Friday , December 27 2024

Maricris Valdez Nicasio

TV reunion ng KathNiel, sa Mexico gagawin

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

MAPAPANOOD nang muli sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang reunion TV project na gagawin sa Mexico. Mapapanood ito next year mula sa Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN. Balitang excited na sa kanilang reunion sina Kathryn at Daniel at kinailangan muna nilang magpahinga for a while para makapag-recharge. Bukod sa teleserye may isa pang sorpresa ang KathNiel sa kanilang fans …

Read More »

Moira, nominado bilang SouthEast Asian Act sa 2019 MTV EMAS

Moira Dela Torre

PABONGGA nang pabongga ang career ni Moira dela Torre. Pagkatapos niyang magwagi sa katatapos na Awit Awards at Himig Handog 2019, isang nominasyon naman ang natanggap niya sa MTV EMA 2019, ang Best Southeast Asian Act na gagawin sa Seville, Spain. Ani Moira, ikinagulat niya ang nominasyon. “Sobra akong na-overwhelm kasi ang daming blessings. Ang dami kasing nawalang opportunities for a …

Read More »

Nuuk nina Aga at Alice, nuknukan ng ganda

GANDANG-GANDA kami sa pelikulang Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixson na idinirehe ni Veronica Velasco handog ng Viva Films. Maganda kasi ang pagkakalahad ng istorya. Malinaw at interesting. Isang suspense-thriller ang pelikulang Nuuk na kinunan sa Greenland. Kaya naman talagang kailangang tutukan ito mula umpisa hanggang huli para mas ma-appreciate mong mabuti ang takbo ng istorya. Medyo may kabigatan ang tema ng istorya lalo’t tumatalakay sa …

Read More »

Direk Cris, TBA Studios, overwhelm sa pagkakasali ng Write About Love sa MMFF

AMINADO si Direk Crisanto B. Aquino na hindi niya inaasahang makakasali ang kanilang pelikulang Write About Love ng TBA Studios sa 45th Metro Manila Film Festival. First time magkaroon ng entry ni Direk Cris sa MMFF bukod pa sa alam niyang malalakas at malalaki ang kalaban niya sa festival. Kaya naman sobra-sobra ang saya niya at pasasalamat na nakasama sa Magic 8 ang kanilang pelikulang pinagbibidahan nina Miles Ocampo (Maledicto, The Debutantes), Rocco …

Read More »

Vanjoss, TVK Grand Champion; Nanay, ‘di na paaalisin

GRABE ang iyak ni Vanjoss Bayaban nang siya ang tanghaling Grand Champion sa katatapos na The Voice Kids noong Linggo ng gabi sa Resorts World Manila. Ani Vanjoss, hindi niya inaasahang ang pangalan niya ang babanggiting Grand Champion kaya ganoon na lamang ang kanyang kaba. “Pero bago ako kumanta hindi ako kinakabahan,” kuwento ni Vanjoss pagkatapos ng show. At nang tanungin …

Read More »

JC Santos, sobrang proud sa Motel Acacia

MAHIGIT pa sa isang scarefest ang horror film na Motel Acacia, na nagkaroon ng world premiere sa 32nd Tokyo International Film Festival sa Japan (TIFFJP) noong Nobyembre 1, Biyernes. “As the creatures and monsters in Motel Acacia strike terror in our minds, it is the actions of humans that terrify me. This film seeks to understand our own apathy towards man’s …

Read More »

Hashtag Kid, pasado ang acting kay Direk Benedict; Ogie tagalait ni Kid

MASUWERTE itong si Kid Yambao, alaga ni Ogie Diaz at isa sa bida ng Pamilya Ko at sa Two Love You handog ng OgieD Productions at mapapanood simula Nobyembre 13 na idinirehe ni Benedict Mique at ipamamahagi ng Viva Films. Pinupuri kasi ni Sylvia Sanchez ang galing ni Kid gayundin ng mga kasamahan nito sa pelikulang Two Love You na sina Yen Santos, Lassy Marquez, MC Muah, at Dyosa Pockoh. Maging si Direk Benedict ay pinuri si Kid. Ani …

Read More »

Ogie, kinukumbinse si Vice Ganda na mag-anak

 “TE hindi ko kaya.” Ito ang tinuran ni Vice Ganda kay Ogie Diaz nang kumbinsihin ng huli na mag-anak na ito. Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Ogie pagkatapos ng presscon ng pelikulang ipinrodyus ng kanyang produksiyong OgieD Productions, ang Two Love You, naikuwento nitong sinabihan niya si Vice na mag-anak na nang dumalo ito sa debut ng kanyang panganay na anak. Sagot ni Vice kay Ogie, “Te, ayaw ko …

Read More »

Cong. Yul, inspirasyon si Yorme Isko noon pa man

ISANG lugar lang ang kinalakihan nina Yorme Isko Moreno at Cong. Yul Servo. Si Yorme eh sa Tondo, si Cong. naman ay sa Bindondo, Manila. Bagamat hindi ganoon kahirap ang buhay nina Cong, mahilig naman siyang rumaket para may sarili siyang pera. “Gusto ko lang may perang sarili at may diskarteng sarili. Panlibre at pambili ng gin. Pero ngayon hindi …

Read More »

Arjo, nanghinayang kay Aga; kontrabida role, iwas muna

AMINADO si Arjo Atayde na nanghihinayang siyang hindi nakatrabaho si Aga Muhlach para sa Miracle In Cell No. 7 dahil kasabay iyon ng taping ng Bagman 2. Malapit na kasing muling mapanood sa iWant ang Bagman 2 ng actor na mas maraming artistang mapapanood ngayon at mas maraming revelation. “Mas maraming characters ngayon at mas maraming revelation ngayon tungkol sa …

Read More »

Lovi at Joem, walang kiyeme sa kanilang hot lovescenes

MATAGAL-TAGAL ding nawala si Lovi Poe dahil nag-focus siya sa paggawa ng pelikulang The Annulment mula Regal Entertainment Inc., kasama si Joem Bascon na mapapanood na sa November 13. Pero pinag-uusapan na ang susunod niyang serye at soon ay mapapanood na muli siya sa telebisyon. Samantala, para kay Lovi talaga ang pelikulang The Annulment. Anang direktor nitong si McArthur C. …

Read More »

Ruru, matagal nang pangarap makatrabaho si Jasmine

DREAM come kay Ruru Madrid ang unang pelikulang pagsasamahan nila ni Jasmine Curtis Smith, ang Cara X Jagger mula APT Entertainment at Cignal TV. Kaya naman napakasaya niya sa pelikulang ito. Aniya, “Excited at kinakabahan po ako. Matagal ko na pong pangarap na makatrabo si Jasmine dahil naniniwala po ako na isa siya sa pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon. “Nagpapasalamat ako sa APT sa …

Read More »

Galing ni Julio Sabenorio, nakabibilib

MAHUSAY umarte itong pinakabida sa Guerrero Dos: Tuloy Ang Laban si Julio Sabenorio na gumaganap na kapatid ng boksingerong si Guerrero. Kaya naman palakpakan ang mga manonood matapos ang pelikula at matapos silang paiyakin ng batang ito. Ginanap ang celebrity screening at press preview ng Guerrero Dos: Tuloy Ang Laban handog ng EBC Films (Eagle Broadcasting Corporation) sa INC Museum Theater na dinaluhan ng cast at mga taga-production. Nagustuhan …

Read More »

Pokwang, dagsa ang blessings

MAY dahilan kung bakit isang masayang-masayang Pokwang ang humarap sa amin sa paglulunsad ng Regasco ng kanilang kauna-unahang celebrity endorser. Bukod kasi sa bagong endorsement at regular show sa ABS-CBN, nariyan din ang kanyang entry sa 2019 Metro Manila Film Festival, ang Mission Unstapabol: The Don Identity with Vic Sotto, Maine Mendoza, at Jake Cuenca, at ang malapit nang matupad na sariling restoran. Kuwento ni Pokwang sa media launch ng Regasco LPG, …

Read More »

Pag-apir ni John Arcilla sa movie ni Pacman, fake news

PAGKATAPOS umalma ng mga kamag-anak ni Gen. Miguel Malvar, si John Arcilla naman ang umangal sa tinuran kamakailan ni Senador Manny Pacquiao. Ayon nga sa producer ng Heneral Luna, ‘fake news’ ang ipinagkakalat ng senador na gaganap na Gen. Antonio Luna si Arcilla sa biopic ni Malvar. Ayon sa TBA Studios, ang producer ng Heneral Luna, ”John Arcilla has never been approached to do this film. He has …

Read More »

Echiverri, ayaw makisawsaw sa away ng mga Barretto

MATAPOS basagin ni Marjorie Barretto ang kanyang pananahimik noong Martes ng gabi, sinubukan naming hingan ng reaksiyon si dating Caloocan mayor at dating congressman Enrico ‘Recom’ Echiverri. Si Echiverri ang tinukoy ni Gretchen Barretto na ama ng bunsong anak ni Marjorie. Inamin naman ni Marjorie na si Echiverri nga ang ama ng kanyang bunsong anak. Subalit nabigo kami at sinabing …

Read More »

Regine, napilitan sa Yours Truly, Shirley?

MUNTIK na palang hindi gawin ni Regine Velasquez sa pelikulang Yours Truly, Shirley, isa rin sa entry ng C1 Originals.   Sa kuwento ng kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez, napamura siya dahil ayaw nang gumawa ng pelikula ng Asia’s Songbird. “Gusto ko na lamang kumanta dahil singer naman talaga ako at hindi aktres,” giit ni Regine. “Wala ako …

Read More »

JM, nagalingan kay Alessandra

PURING-PURI ni JM de Guzman ang galing ng kapareha niyang si Alessandra de Rossi sa pelikulang Lucid, isa sa Cinema 1 Originals entry kaya umaasa siyang hindi ito ang una at huli nilang pagsasama. Ani JM, sana ay makatrabaho niya uli ang aktres, “Kasi, alam kong mahusay siyang aktres and gusto ko pong laging matuto, laging mayroong bago.” Sinabi pa …

Read More »

Nadine, natawa sa buntis issue — Bakit ‘di ko alam na buntis ako?!

GULAT na gulat si Nadine Lustre nang kinokompirma ng entertainment press kung siya ang tinutukoy sa mga mga blind item na sinasabing buntis. Ani Nadine bago umpisahan ang presscon ng Your Moment, hindi niya alam na buntis siya. “Ha?! Buntis ako?! Bakit hindi ko alam na buntis ako?! “I guess buong taon tuloy-tuloy (paglabas sa TV at movie) din naman ako. So I …

Read More »

Sarah, napakahusay, lalong mamahalin sa Unforgettable

TAMA ang tinuran nina Direk Jun Lana at Perci Intalan na mamahalin lalo si Sarah Geronimo kapag napanood ang Unforgettable dahil napakagaling niyang nagampanan ang karakter niya bilang si Jasmine, isang gifted special child na hangad ang mapagaling ang lolang may sakit, si Gina Pareño sa pamamagitan ng pagpapakita sa alagang aso, si Milo. Kakaibang Sarah nga ang napanood namin sa pelikula. Unique kumbaga ang kanyang karakter. Napakagaling niya. …

Read More »

Alex Diaz, umaming bisexual

KASUNOD ng indecent proposal sa isang lalaking fitness coach, ang pag-amin ng aktor na si Alex Diaz na isa siyang bisexual. Sa post ni Alex sa kanyang Facebook account, humingi ito ng paumanhin sa kanyang management, supporter, mga kaibigan, pamilya, at produktong ineendoso sa kanyang ginawa at kung sino talaga siya. Aniya, ‘di niya gustong makasakit sa pagsasabi ng katotohanan kung ano siya at …

Read More »

Sino si Atong Ang sa buhay nina Gretchen, Nicole, at Claudine?

BINASAG na ni Atong Ang ang kanyang pananahimik sa pag-uugnay sa kanya kina Gretchen, Claudine, at Nicole Barretto. Bago ito’y inilahad ni Nicole, pamangkin ni La Greta na inagaw ng aktres ang negosyante sa kanya. Agad naman itong itinanggi ni Gretchen at sinabing si Nicole ang unang nang-agaw kay Atong Ang mula kay Claudine. Sinabi pa nitong ‘ibinugaw’ si Nicole …

Read More »