara aalma vs pag-aresto sa mga Pinoy sa loob ng PH EEZ

Chinese Coast Guard Kamara

HINDI papayag ang Kamara de Representantes na hulihin ng pamahalaang Chinese ang mga Pinoy sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Filipinas. Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez hindi papayagan ang China na gawin ang pag-aresto. “The House of the Filipino People will not tolerate any arrests of our citizens or fishermen within our own Exclusive Economic Zone …

Read More »

47 flights apektado ng problemadong software ng CAAP

NAIA plane flight cancelled

WALA pang opisyal na pahayag ngunit base sa inisyal na impormasyon mula sa ilang kompanya ng airlines, unti-unti nilang ibinabalik sa normal na kaayusan ang schedule ng bawat flights pagkatapos mabinbin ang tinatatayang 47 flights dahil sa nagkaproblemang software ng Air Traffic Management Center ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).  Nagbigay ng updates ang Manila international Airport Authority …

Read More »

PDEA agent Morales ikinulong sa senado

Jonathan Morales

NAKAKULONG ngayon sa senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales matapos mag-move si Senador Jinggoy Estrada ng “cite of contempt” laban sa una. Ayon kay Estrada, ang patuloy na pagsisinungaling ni Morales ang dahilan kung bakit siya nagmosyon. Naniniwala si Estrada na hindi nagsasabi ng buong katotohanan si Morales sa simula pa lamang ng mga nakaraang …

Read More »

Minamadaling prangkisa ng Meralco kaduda-duda — Consumers’ group

NAGDUDUDA at nababahala ang isang consumer group sa tila minamadaling maagang renewal ng prangkisa ng   Manila Electric Company (Meralco) kahit sa 2028 po ito mapapaso o mawawalan ng bisa. Ayon sa United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), hindi angkop sa panahong ito ang panukala lalo na’t marami ang reklamo ukol sa patuloy na pagtaas ng singil sa koryente. Sinabi ni …

Read More »

Zubiri ‘pinatalsik’ ESCUDERO BAGONG SENATE PRESIDENT

ni NIÑO ACLAN BAGO na ang liderato ng senado matapos mahalal si Senador Francis “Chiz’ Escudero bilang bagong Senate President kapalit ni Senator Juan Miguel Zubiri.                Inaasahang baba ngayong araw si Zubiri matapos ang ‘pagpapatalsik’ sa kanya sa puwesto. Walang tumutol isa man sa mga senador sa nominasyon ni Senador Alan-Peter Cayetano kay Escudero sa puwesto bilang Senate President. …

Read More »

Telco fraudster, timbog sa NAIA

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) agents sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang American national na wanted ng Interpol sa South Korea dahil sa pagkakasangkot nito sa kasong telecommunications fraud. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco kinilala ang nasabing pasahero na si Shin Seung Chul, 62 anyos, naharang sa Terminal 1 bago lumipad papuntang Narita. …

Read More »

Para sa mga tsuper ng unconsolidated jeepneys  
GOV’T AGENCIES DAPAT MAGLAAN NG ALTERNATIBONG KABUHAYAN

jeepney

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa mga concern agency ng pamahalaan ng agarang magbigay ng agarang alternatibong kabuhayan sa mga libo-libong jeepney drivers na nawalan ng kabuhayan kaugnay ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ayon kay Poe, ang mga training at trabahong oportunidad sa kanila ay dapat na matiyak na available, accessible, at flexible lalo sa mga …

Read More »