Thursday , January 27 2022

Teleserye ng Kapamilya patok pa rin kahit nasa TV5

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SINUSUNDAN talaga ng netizens ang mga panooring gawa ng Kapamilya Network. Patunay ang matataas na ratings na nakukuha nito kahit nasa TV5 pa sila.

Mataas na Primetime Ratings ang dala ng pagsasanib ng TV5 at ABS-CBN. Sa mga nakalipas na buwan, maraming pagbabago ang naranasan ng mga manonood pagdating sa kanilang mga programang napapanood sa telebisyon. Isa na rito ang pagsasama ng Cignal TV at ng ABS-CBN para sa paglalagay ng ilang programa ng inyong Kapamilya Channel sa TV5 para mapanood sa lahat ng bahagi ng Pilipinas. 

Isa sa magandang naidudulot ng pagsasanib ng dalawang nasabing brodkaster ay madali nang masundan ng mga manonood ngayon ang No. 1 teleserye ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano at ilan pa nilang paboritong programa katulad ng Huwag Kang MangambaInit Sa Magdamag, at ang La Vida Lena

Mula ng magsimula sa TV5 ang mga nasabing palabas ng ABS-CBN, tumaas ang pangkalahatang rating ng estasyon at malaking pagbabago ang naitala nito hindi lang sa Mega Manila kundi pati na rin sa ilang panig ng Timog Katagalugan. 

“Isang malaking pasasalamat ang hatid namin para sa Cignal TV at ABS-CBN,” ani ni Media5 Chief Operating Officer, Dino M. Laurena

“Alam nating ito ang gusto ng ating mga masugid na manonood kaya naman napakaganda ng naging resulta sa pagsasama-sama ng mga programa ng dalawang kinikilalang brodkaster ng ating bansa and ABS-CBN at ang TV5,” sambit pa ni Laurena.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply