Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla Mariel Rodriguez Hospital Cooking Ina Food delivery
Robin Padilla Mariel Rodriguez Hospital Cooking Ina Food delivery

Robin Padilla naospital sa pagod, naging rider ng mga tinda ni Mariel

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

DAHIL sa rami ng orders ng imported beef ng Cooking Ina Food Market na negosyo ni Mariel Rodriguez-Padilla, tumutulong na rin ang asawang si Robin Padilla sa delivery.

May sariling delivery app ang aktor na sa tingin namin ay pag-aari niya, ang Moto Express Halal Moto na may pinaka-mababang bayad sa halagang P37 para sa unang 2 kilometro.

Sa isang araw kasi ay kulang 100 packs ang order kay Mariel at para hindi maantala at mag-suffer ang freshness ng mga karne ay ang hubby na niya ang gumagawa.

Nitong isang araw ay nagdeliver si Robin ng 30 bags at ipinakita pa niya ang mga ito sa kanyang Instagram account.

Sabi ng aktor, ”Today aside from our regular orders we are delivering 30 bags for our VVIP client who ordered steak, tapa ni lolo and paborito ni Robin salpicao, all halal, to celebrate Eid al-Adha thank you sooo much (praying emojis) @cookinginafoodmarket @motoexpressph #SteakLikeNoOther.

“Sa paghahanapbuhay hindi basehan ang taas ng pinag aralan ang mahalaga ay marangal ka at parehas ka sa kapwa mo. May Doctorate d’yan pero panggugulang naman sa kapwa ang ginagawa at pagpapayaman gamit ang katalinuhan sa panloloko.

“Itaas mo ang noo mo at isa kang delivery service man o woman, dahil sa bawat paghatid mo ay kaligayahan ng nakatatanggap.  @motoexpressph @cookinginafoodmarket.”

Pero hindi pala ganoon kadali ang maging rider at nalaman ito ng aktor dahil nahilo siya at sa hospital bumagsak.

Ang caption ni Binoe sa larawang ipinost niya bilang rider, ”Isang malalim na pagpupugay sa mga delivery riders. Sa sobrang babad sa init kanina nahilo ako kaya kagyat ako nagpunta sa New Era General hospital at nagpa check up. Normal naman ang lahat ng vital signs ko hindi lang ang BP ng 140/100 ako.

“Napakahirap ng trabaho ng mga delivery riders. Babad sa init at usok tapos biglang uulan. Makaraan ang kulang isang oras pagkatapos ko makatulog sa emergency room ok na ako uli. Resume ng agad ng delivery.”

Pinasalamatan naman ni Mariel ang asawa, “Wow thank you so much babe.”

Pinaalalahanan din si Robin ng kuya Rommel Padilla niya, ”AsaLaMu ALaikuM! Ride safe & regards sa Lahat ng DeLivery Riders! HaymabU!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …