Sunday , December 22 2024

Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Puro sila lesser evil

NAKALULUNGKOT na sa dinamirami natin ay wala ni isa man para sa akin ang tumindig na masasabing tunay na karapatdapat na maging pangulo ng bansa. Tulad ng nakaupo ngayon sa Malacañang, puro “lesser evil” at “mediocre” ang kategorya ng mga ibig manirahan sa palasyo ng bayan. Pansinin na ang isa sa mga kandidato ay malamig na technocrat. Ilang beses na siyang …

Read More »

Makapigil hininga

INAANTABAYANAN ng madla ang nalalapit na makapigil hininga na pagbubunyag ni Senador Juan Ponce Enrile kaugnay ng Mamasapano massacre scandal na kinasasangkutan umano ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Ayon sa mga paunang balita, sinasabi umano ni Enrile na mayroon siyang impormasyon na magpapatunay na alam ni Pangulong BS ang mga madugong kaganapan sa Mamasapano, Maguindanao habang ito ay nagaganap. …

Read More »

Ang Bagong Taon at si LJM

UNA sa lahat ay binabati ko kayo mga mahal na mambabasa ng isang Mapagpala na Bagong Taon. Harinawa ang taon na ito ay maging puno ng biyaya at suwerte para sa atin lahat. Maging daan na rin sana ito sa ikabubuti ng bayan at ikapagbabalik ng mga namumuno sa katuwiran at kabutihan ng loob. Maging simula sana ito ng magandang …

Read More »

Sino ba ang nagnanakaw sa kaban?

MAYROON akong kasama sa press office na ipinangangalandakan na ang kanya raw ibobo-to sa darating na eleksiyon ay ‘yung kandidato na mayaman para hindi na raw tayo nakawan. Ang lohika niya ay simple at mapang-akit sa biglang dinig. Para sa kanya, kung likas na mayaman ang lider ay hindi na niya pag-iinteresan ang kaban ng bayan. Nalungkot ako sa sinabing …

Read More »

Mas magastos ang bobo at bagito

ALAM ba ninyo na mas magastos para sa atin kapag ang nahalal sa poder ng lokal o pambansang pamahalaan ay mahina ang kokote kundi man bagito? Alam ba ninyo na isa ito sa mga dahilan kaya walang gamot sa health centers, walang pulis sa daan, kung bakit mababa ang sahod ng mga kawani ng pamahalaan o kung bakit tamad maglingkod …

Read More »

Kawawa naman tayo

NAKALULUNGKOT na walang mapagpilian sa mga kandidato para sa pagkapangulo. Lahat sila ay mahina at walang tunay na kakayahan na mamuno. Mababaw ang kanilang kaalaman kaugnay ng tunay na kailangan natin na mga mamamayan. Ang tanging talento nila ay ang pagiging marubdob sa pagsusulong nang pansariling interes o agenda ng kanilang dayuhan na padron. Pansinin na ang isa sa mga …

Read More »

Kailangan natin ng grasya na magkaroon ng kakayahan na lumuha para sa iba

IMBES humingi ng tawad at bayaran ang perhuwisyo na idinulot ng kriminal na kapabayaan ng mga nasa poder kaya malaya na nakapambibiktima ng mga manlalakbay ang sindikato na Laglag Bala sa Ninoy Aquino International Airport ay binaliwala ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang mga naulat na insidente kaugnay ng laglag bala. Hindi pa nakuntento, sinisi pa niya ang media …

Read More »

Tama si Pope Francis

NAKALULUNGKOT na tama ang mensahe ni Papa Francisco mula sa Vaticano kaugnay ng mga karahasan na nagaganap sa mundo at sa walang katapusan na digmaan na pumatay na (at patuloy pa ring pumapatay) sa maraming tao sa Europa, Latin Amerika, Asya, at sa rehiyon ng Middle East-North Africa o MENA. Ayon sa Papa sa kanyang homilya, isang balatkayo o palabas …

Read More »

Saliwa mag-isip ang mga nasa poder

HINDI dapat baliwalain ng mga pinuno ng pamahalaan ang ulat kaugnay ng laglag bala extortion scheme sa Ninoy Aquino International Airport dahil tiyak na maapektuhan nito ang industria ng turismo at transportasyon. Dapat imbestigahan ng malalim ang isyu kaysa na pagisipan ng mga kenkoy na palusot tulad ng sinasabi ng isang opisyal ng NAIA na dahil malapit na ang eleksyon, …

Read More »

Heto na naman ang pangulo

HETO na naman si Pangulong Benigno Simeon Aquino III at muling ipinakikita ang kawalan ng malasakit sa damdamin ng bayan matapos na isnabin ang paanyaya sa kanya na dumalo sa paggunita sa ika-dalawang taon na paghagupit ng bagyong Yolanda sa Lungsod ng Tacloban. Mas pinili ng pangulong ito na puntahan ang isang “importante” na kasalan kahit hindi naman siya isponsor …

Read More »

Dati laglag barya lang ngayon laglag bala na…

NAKAHAHAWA ang pagiging garapal sa paggawa ng kawalanghiyaan ng mga pulpol na politiko. Isipin na lamang na ultimo ordinaryong empleyado ngayon, lalo na yung mga personnel na nasa Ninoy Aquino International Airport, ay parang pul-politiko na rin sa pagiging lantaran kung magwalanghiya sa kapwa. Isipin na lamang na sa pangunahing airport pa mismo, na siyang mukha ng ating bayan, nauuso …

Read More »

Sarili muna bago bayan?

