Saturday , July 27 2024
crime scene yellow tape

Solaire casino staff todas sa holdaper

PATAY ang isang babaeng hotel-casino staff makaraan barilin ng hinihinalang holdaper na sakay ng motorsiklo at tinangay ang kanyang bag kahapon sa Makati City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Maria Remedios Padrano, 31, roller staff sa Solaire Hotel, ng 27-G Lapu-Lapu St., Brgy. West Rembo ng naturang lungsod.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Ronaldo Villaranda, ng Homicide Section ng Makati City Police, naganap ang insidente sa Lapu-Lapu St., Brgy. West Rembo dakong 5:15 am kahapon.

Papasok sana sa kanyang trabaho si Padrana nang sumulpot ang isang lalaking lulan ng motorsiklong walang plaka at siya ay binaril sa ulo. Pagkaraan ay kinuha ng suspek ang bag ng biktima.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *