IPINAIRAL ang full alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila kasunod nang pagsabog kamakalawa ng gabi sa Davao City. Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, bahagi ito ng kanilang “precautionary measures” upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Kaugnay nito, mas magiging mahigpit ang checkpoints sa buong National Capital Region (NCR). Maging …
Read More »British nat’l tiklo sa ecstacy
ARESTADO ang isang British national makaraan makompiskahan ng pitong piraso ng ecstacy kahapon ng madaling-araw sa Makati City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act ang suspek na si Nabeel Ahmed Butt alyas Isaac ng 303 Road Chester Elisco Road, San Joaquin Pasig City, nakapiit sa detention cell ng DAID. Sinabi ni Senior Inspector Wilfredo …
Read More »10 mayor, bise sa CL nakalistang narco politicians
IBINUNYAG ni Region 3 Director General, Chief Supt. Aaron Aquino, sampung mayor at vice mayor ang kasama sa ikalawang listahan ng mga politikong sangkot sa droga sa Central Luzon, kabilang ang lalawigan ng Bulacan. Kinompirma ito ni Aquino sa dinaluhang panunumpa ng 1,122 drug user at pusher na sumuko sa bayan ng Talavera sa Nueva Ecija at nangakong magbabagong-buhay na. …
Read More »Drug pusher pinatay sa pasay
PATAY ang isang sinasabing drug user at part time pusher makaraan barilin nang malapitan ng hindi nakilalang lalaki nitong Biyernes ng gabi sa Pasay City. Kinilala ang biktimang si Ryan Mariano, 35, ng 258 Vergel St., Pasay City. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 4:00 pm biglang sumulpot ang suspek at binaril ang biktima sa Vergel St., Brgy. 119, Zone …
Read More »5 NBP inmates tiklo sa shabu
LIMANG inmates ng New Bilibid Prison (NBP) ang nakompiskahan ng limang bulto ng hinihinalang shabu nang salakayin ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang loob ng piitan ng Medium Security Compound sa isinagawang buy-bust operation sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon. Isinagawa ang buy-bust operation ng isang confidential agent dakong 5:30 pm sa loob ng selda …
Read More »3 sangkot sa droga napatay (7 arestado)
TATLO katao na may kinalaman sa droga ang napatay habang pito ang arestado sa magkakahiwalay na lugar kahapon. Agad binawian ng buhay si Renty Sacayan alyas Eway nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek. Pinasok ang biktima ng suspek sa kanyang bahay sa Pasay City at pinagbabaril. Sa Quezon City, napatay ng mga pulis si alyas Gary sa ikinasang anti-drug …
Read More »2 ‘prinsesa’ patay sa Las Piñas fire
KAPWA namatay ang magkapatid na paslit makaraan lamunin ng apoy ang 40 bahay sa Las Piñas City kahapon ng madaling araw. Kinilala ng Las Piñas Bureau of Fire Protection ang mga biktimang sina Princess Nicole , 2, at Princess Eunice, 1, ng Everlasting St., Medina Compound, ng naturang barangay. Habang sugatan ang hindi pa nakilalang babae na tumalon sa bintana …
Read More »MMDA, LTO, LTFRB, PNP-HPG isinailalim sa re-training
LIMANG-araw isasailalim sa re-training ang mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation, Franchising and Regulatory Board, (LTFRB) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) upang pag-isahin ang puwersa para sa pagmamantina ng trapiko sa Metro Manila. Pangungunahan ni Department of Transportation Arthur Tugade ang limang araw na re-training program na isasagawa sa tanggapan …
Read More »Bebot patay, 2 sugatan sa sumiklab na LPG
PATAY ang isang 27-anyos babae habang dalawa ang sugatan sa naganap na sunog nang sumiklab ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa EDSA, Pasay City kahapon. Kinilala ni Bureau of Fire Pasay City chief, Chief Inspector Douglas Guiab, ang namatay na si Neneth Venoza, sinasabing nakulong sa loob ng canteen nang sumiklab ang apoy pasado 3:00 pm sa 767 …
Read More »Hi-end bars papasukin vs droga
BIBIGYAN ng pahintulot ng mga may-ari na makapasok sa high-end bars sa Metro Manila ang mga miyembro ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) upang suportahan ang mahigpit na kampanya ng Duterte administration laban sa ipinagbabawal na droga. Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, pumayag ang mga may-ari ng naturang mga establisimento na makapasok ang mga tauhan ng …
Read More »Biktima ng summary killing natagpuan sa Makati
NATAGPUAN ang bangkay ng hindi kilalang lalaki sa itim na plastic garbage bag sa gilid ng kalsada sa Makati City kahapon ng madaling araw. Inilarawan ng Makati City Police ang biktimang nasa hustong gulang, nakasuot ng pula at puting long sleeves at itim na short pants. Ayon sa inisyal na ulat, dakong 1:30 am kahapon natagpuan ng isang residente ang …
Read More »Uzi, Granada hindi sa namatay na 10 inmates? (Sa Parañaque City Jail)
MAY duda ang isa sa mga opisyal ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP), imposibleng pag-aari ng namatay na inmates ang Uzi at granadang natagpuan sa loob ng opisina ng warden ng Parañaque City Jail na sumabog nitong Huwebes ng gabi. Tumangging magpabanggit ng pangalan ang opisyal at ayon sa kanya SOP na bago iharap sa warden ang preso kinakapkapan …
Read More »2 Chinese, 8 preso patay sa riot sa Parañaque jail (Warden sugatan)
SINISIYASAT ng mga awtoridad ang pagkamatay ng 10 bilanggo, kabilang ang dalawang Chinese, at pagkasugat ng mismong jail warden ng Parañaque City Jail kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na impormasyon, namatay ang 10 preso, kabilang ang dalawang Chinese, makaraan sumabog ang isang granada. Napag-alaman, nakikipag-dialogo si Jail Supt. Gerald Bantag nang hindi magkasundo ang mga lider ng mga bilanggo hanggang …
Read More »PBA D-League player nanghipo ng bebot
INAKUSAHAN ang isang Filipino-American player ng Philippine Basketball Association (PBA) D-League, ng panghihipo sa 25-anyos babae sa loob ng restaurant-bar sa Bonifacio Global City (BGC) kahapon ng madaling araw. Kahapon, isinailalim sa inquest proceeding sa Taguig City Prosecutor’s Office at ngayon ay nasa kustodiya ng Taguig City Police ang hinuling PBA D-League import player na kinilalang si Rashawn McCarthy, naglalaro …
Read More »Solaire casino staff todas sa holdaper
PATAY ang isang babaeng hotel-casino staff makaraan barilin ng hinihinalang holdaper na sakay ng motorsiklo at tinangay ang kanyang bag kahapon sa Makati City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Maria Remedios Padrano, 31, roller staff sa Solaire Hotel, ng 27-G Lapu-Lapu St., Brgy. West Rembo ng naturang lungsod. Base sa imbestigasyon ni PO3 Ronaldo Villaranda, ng Homicide Section …
Read More »168 drug suspects napatay, 1,365 arestado sa 38 araw
INIULAT ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes, umabot na sa 168 drug suspects ang napapatay magmula nitong nakaraang buwan. Ayon sa NCRPO, ang napatay na drug suspects ay naitala mula Hulyo 1 hanggang Agosto 7 sa limang police district offices. May kabuang 66 drug personalities ang napatay ng Manila Police District (MPD) sa nasabing period. Ang MPD …
Read More »Top 6 drug personality patay sa tandem
BINISTAY ng bala ang isang lalaking “top 6 drug personality” sa lungsod ng Pasay nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Dante De Paz, ng Apelo Cruz, Brgy. 157 ng nasabing siyudad, natagpuang may nakapatong na placard na may nakasaad na katagang “Pusher na ayaw tumigil, huwag tularan”. ( JAJA GARCIA )
Read More »160 preso sa Bilibid ililipat sa isla ng Cavite — BuCOr
PINAG-AARALAN ng Bureau of Corrections (BuCor) na ilipat sa isang isla sa lalawigan ng Cavite ang 160 preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Kahapon ay nagsagawa nang pagbisita at inspeksiyon ang pamunuan ng BuCor sa pamumuno ni Major General Alexander Balutan, sa Caballo Island sa lalawigan ng Cavite na balak paglipatan sa 160 preso mula sa Minimum …
Read More »16 arestado sa anti-drug ops
ARESTADO ng pulisya ang 16 kataong pawang sangkot sa droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Taguig City, Las Piñas City at Muntinlupa City nitong Martes ng gabi. Sa ulat kay Taguig City Police chief, Sr. Supt. Allen Ocden, sampu kataong sangkot sa droga ang naaresto ng kanyang mga tauhan na kinilalang sina Jomar Macapigis, 23; Rolando Riposo, 34; Amor Duma, …
Read More »Bike rider utas sa HPG
PATAY ang hinuling bike rider sa traffic insident, makaraan barilin ang mga tauhan ng PNP-HPG nang lumaban at tangkang agawin ang baril ng isang pulis sa loob ng mobile car sa Makati City kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si John Dela Riarte, 27, may apat tama ng bala ng baril sa dibdib, leeg at baywang. Base sa inisyal na …
Read More »Sanggol, 3 bata patay sa pasay fire (4 sugatan)
PATAY ang isang sanggol at tatlong bata habang apat ang sugatan, nang masunog ang isang residential area sa Sitio Pag-asa, Pasay City nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang mga biktima ay kinilalang sina John Derrick Guarino, 8; Aya Shantal Guarino, 5, at Baby Aris Patrick Romano, limang-buwan gulang, at Kim Regene Argarin, 7, pawang …
Read More »8888 nat’l hotline sa 1 Agosto — NTC
NAGLABAS ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagtatalaga sa numerong “8888” bilang opisyal na National Complaint Hotline number. Epektibo ang direktiba simula sa Agosto 1, 2016. Ayon sa NTC, ginawa nila ang hakbang bilang pagtalima sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng national citizens complaint hotline. Bago naisapinal ang konsepto, nagpulong muna ang stakeholders na pinangunahan …
Read More »6 salvage victims natagpuan sa Pasay
ANIM kalalakihang hinihinalang biktima ng summary killings ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang dalawa sa anim na sina Jethro Sosa, alyas Jet-Jet, 27, at Patrick Martinez, may mga tama ng bala ng baril sa katawan. Habang ang tatlong biktima ay kinilalang sina alyas Toto, alyas Reggie, alyas Boy Silva, at isang hindi …
Read More »Bebot utas sa onsehan sa droga
PATAY ang babaeng hinihinalang tulak ng droga nang pagbabarilin ng kapwa niya drug pusher makaraan magka-onsehan sa shabu sa Paranaque City kamakalawa ng gabi. Ang biktimang hindi pa nakikilala ay tinatayang edad 25-anyos. Nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya para sa agarang pag-aresto sa suspek na kinilala sa pangalang alyas Bilo, sinasabing isang notoryus na drug pusher. Napag-alaman, naganap ang …
Read More »2 Bangladeshi, 2 pa arestado sa pagnanakaw sa kababayan
ARESTADO ang dalawang Bangladeshi nationals at dalawang iba pa sa Pasay City nitong Sabado makaraan ireklamo ng pagnanakaw nang mahigit P15-milyon halaga ng mga damit mula sa mga kapwa Bangladeshi. Kinilala ang mga suspek na sina Mohamad Anowar Hossain, Kamal Hossan, Lawrence Anthony Daliscon, anti-illegal drugs agent, at Jelyn Paraquirre. Idinawit din ng mga nagrereklamo ang mga suspek sa mga …
Read More »