Wednesday , September 28 2022

Francine Diaz gustong mag-ala Angelina Jolie

“NAPAKALAKING blessing, napakalaking opportunity.” Ito ang nasabi ni Francine Diaz nang mapansin ang una niyang suspense thriller movie na Tenement 66 sa 25th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) para sa kategoryang Bucheon Choice.

Ginagampanan ni Francine ang karakter ni Lea, isang tahimik ngunit palabang babae. Kasama niya rito sina Francis Magundayao at Noel Comia na idinirehe ni Rae Red.

Ukol sa tatlong kabataan—Francine, Francis, at Noel ang Tenement 66 na nagplanong pagnakawan ang apartment ni Nando (Lou Veloso). Ang  plano ay nauwi sa isang peligro matapos silang ma-hostage ng kilabot na homeowner at humantong sa isang madugo at hindi inaasahang pangyayari.

Ayon kay Francine, ang eksenang pinahihirapan siya ang pinakamahirap niyang ginawa, pero okey lang iyon sa kanya. “Kasi na-e-explore ko ‘yung sarili ko bilang artista at kung hanggang saan ang kaya ko at kung ano ang kaya kong ibigay.

“After nilang ibigay sakin ‘yung kwento at i-explain ‘yung character ko, sabi ko, ‘Okay po ako. Kailan po tayo magsisimula?’ Kaya talagang sobrang saya ko noong naibigay siya sakin,” sabi pa ng isa sa bida ng Click Like and Share.

Aminadong kinabahan si Francine nang malaman na ang award-winning feminist film director ng Babae at Baril ang makakatrabaho niya.

Kasi first time ko po siyang makakatrabaho. Napakagaling na director at open siya sa mga suggestion naming actors, kung ano ang gusto naming gawin sa characters namin. Ready siya makipag-collaborate sa mga actor,” sambit pa ni Francine.

At dahil sa Tenement 66 nasabi ni Francine na handa na siyang sumabak pa sa mas mapaghamong mga karakter sa mga susunod na projects.

Yes, I think so. Like I said, I’m always down for the challenge, especially when it comes to acting,” giit niya. “Kasi gusto ko ‘yung mayroon akong na-a-unlock na achievement or skill sa buhay ko at sa sarili ko.

Sa kabilang banda, gusto ni Francine na makagawa ng action movie.

Gusto kong ma-try ‘yung role na secret agent ako or ako naman ‘yung medyo ma-action. ‘Yung parang si Al Pacino sa ‘Scarface’ tapos si Angelina Jolie sa ‘Salt,’” aniya pa.

Panoorin si Francine sa Tenement 66 sa commercial-free at high-definition sa SKY Pay-Per-View na nagsimula noong Hulyo 9 hanggang Agosto 9. Ang Tenement 66 ay co-production ng Dreamscape EntertainmentABS-CBN Entertainment, at ng Epicmedia(MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Blind Item, Men

Self sex video at pictures sa mga beki may epekto sa career ni male star

ni Ed de Leon HINDI lang isang self sex video ang ginawa ng male star. Ang …

James Reid Kelsey Merritt

James nganga pa rin ang career 

HATAWANni Ed de Leon NAGKALAT na naman sa social media ang mga picture na nagpapakitang …

Sunshine Cruz Macky Mathay

Sunshine in-unfollow na si Macky, pictures sa socmed binura rin

HATAWANni Ed de Leon HATAW ang messages ng panghihinayang ng fans matapos kumalat ang espekulasyon …

Tanya emosyonal — Bumabawi si Vhong sa akin

I-FLEXni Jun Nardo MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling …

Leave a Reply