FILING na ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga tatakbo sa 2016 elections. Kaya malalaman na natin simula ngayon hanggang Biyernes kung sino-sino ang mga naghahangad na mamumuno sa ating bansa, lalawigan, distrito, lungsod o munisipyo. Pagkatapos ng filing sa Biyernes, may pitong buwan pa tayong pag-aaralan at kakaliskisan ang mga kandidato. Para sa akin, makabubuti na huwag na nating …
Read More »Nakabibilib ang bilis ng aksyon ng Ombudsman
TALAGANG mabilis magdesisyon ngayon sa mga kaso sa Ombudsman si Conchita Carpio-Morales. Walang sinisino! Oo, simula nang maitalagang Ombudsperson si Morales noong Hulyo 2011 ay napakarami na niyang pinatalsik sa puwesto na mga abusado at magnanakaw na opisyal sa gobyerno, pati mga politiko yari! Ang mga kasong tinulugan ng mga nakaraang Ombudsman ay binuhay at denesisyunan ni Morales. Mabilis ang …
Read More »5 vice presidentiables at 3 presidentiables
TATLONG presidentiables at limang vice presidentiables na ang nagdeklara para sa 2016 national elections. Sa pagka-presidente: Vice President Jojo Binay, ex-DILG Secretary Mar Roxas at Senadora Grace Poe. Sa pagka-bise presidente: Senador Antonio Trillanes, Senador Alan Peter Cayetano, Senador Bongbong Marcos, Senador Chiz Escudero at Congresswoman Leni Robredo. Sila ay parehong mahuhusay at malalakas. Sina Trillanes, Escudero at Robredo ay …
Read More »‘Lagayan sa Comelec para sa Partylist’
TOTOO ba ito? Milyones raw ang lagayan ngayon sa Comelec para mapa-accredit ang isang Partylist nang sa gayon ay makalahok sa darating na eleksyon 2016. Minsan ko nang narinig ito noong panahon ng ilang nagretirong Comelec commissioners na inireklamo ni Mr. Jerry S. Yap ng Alab ng Mamahayag (ALAM) na umano’y hinihingan ng P3-M para ma-accredit noong 2013 election ang …
Read More »Marcos-Duterte o Duterte-Marcos?
PERFECT tandem ito kapag nagkataon… Oo, sinadya ni Senador Bongbong Marcos si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte para hikayatin mag-tandem sila para sa darating na 2016 elections. Hindi lang malinaw kung bise ba o presidente ang alok ni Marcos kay Duterte. Nauna nang sinabi ng batang Macos na tatakbo siya sa mataas na posisyon sa darating na halalan. Si …
Read More »P5-M utang ni ex-MMDA Chairman
MAY malaking problema ngayon ang isang dating MMDA Chairman. Kinasuhan ito ng isang brokerage dahil sa P5-M nitong utang noon pang-2013. Akalain mong magkautang ng ganun kalaki ang ex-MMDA chief na ito e kilala itong super milyonaryo dahil napakatagal niya ring nanungkulan bilang mayor sa isang sikat na lungsod sa Metro Manila bago natalaga sa MMDA. Sinilipan pa nga siya …
Read More »Sen. Bongbong Marcos kakasa sa mas mataas na posisyon
KINOMPIRMA kamakalawa ni Senador Bongbong Marcos ang kanyang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections. Ibig sabihin ay presidente o bise presidente ang kanyang target. Malaking banta siya sa mga naunang nagdeklarang presidentiables at vice presidentiables. Baliktaktakan ito. May “solid north” na boto ang batang Marcos. Tiyak ding makakukuha ng malaking boto sa Samar-Leyte dahil sa kanyang Waray …
Read More »Paglobo ng bilang sasakyan sanhi ng grabeng trapik
MATAPOS maganap ang “carmageddon” o ang matinding pagsikip sa daloy ng trapiko na pumaralisa sa buong Kamaynilaan noong Setyembre 8, nagpa-interview si PNoy kay Tina-Monson Palma sa programa nitong “Talkback” sa ANC at isinisi sa paglobo ng bilang ng sasakyan ang paglala ng trapiko. Totoo nga ito, ngunit ang kabiguan ng pamahalaan sa paggawa ng mga kalsada at ang paglala …
Read More »Problema ng mga Nurse na na-recruit ng Elbeitam Management Services
NAG-PRIVATE message sa akin ang isa sa maraming nurse na recruit ng Elbeitan Management Services Inc. na may tanggapan sa 1836 Leon Guinto St., Hala building sa Malate, Manila. Narito ang sumbong sa akin ng babaeng nurse na si Jenny: – May problema po ako/kami rito. Hindi po talaga okey dito. Yung employer namin hindi sinunod yung kontrata ng POEA. …
Read More »Nagtatalunan na ang mga trapo
HABANG papalapit ang filing ng candidacy, nagtatalunan na rin ang mga trapo (traditional politician) mula sa kanilang mahinang partido tungo sa kampo na may winnable presidentiable. Oo, matapos magdeklarang tatakbong presidente ang nangunguna sa survey na si Senadora Grace Poe, biglang nagtalunan sa kanyang kampo ang mga trapo mula sa mahihinang partido. Bagama’t walang sariling partido si Poe, at matatandaan …
Read More »Sina Atienza at Bagatsing ang gumigiba kay Erap
TINGNAN n’yo… ang mga taong humila kay Erap para pumasok sa Maynila ang sila ngayong gumigiba sa dating Presidente na alkalde ngayon ng Lungsod para naman sa kanilang ambisyon sa 2016 elections. Oo, ibang-iba ang takbo ngayon ng politika sa Maynila. Sina dating mayor at kasalukuyang partylist representative Lito Atienza, at last termer 5th District Congressman Amado Bagatsing na silang …
Read More »Linisin sa obstructions ang kalye, luluwag ang trapik
PANGUNAHING problema na talaga ngayon sa Metro Manila ang grabeng trapik araw-araw. Ito’y dahil lumalaki ang ating populasyon, dumami ang mga sasakyan at paliit nang paliit naman ang ating mga kalye dahil sa obstructions at mga hukay ng DPWH art Maynilad na nakabinbin! Kaya ang suggestions natin ay linisin sa obstructions ang mga kalye, bawiin sa mga pasaway na negosyante …
Read More »Kakandidatong senador si Tolentino? Olat na ‘yan!
KUNG tatakbong senador sa darating na eleksyon si MMDA Chairman Francis Tolentino, makabubuti na huwag na niyang ituloy. Masasayang lang ang kanyang pagod at pera. Hindi siya mananalo!!! Oo, sa galit na nararamdaman ngayon ng mga tao sa grabeng trapik sa Metro Manila, tiyak mabobokya siya sa mga botante. Ang Metro Manila ang may pinakamalaking bulto ng boto na kayang …
Read More »Out na si Digong sa presidential race 2016
NABAWASAN na ng isa ang presidentiables. Pormal nang nagdeklara ng kanyang pag-ayaw sa pagtakbong presidente sa 2016 si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte. Gusto niya na raw kasing magpahinga sa politika. Matanda na raw siya at may sakit na. Gusto niya na raw mag-relax kasama ang kanyang pamilya. Good choice, Mayor Digong, pare ko! Sa pag-atras ni Digong, sina …
Read More »PNP-HPG na ang magtatrapik ngayon sa EDSA
MATAPOS sumailalim sa tatlong araw na seminar sa trapik, magsisimula na ngayong magtrabaho sa kahabaan ng EDSA ang Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP). Sila ang ipinalit sa inalis na MMDA traffic enforcers na naging inutil sa pagsaayos ng trapiko. Bukod sa pagtalaga sa mga de baril na HPG, pinaalis din ang lahat ng sagabal sa daan …
Read More »Zero vendors along EDSA mula Lunes
SORRY sa ating kababayang vendors. Bawal na po kayo sa kahabaan ng EDSA simula sa Lunes. Sinabi ni DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson na ipatutupad na nila ang “zero vendors” sa sidewalk ng kahabaan ng EDSA. Aalisin narin nila ang concrete barriers na nagsilbing dividers. Ito’y upang lumuwag at maibsan ang grabe nang trapik sa kahabaan ng EDSA mula Monumento …
Read More »Biglang kambyo ang mga politico sa pag-trending ni Sec. De Lima
HA HA HA HA… Nang mag-check ako ng mga news sa social media kahapon, umiba na naman ang timpla ng mga politiko na pumabor sa INC protest mula noong Huwebes hanggang Lunes ng umaga sa mga kalye ng Padre Faura at EDSA. Sabi ng isang malakas na “presidentiable” tama raw si Justice Secretary Liela de Lima na manindigan sa panig …
Read More »Kakasa si Bongbong Marcos
TIYAK magiging mahigpit ang labanan sa pagka-presidente sa 2016. Ito’y kapag nagdeklara rin tumakbo si Senador Bongbong Marcos pati si Senadora Grace Poe. Ayon sa aking reliable source, panay na ang miting ngayon ng kampo ni Marcos. Oo, bubuhayin daw ang KBL (Kilusang Bagong Lipunan) na partido ng kanyang yumaong ama na si dating Presidente Ferdinand Marcos. Matibay ito… damo …
Read More »Magdeklara ka na nga Senadora Grace…
HINDI na tinatantanan ng mga banat si Senadora Grace Poe. Ipinadi-disqualify siya sa Senado dahil isa pa raw siyang American citizen. Kulang pa raw ang kanyang mga taon ng paninirahan sa bansa para maging Senador at kumandidatong presidente sa 2016. Wala raw estado o stateless ang Senadora dahil napulot lang (sa loob ng simbahan sa Jaro, Iloilo) at hindi alam …
Read More »Ayaw at gusto maging Vice President sa 2016
PROBLEMA ng presidentiables ang pagkuha ng running mate para sa 2016 elections. Kasi nga ang gusto nilang maging running mate ay gusto rin tumakbong presidente dahil matataas din ang ratings sa survey para mahalal sa panguluhan ng Filipinas. Katulad halimbawa nina Senadora Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Paano silang makokombinsi maging vice president e mas mataas pa …
Read More »Batang Villar takbong Senador
PANAY na ang labas ng ads sa TV ng batang Villar. Oo, si Las Piñas City Congressman Mark Villar, panganay na anak nina ex-Senate President Manny at kasalukuyang Senador Cynthia Villar ay kakasa na sa pagka-senador sa 2016 elections. Kapag nagkataon, magkakaroon uli ng mag-inang senador sa Senado pagkatapos nina Jinggoy at Loi Estrada noong 2001-2007. Hindi na rin naman …
Read More »Mag-aamoy marijuana ang Pinas kapag…
MABUTI naman at inalmahan ng medical community partikular ng mga doktor ang pagsa-ligal sa marijuana sa bansa. Hindi naman daw talaga ito nakagagaling ng karamdaman kundi pansamantalang nakaka-alis lamang ng nararamdang sakit sa katawan dahil “high” ang nakagamit. Maging si Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima ay hindi sang-ayon na gawing ligal ang marijuana. Dahil nakakaadik nga ito. …
Read More »Regular drug test sa bus at truck drivers
MADUGONG aksidente na naman ang nangyari na kinasasangkutan ng Valisno Bus kamakalawa sa boundary ng Caloocan at Quezon City. Apat ang namatay at 16 ang sugatan sa insidente. Sa panayam ng media, sinabi ng bus driver na si George Pacis na kinakantiyawan daw kasi siya ng mga pasahero na mabagal magpatakbo kaya pinaspasan niya. Sabi naman ng mga pasahero, pinagsabihan …
Read More »Negative kay VP Binay ang pakikipag-tandem kay Sen. Marcos
BANNER kahapon ng ilang pahayagan ang balitang inalok ni Vice President Jojo Binay si Senador Bongbong Marcos na maging running mate sa 2016 election. Tama kaya si Binay sa kanyang desisyon? Baka naman nabigla lang siya o bunga lang ito ng kanyang pagkadesmaya sa pagkuha ng running mate sa darating na halalan sa panguluhan? Sariwa pa sa isipan ng marami …
Read More »Salamat sa lahat!
SIMPLE pero masaya naming nairaos ang 12th year anniversary ng Police Files TONITE last Saturday. Maraming salamat sa mga kaibigan na hindi nakalimot magpadala ng mga pagkain lalo kina Senadora Grace Poe at Cynthia Villar sa kanilang walang kamatayang “pansit pansit.” Pampahaba raw ng buhay. Hehehe… Maraming salamat din sa mga kaibigang naglagay ng ads. Malaking tulong para sa aming …
Read More »