Wednesday , December 7 2022

Sandara sa pag-uugnay sa kanya kay Robi: We’re just good friends, and that’s it!

HINDI dapat pagtakhan kung pabalik-balik ng Pilipinas si Sandara Park.  Sobrang mahal kasi niya ang ‘Pinas.

Ani Sandara, ganoon na lamang ang suporta rin niya  sa Pilipinas dahil nagpapasalamat din siya sa mga Pinoy dahil sa suporta sa kanya at pagmamahal sa kanya.

Aniya, kahit nga hindi niya ipino-promote ang ‘Pinas eh kusa iyong lumalabas sa kanyang puso.

Nilinaw naman ni Dara (tawag kay Sandara) ang ukol sa umano’y siya ang rason sa split up nina Robi Domingo at Gretchen Ho. Sinasabi kasing nakitang magkasama sina Dara at Robi nang magpunta ang huli sa Korea kamakailan ganoon din kapag nasa ‘Pinas ang aktres/singer.

“Narinig ko na ‘yan siyempre hindi totoo yun. Wala namang ginawa. We’re just good friends, me and Robi, and that’s it,” panimulang paliwanag ng dalaga.

“Hindi maganda na marinig ang ganoong issue kasi baka masira pa ang friendship namin,”  giit pa ng aktres/singer.

Dumating kahapon si Sandara para i-promote ang handog ng Viva International Pictures at MVP Entertainment ang pelikulang One Step. Isang Korean movie na pinagbibidahan ni Dara at kasama si Han Jae-Seok (Speed Angels) at si Cho Dong-In (The Stone).

Ang One Step ay ukol sa isang babaeng susubukang alalahanin ang kanyang nakaraan para matuklasan at mahanap ang sarili.

Nakuha ng One Step ang inspirasyon sa mga Hollywood movie gaya ng Once at Begin Again.

Ito rin ang kauna-unahang lead role ni Sandara para sa isang pelikula.

Ayon kay Sandara, nahirapan siyang gampanan ang kanyang karakter na may Colored Hearing. Kaya naman kinonsulta noya ang kanyang director kung paanong atake ang nararapat niyang gawin para magampanan nang maayos ang kanyang role. At kahit isa siyang singer, inamin ni Sandara na kinailangan niyang doblehin ang kanyang effort para maging makatotohanan ang kanyang pagganap.

Ang direktor ng pelikulang si Kuhn Jaihong ay puno rin ng papuri kay Sandara para sa kanyang pagganap sa pelikula. Nakita niya ang pagmamahal ni Sandara sa pag-arte kaya naman nag-enjoy siyang makatrabaho ito sa pelikula.

Ang One Step ay produksiyon ng MCC Entertainment, kilalang production house na gumawa ng mga musika para sa mga sikat na Korean TV dramas gaya ng Jewel In The Palace at The Great Queen Seondeok.

Mapapanood na ang One Step sa mga sinehan simula May 10.

ni MARICRIS VALDEZ

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply