Sunday , December 22 2024

Henry Vargas

INIHAYAG ni National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) chairman Dr. Ernesto Jay Adalem ang pambungad na mensahe sa pagsisimula ng 16th NAASCU mens basketball tornament sa Cuneta Astrodome.  May labing apat na koponan ang kalahok sa pantaunang torneyo. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

NABUHOL ang mga kamay nina Papi Sarr at Dawn Ochea ng Adamson University nang makisalo sa agawan ng bola si Jerson Prado ng University of the Philippines sa likuran sa kanilang sa laban sa UAAP Season 79. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

NAUNAHAN sa rebound ni Gabe Norwood ng Rain or Shine si James White ng Mahindra Enforcer na pilit abutin ang bola, habang nakaalalay si Paul Lee. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

GINIPIT si William Wilson ng Phoenix Fuel Masters ng tatluhang depensa ng  Mahindra Enforcers dribblers dahilan para ipasa ang bola sa kakampi. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

SI Jules Alpe habang isinasagawa ang slide chasse, isang Filipino figure skater na kalahok sa Junior Men category ng 7th Asian Open Figure Skating Trophy na ginanap sa SM Skating rink sa Mall of Asia. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

TINALON ni Rey Guevarra (6′ 2″) ng Meralco Bolts sina Raymond Almazan (6′ 8″) at teamate Jericho Cruz ng Rain or Shine sabay dunk  na tinanghal na kampeon kontra Chris Newsome sa finale ng PBA All star slam dunk contest. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

TODO arangkada na sa tagpong ito ang kabayong si Atomic seventynine (5) sa renda ni jockey Apoy P. Asuncion patungo sa meta na itinanghal na kampeon  kaagapay ang sumegundang Our Angel’s Dream (natakpan) sa ginanap na 2016 PHILRACOM 4th Leg Imported/Local Challenge Stakes Race sa pista ng Saddle and Club Leisure Park sa Naic, Cavite. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

TINALAKAY ni MILO Sports executive Robert de Vera, (kaliwa) kasama sa hanay sina Philippine Swimming Inc., (PSI) executive director/coach Reina Suarez at PSI secretary general Lani Velasco sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate ang apat na araw na qualifying leg (Hulyo 14-17) na may limang kategorya ang paglalabanan na may edad na 11 – 17 na swimfest ng MILO-Philippine …

Read More »

ISINAGAWA ang Contract Signing nina (mula sa kaliwa nakaupo) Ms. Shiela Vitug ng Uniprom, Inc. Head of Sales & Marketing, Ms. Irene Jose Uniprom COO/OIC, Atty. Andres Narvasa Jr. PBA Commissioner, Mr. Robert Non PBA Chairman.  Saksi sina (L-R) Maricar Bernabe, Uniprom Inc. Booking manager, Ms. Karen Nicasio, Ticketnet manager, Ms. Pita Dobles PBA Assistant to the Comm., Rickie Santos …

Read More »

ISINAGAWA ang ceremonial toss ni Presidente Rodrigo Duterte sa pagitan nina Joffrey Lauvergne ng team France at Andray Blatche ng team Philippines sa pagsisimula ng FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginaganap sa MOA  Arena sa Pasay City. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

DINUMOG ng mga siklistang kalahok sa pedalan ang ginanap na 5th Fil-Am Criterium Grand Prix sa Quezon City circle. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

KAMPEON si Grandmaster Rogelio Antonio Jr. (gitna), 2nd place ( pangalawa mula kaliwa ) Grandmaster Jayson Gonzales, 3rd place si International Master Paolo Bersamina na iginawad ang tropeo nina  Atty. Ruel V. Canobas, NCFP Vice President for Luzon at  NCFP Treasurer / Deputy secretary general Red Dumuk , sa ginanap na awarding ceremony ng Battle of the Grandmasters 2016 Grand …

Read More »

INILAHAD ng bagong PSC Chairman William “Butch” Ramirez na itinalaga ni President Rody Duterte kapalit ni outgoing chair Richie Garcia sa kanyang muling panunungkulan sa Philippine Sports Commission makaraang bumisita sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama ang apat na Commissioners na sina (dulong kaliwa ) Charles Raymond  Maxey, Ramon Fernandez, Celia Kiram at  Arnold Agustin. ( HENRY T. …

Read More »

IPINAMALAS ni Filipino Olympian figure skater na si Michael Martinez ang kaniyang kahusayan sa larangan ng ice skating na lubos na hinangaan ng mga manonood ng Ice Show sa Skating Rink ng SM Megamall kasamang nagpakitang gilas ang 2015 National champs na sinundan ng meet and greet para sa mga tagahanga. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

NASA bansa si Filipino Olympian figure skater Michael Martinez  pagkatapos ng matagumpay na kompetiyon at maigting na pagsasanay sa ibang bansa.  Nasa larawan habang nagbibigay ng instruksiyon sa mga kalahok sa ginaganap na 3 – day skating camp (June 15-17) sa  Skating rink SM Mall of Asia at sa June 18 magkakaroon ng Ice shows sa Skating Rink ng SM …

Read More »

TANGAN ang dalawang championship belt ni Gretchen Magbanua Abaniel nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.  Siya ang kasalukuyang Women’s International Boxing Association (WIBA) at  Global Boxing Union (GBU) female world champ sa  minimumweight at kaniyang inihayag ang nalalapit na laban sa New South Wales, Australia. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Radio Active nasungkit ang unang leg

NASUNGKIT ng kabayong si Radio Active na sinakyan ni John Alvin Guce ang unang leg ng 2016 PHILRACOM “Triple Crown Stakes Race” sa pista ng Sta. Ana Park. Sa largahan ay isa sina Alvin na nasabay sa magandang alisan, kaya naman nakasunod agad siya sa nagdikta ng harapan na si Dewey Boulevard. Pagdating ng medya milya ay sinimulan ni Alvin …

Read More »

PORMAL na nilagdaan nina Asian Volleyball Confederation (AVC) Chairman of marketing and development committee at Philippine Superliga (PSL) president Ramon Suzara (kaliwa) at International Volleyball Federation (FIVB) executive committee member Dr. Stav Jacobi ang Memorandum of Agreement (MOA) para isagawa sa Filipinas ang prestihiyosong major international tournaments na 2016 FIVB World Women’s Club Championship sa Oktubre 18 – 23 sa …

Read More »

KABILANG ang koponan ng UP Women’s Volleyball Team ang nagpapatunay sa power booster ng dietary suplement na CardiMax pure L-Carnitine sa ginanap na media briefing sa pangunguna ni Katheryn Feliciano, Integrated Pharmaceutical, Inc.’s VP for Operations na ginanap sa Trampoline Park sa Mandaluyong City. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

MALAYANG  naisagawa ang lay up ni Jericho Cruz ng Rain or Shine na walang nagawa ang depensa nina Malcolm Rhett at JP Erram ng Blackwater. Nadomina ng ROS 118 – 107 ang Blackwater sa Oppo-PBA Commissioner’s Cup. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

PINANGUNAHAN ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia ang (sounding of horn) kasama sina PSC executive director Atty. Guillermo B. Iroy at Philippine Olympic Committee (POC) executive board member Col. Jeff Tamayo ang pormal na pagsisimula ng Araw ng Kagitingan fun run (5K, 3K) kung saan may isang libo’t limang daan ang lumahok na ginanap sa Quirino Grandstand ground …

Read More »

INIHAYAG ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na bukas na ang tatlong araw na paligsahan ng 2016 Ayala-Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa simpleng seremonya sa PhilSports sa Pasig City. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

NAGPUMIGLAS si Reil Cervantes ng Blackwater Elite para makawala sa  mahigpit na depensa nina Cliff Hodge at Cris Newsome ng Meralco Bolts. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

UMATAKE sa basket si Japeth Aguilar ng Ginebra sabay iwas sa depensa ni Rome dela Rosa ng Alaska. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »