Tuesday , April 16 2024

Out na si Digong sa presidential race 2016

00 pulis joeyNABAWASAN na ng isa ang presidentiables.

Pormal nang nagdeklara ng kanyang pag-ayaw sa pagtakbong presidente sa 2016 si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte.

Gusto niya na raw kasing magpahinga sa politika. Matanda na raw siya at may sakit na. Gusto niya na raw mag-relax kasama ang kanyang pamilya.

Good choice, Mayor Digong, pare ko!

Sa pag-atras ni Digong, sina Senador Grace Poe at Senador Bongbong Marcos na lang ang ating aabangan ngayon – kung magdedeklarang tatakbong presidente o bise na lang…

Sa ngayon, ang mga nakapagdeklara palang para presidente ay sina Vice President Jojo Binay at DILG Sec. Mar Roxas. Pero pareho pa silang walang running mate.

Habang papalapit ang filing ng candidacy sa Oktubre 12-16, wala pang nabubuong lineup sa tiket sina Binay at Roxas. Kulang pa rin sila sa senatoriables.

Si Poe, isang independent pero tumakbo sa Team PNoy noong 2013, ay tila magdedeklara na tila hindi. Pero sa touno ng kanyang pananalita ay kakasa siya. Pero kelan pa kaya siya magdedeklara? At anong opisyal na partido kaya siya?

Matunog na ina-adopt siya ng Nationalist People’s Coalition (NPC) nina billionaires Danding Cojuangco at Ramon Ang.

Pero ang anak ni Danding na si ex-Congressman Cojuangco ay nagla-lobby raw kay VP Binay. Naloko na!

Si Poe ay napupusuan ni Roxas para maging running mate. Pero until now ay walang sagot ang Senadora.  Kaya sabi ni Senate President Frank Drilon, makabubuti na bitiwan na nila si Poe at maghanap na lang ng ibang vice presidentiable si Mar. Tama!

Si Marcos naman… magdedeklara na raw sa Biyernes, Setyembre 11.

Abangan natin kung ano ang ipapahayag ng batang Marcos… Balita kasing bubuhayin nila ang KBL (Kilusang Bagong Lipunan) na partido ng kanyang ama noon.

Subaybayan!

Riders na mahilig mag-overtake, pagbawalan…

– Mr. Venancio, puede po ba ninyong pabigyan ng pansin ang mga naka-single na motor na nag-o-overtake sa straight line o no overtake line? Malapit po sila na makadisgrasya e. Salamat po. – 09262155…

Ito pa nga ang isang malaking problema sa mga nagmomotorsiklo. Reckless! Kaya madalas sa kanila ang disgrasya ay dahil mahilig mag-overtake kung saan ay nababangga sila. Ewan!

Ipa-drug test mga tao sa Legal Office ng Bacolod City

– Gud day, Joey. Dito sa Bacolod City Hall ay bago ang head ng Legal Office. Sana ipa-drug test mga tao niya. Kasi marami sa mga ito ay gumagamit ng droga. – Concerned citizen.

Tama ang suggestion ng texter. Dahil da-pat malinis ang mga taga-Legal para tama lagi ang kanilang advise sa tao.

Mga estudyante Grangja National High School nagbabaon ng patalim

– Joey, dito po sa Grangja National High School sa lungsod ng Jaro, Leyte ay maraming estudyante ang nagdadala ng patalim. Minsan nga may nagsaksakan na mga estudyante. Dapat po lagyan ng pulis sa gate at kapkapan ang mga estudyante na papasok sa iskul. Wag nyo po ilabas ang numero ko. Isa po akong magulang ng estudyante.

Kolorum na biyaheng Monumento-Trinoma P100 maghapon sa enforcers

– Sir Joey, sana mabantayan rin ng PNP-HPG ang biyaheng Monumento-Trinoma. Ang mga kolorum po kasi ang mga linya nila Balintawak ilalim. Ang lagay daw nila isandaang piso bawat jeep sa maghapon. Sana maalis ito ng HPG, ‘di yung mga bus ang pinaghuhuli nila na ligal kami. – 09184619…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *