Sunday , January 11 2026

Maricris Valdez Nicasio

Yen, wala pang anak at single pa rin

IGINIIT ni Yen Santos sa pa-presscon ng Regal Films para sa Northern Lights: A Journey To Love na hindi niya anak ang nakitang kasa-kasama niya nang minsang mamasyal. Aniya, kapatid niya iyon. Nagtataka nga si Yen kung bakit hindi mamatay-matay ang usaping may anak siya mula sa politician eh hindi naman niya iyon pinatulan. Tatlong taong gulang pa lamang ang …

Read More »

Angel, nega na sa Darna; papalit, susuportahan

DESMAYADO man na hindi na makagaganap bilang Darna, excited naman si Angel Locsin sa sinumang mapipili ng ABS-CBN para gumanap sa nilikhang karakter ni Mars Ravelo. Ani Angel, ibibigay niya ang 100 percent support sa sinumang mapipili ng Kapamilya Network. Sinabi pa ng aktres na mayroon siyang bet para gumanap na Darna at positibo siyang mapipili iyon. Bago lumabas ang …

Read More »

Kiko, pressured sa acting dahil sa kanyang pamilya

UNANG mainstream movie ni Kiko Estrada ang Pwera Usog na handog ng Regal Entertainment Inc., na napapanood sa mga sinehan sa kasalukuyan. Kaya naman sobrang nagpapasalamat ang batang actor sa ibinigay na chance para maipakita ang talent niya sa acting. Naka-dalawang indie movie na rin si Kiko pero aniya, iba ang Pwera Usog. “I love the set, sobrang ganda, stress …

Read More »

It’s Showtime, nanguna sa rating games dahil sa Tawag ng Tanghalan (Noontime show kulang ‘pag walang Vice Ganda)

HINDI itinanggi ng It’s Showtime hosts na malaki ang naitulong ng Tawag ng Tanghalan para muli nilang makuha ang pangunguna sa ratings game. Sa Thanksgiving presscon noong Martes para sa Tawag ng Tanghalan grand finalists, (na sa Sabado na magaganap ang final showdown sa Resorts World Manila), sinabi ni Vice na malaking blessing ang naturang segment sa kanilang show. “Ina-acknowledge …

Read More »

Tagumpay ni Coco, mahihigitan pa ni Ronwaldo — Direk Joel

NAPANOOD ni Direk Joel Lamangan si Ronwaldo Martin sa pelikulangPamilya Ordinaryo at nagalingan siya sa ipinakitang galing umarte ng nakababatang kapatid ni Coco Martin. Kaya naman kinuha niya ito para makasama ni Raymond Francisco para sa pelikulang Bhoy Intsik handog ng Frontrow Entertainment. Ani Direk Lamangan, malalampasan ni Ronwaldo ang naabot ng kapatid “Opo malalampasan n’ya pa si Coco,” anang …

Read More »

Yen kinilig sa kaguwapuhan ni Piolo, nahirapang makipagtrabaho

HANGGANG sa presscon ng Northern Lights: A Journey To Love na handog ng Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema, kitang-kita ang pagkakilig at pamumula ni Yen Santos. Aminado ang aktres na nahirapan siyang makipagtrabaho kay Piolo at sa ikaapat na araw pa bago siya napanatag. “Opo, totoo pong hindi ako makatingin kay Piolo kaya nahirapan akong magtrabaho, ha ha …

Read More »

Apo Whang-Od, idolo at fan ni Coco Martin

NAKATUTUWA ang larawang nakuha namin na ipinadala ng isang kaibigan. Iyon ay ang larawan ni Apo Whang-Od na nakasuot ng T-shirt na may mukha ni Coco Martin. Napag-alaman naming idolo ng living legend at natitirang mambabatok (traditional Kalinga tattooist) ang actor. Katunayan, hindi ito natutulog o bumibitaw sa panonood ng FPJ’s Ang Probinsyano hangga’t hindi natatapos ang teleserye. Si Apo …

Read More »

Niño, naiyak sa 7th birthday celeb ni Alonzo

TEARS of joy. Ito ang nakita namin nang hingan ng pananalita si Niño Muhlach sa pagsisimula ng 7th birthday ng kanyang anak na si Alonzo na ginanap sa Circle of Fun, Quezon City Circle, Quezon City kahapon. Ikinatuwa ni Onin (tawag kay Niño) na kahit kabi-kabila ang commitment ng kanyang anak (paglabas sa Your Face Sounds Familiar: Kids, paglabas sa …

Read More »

Mocha, magre-resign na sa MTRCB!

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang video post ni Mocha Uson sa kanyang blog ukol sa hamon niyang magre-resign sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil tila nababalewala ang misyong niyang matanggal ang self-regulation at SPG sa telebisyon. Aniya, bago pa man siya itinalaga bilang isa sa Board Member ng  MTRCB, misyon na niyang matanggal ang soft porn …

Read More »

Gusto ko lang kumita, hindi ako naghahangad ng kakaibang papel — Ogie Diaz

DALAWAMPU’T LIMANG taon na sa showbiz si Ogie Diaz. Marami na siyang teleserye at pelikulang nagawa. At tulad ng iba, bago narating ni Ogie ang tutok ng tagumpay, marami rin siyang pinagdaanan. Bago pinasok ni Ogie ang pag-arte, isa ring manunulat si Ogie, sa Mariposa Publications na pag-aari ni Nanay Mareng Cristy Fermin at pagkaraan ay nagkaroon sila ng talk …

Read More »

Sa tinuran ni LJ na hindi nadadalaw ni Paulo ang anak — Ginagawa ko ang obligasyon ko bilang ama sa anak ko

HINDI na bago sa amin ang pagtanggi ni Paulo Avelino na magsalita sa isyung kinasasangkutan niya lalo’t hindi naman kasama sa pelikula o TV show ang sangkot sa usapin. Pero napilit pa rin siyang kahit paano’y magsalita pagkatapos ng presscon proper ng I’m Drunk, I Love You na pinagbibidahan nila nina Dominic Roco at Maja Salvador na handog ng TBA …

Read More »

Bagong ambassador ng Tanduay, bagong alaga ng Viva

“THIS is a major break for someone like me who’s just starting out in showbiz.” Ito ang nasabi ni Kara Mitzki nang ipakilala siya ng Viva Artists Agency bilang pinakabagong calendar girl ng Tanduay White. Bagamat isang multi-talented star na nakakakanta, nakasasayaw, at nakaaarte si Mitzki hindi biro na ihilera siya agad sa mga kilala at naglalakihang pangalan at dating …

Read More »

Julia Montes, never iiwan ang Kapamilya Network; susunod na serye niluluto na

“MASAYA po ako kung nasaan po ako ngayon. At inaalagaan po ako ng ABS-CBN and Dreamscape, nina Sir Deo (Endrinal), so wala pong ganoon.” Ito ang iginiit ni Julia Montes sa Thanksgiving presscon ng kanyang longest running daytime drama Doble Kara noong Lunes ng gabi nang tanungin siya ukol sa mga balitang naglalabasan na lilipat siya ng ibang network at …

Read More »

Top 13, nasalang agad sa casual interview

TILA naiba naman ang estilo ngayon ng 2016 Miss Universe dahil nang tawagin ang Top 13, sumalang agad sa isang casual interview ni Steve Harvey, ang host, ang mga ito. Unang tinawag si Miss Kenya na kauna-unahang naging contestant mula sa kanyang bansa. Sa murang edad, maagang nawala ang kanyang mga magulang. Isinunod si Miss Indonesia, si Kezia Warouw na …

Read More »

Pagtawag sa ‘Pinas sa top 9, ibinitin

PAGKARAAN ng Top 13, isinunod ang swimsuit portion na roon tinawag ang Top 9. Nakasama sa listahan ng Top 9 sina Miss USA, Miss Thailand, Miss France, Miss Mexico, Miss Kenya, Miss Colombia, Miss Canada, Miss Haiti. Tumawag muna ng commercial si Harvey bago binanggit ang ika-siyam na kasama sa Top 9, ang Miss Philippines. Pero bago ito, marami na …

Read More »

Miss Haiti, may dugong Pinoy

HINDI man nagwagi si Medina, isang Pinoy pa rin ang namayani sa katatapos na beauty pageant. Sinasabing may dugong Pinoy sa mother side si Miss Haiti Raquel Pelissier na seven years ago ay nakaranas siya at ang kanyang pamilya ng matinding lindol na kumitil sa may 300,000 katao at naapektuhan ang may 900,000. Sa question and answer portion, umangat na …

Read More »

Sagot na nagpanalo kay Miss France

TULAD ni Miss Haiti, maganda rin ang naging sagot kapwa nina Miss France at Miss Colombia. Pero sa huli namayani ang Miss France na sinabing hindi niya akalaing siya ang magwawagi at tatanghaling Miss Universe. Narito ang kasagutan nina Miss France at Miss Colombia sa katanungang, Name something from the course of your life  that you failed at and tell …

Read More »

Pia Wurtzbach, inakap si Maxine Medina

VERY tounching naman ang picture na naka-post sa Instagram account ni Jonas Antonio Gaffud ng Mercator. Doo’y ipinakita niya ang pagyakap ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Medina matapos itong hindi matawag sa Top 3. Ang larawan ay may caption na—”Thank you so much @piawurtzbach for the gesture of comforting @maxine_medina #forthephilippines #missuniverse.” Bago ito, isang napakagandang Pia Wurtzbach …

Read More »

World Class Excellence Award Japan, magbibigay halaga sa mga natatanging Pinoy

ISANG Pinay na kumikilala ng natatanging katangian ng buong mundo at nanirahan sa Japan ng mahabang panahon ang nakatakdang kumilala at mag-abot ng parangal sa mga world -class achievers mula Amerika, Japan, Sri Lanka, at Pilipinas. Gaganapin ang award rites sa Heritage Hotel ngayong January 28, araw mismo ng Chinese New Year at dalawang araw bago ang 65th Miss Universe …

Read More »