MUKHANG mas mahalaga sa mga opisyal ng kasalukuyang administrasyong Aquino at Sandiganbayan ang tagumpay nila laban kay dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo kaysa sa interes ng bayan. Ito ang palagay ng marami sa mga binitiwan na pahayag ng mga opisyal na ito kaugnay sa isang resolusyon ng United Nations Working Group on Arbitrary Detention (UNWGAD) na nagsasabi na illegal at …

Read More »

Gawain ninyo babalik sa inyo

NAGPASYA ang United Nations Working Group on Arbitrary Detention na “arbitrary at illegal” ang patuloy na pagkakadetine ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Ibinaba ng UNWGAD ang desisyon matapos ang masusing pagdinig sa petisyon na inihain ng international human rights lawyer na si Amal Clooney na humihiling na palayain ang …

Read More »

Sino ang dapat maging bagong pangulo ng bansa?

NALAGASAN ng isang maituturing na higante sa larangan ng politika at pamunuan ang ating bayan sa pagkamatay ni dating Senador Joker Arroyo. Nakalulungkot kasi mayorya sa mga may tangan ng poder ngayon ay mga ordinaryo lamang (mediocre) at walang pangarap (vision) na matino at malalim para sa bayan hindi katulad ng namayapa na senador. Ang kabayanihan ni Senador Arroyo, lalo …

Read More »

Nagalaw pa ba iyan?

HINDI raw si Emilio Aguinaldo ang nasa likod ng pagpatay kay Heneral Antonio Luna pero bukod sa mga bantay niya mula sa sariling Kawit Regiment ang pumatay sa heneral sa loob ng simbahan na Katoliko Romano sa Cabanatuan, Nueva Ecija noon 1899 ay sinaksihan pa ng kanyang konsintidorang ina ang pagpaslang na naganap. Ayon sa salaysay ng mga testigo ay …

Read More »

Wala na bang iba?

DAHIL para sa mayayaman lamang ang karera na pampanguluhan dito sa atin kaya limitado ang mga maaaring sumali. Sa kasalukuyan ay apat lamang na mga bigatin sa ating lipunan ang pormal na nagpahayag na gusto nilang palitan si Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa dara-ting na eleksyon.  Nakalulungkot  dahil mukhang mas mara-ming mga dahilan kung bakit hindi sila dapat maupo …

Read More »

Heneral Luna (2)

HINDI handa ang mga kasabayan ni Heneral Antonio Luna sa kanyang uri ng pamumuno dahil bukod sa umiiral na sistemang bata-bata at rehiyonalismo noon (na sakit natin hanggang ngayon) ay hindi siya miyembro ng “Caviteño clique” at beterano ng himagsikang 1896. Si Hen. Luna, isang Ilokano at anak ng Binondo, ay tumanggi na sumapi sa Kataas-taasan Kagalanggalangan Katipunan ng mga …

Read More »

Heneral Luna

BINABATI ko ang mga nasa sa likod ng pelikula na “Heneral Luna” hindi lamang dahil sa tagumpay ninyo sa takilya kundi dahil binibigyan liwanag din ninyo ang ilan sa madidilim na kabanata ng ating kasaysayan. Dahil sa pelikulang ito ay mas namulat ang bayan sa mga pangyayari na ilang beses nang tinangka na itago’t linisin o “i-sanitize” ng mga puwersang …

Read More »

Ang Republic Act 9225 of 2003

MARAMI pa rin ang hindi nakauunawa kung bakit hindi kwalipikado si Senadora Grace Poe para maging pangulo ng bansa. Sa aking palagay ay may dalawang dahilan kung bakit hindi pwede si Aling Grace na maging pangulo ng ating republika. Una, isinuka na niyang minsan ang pagiging Filipina kapalit ng pagiging Amerikana; at pangalawa ay ang R.A. 9225 of 2003 o …

Read More »

Kakainin mo ba uli ang isinuka mo?

IYAN ang tanong ko sa inyo mga kababayan dangan kasi ay nagdeklara na si Senadora Grace Poe ng kanyang pagnanasa na maging pangulo ng bayan na kanya nang minsan ay itinakwil. Bukod pa sa katotohanang ito ay hindi pa malinaw kung talagang kwalipikado siyang sumali sa karera para sa pinakamataas na poder ng ating republika. Taon 2001 nang manumpa ng …

Read More »

Trapik (Huling bahagi)

BUKOD sa kaugnayan ng ating mga “personal complex” sa “carmageddon” na ating dinaranas araw-araw, ang kasalukuyang sobrang bagal at nakabubugnot na daloy ng trapiko, lalo na sa Metro Manila, ay bunga rin ng ilan dekada na kapabayaan at kawalan ng “foresight” ng mga nasa poder at kaakibat na pagbalewala ng taong bayan sa mga batas trapiko. Ang “carmageddon” ay parang …

Read More »

Trapik (Unang Bahagi)

BAWAT araw na dumaraan ay lalong lumalala ang kalalagayan ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila. Madalas, lalo na kung katatapos lamang ng ulan, ay nagmimistulang malalaking “parking lot” ang mga kalye. Tiyak na aabutin tayo ng siyam-siyam at bugnot sa bawat pagpalaot natin sa mga lansangan ngayon. Ang ilan pa sa resulta ng masamang trapiko ay malaking …

Read More »

Pagkahiwalay ng simbahan at estado (2)

USAPIN ngayon sa mga barberya at pondohang bayan ang tungkol sa “separation of church and state” o ‘yung pagkahiwalay ng simbahan at estado. Tinatalakay ng mga pilosopong bayan ang ugat nito at kung sino at paano ito nalalabag. Ang “separation of church and estate” ay prinsipyong gumagabay sa ating Republika mula nang unang maitayo ito sa Malolos noong 1899. Ito …

Read More »