Friday , January 10 2025

hataw tabloid

Araw-araw na laro ibabalik ng PBA

MULING gagamitin ng PBA ang pang-araw-araw na iskedyul ng mga laro para sa quarterfinals at semifinals ng Governors’ Cup. Ayon sa iskedyul na ipinalabas ng liga kahapon, gagawin sa Setyembre 23, Lunes ang mga posibleng knockout na laro para sa huling puwesto sa quarterfinals. Kinabukasan, Setyembre 24 at 25,  gagawin ang quarterfinals at kung may rubber match ay sa Setyembre …

Read More »

Draft ng PBA D League gagawin bukas

TULOY na bukas ang kaunaunahang Rookie Draft ng PBA Developmental League na gagawin sa opisina ng liga sa Libis, Lungsod ng Quezon. Kasali sa drafting ang 143 na manlalaro na nagpalista rito sa pangunguna ni Chris Banchero, ang point guard ng San  Miguel Beer na nagkampeon sa ASEAN Basketball League noong Hunyo. Kasama rin sa drafting ang anak ni dating …

Read More »

Vinluan kampeon sa Chess Tourney

NASIKWAT NI BRYLLE GEVER VINLUAN ng Baguio City ang kampeonato ng 1st Robinson’s Place Under-15 Chess Tournament nitong Setyembre 15 sa Calasiao, Pangasinan. Bagama’t tangan ang disadvantageous black pieces, nakipaghatian ng puntos si Vinluan  kay Juan Carlos M. Presente ng San Jose Academy of Bulacan (SJAB) sa final round para pormal na maiuwi ang titulo sa 6-round tournament. Nakakolekta si …

Read More »

2013 NCFP Nat’l Youth Chess Championships tutulak na

TUTULAK na ang 2013 National Youth Chess Championships Standard Competition sa Setyembre 27 hanggang 29 na gaganapin sa Philippine Sports Commission Conference Room, Administration Bldg., Vito Cruz, Manila. Bukas ang torneo sa lahat ng youth players (15 years old and below), na good standing sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP). “Participants will compete in 10 – 15 Years …

Read More »

PhilHealth, AFP ibinulsa ang insentibo (UNTV Cup)

KINALDAG  ng PhilHealth ang Metro Manila Development Authority (MMDA), 77-71 upang sementuhan ang No. 4 spot sa pagtatapos ng eliminations round ng 1st UNTV Cup na ginaganap sa Treston Colelge Gym, The Fort, Taguig. Hindi makalayo ang PhilHealth sa unang tatlong quarters subalit sa final canto ay kumalas sila nang umalagwa ang lamang sa 24 puntos upang ilista ang 3-3 …

Read More »

Ilang kabayo pinarurusahan ng Handicapper

Nakakabahala na posibleng magkaroon ng shortage ng mga kabayong pangarera dahil nalalagay sa piligro ang kaligtasan ng mga kabayo dahil sa isang reglamentong ipinatutupad ng mga handicapper ng tatlong racing club sa Cavite at Batangas. Kamakalailan ay nagpalabas ng kautusan ang Philippine Racing Commission (Philracom) na nagbabawal ang pagpapataw ng 60 kgs sa mga pangarerang kabayo na inilalahok sa regular …

Read More »

Buena Fortuna nataranta ang nagdala

Narito ang karagdagang gabay ninyo na aming nasilip nitong Lunes sa pista ng SLLP. MAYUMI – masusubukan na ang kanyang taglay na kundisyon sa susunod na laban niya. BUENA FORTUNA – tila nataranta ang nagdala sa huling 150 metro ng laban. PALAKPAKAN – abangan pagbaba sa grupo ng CD-1C.  BLUE MATERIAL – sakto at sukat ang remateng nagawa sa kanya …

Read More »

Yaman ng solons sa ‘pork’ scams i-freeze (Hiling ng DoJ)

HIHILINGIN ng Department of Justice (DoJ) sa korte na magpalabas ng freeze order laban sa assets ng mga personalidad na kabilang sa kinasuhan kaugnay sa kontrobersyal na pork barrel scam. Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, nakikipag-ugnayan na sila sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), matapos ang pormal na pagsasampa ng kaso, sa layuning maipa-freeze ang assets ng mga sangkot …

Read More »

Opisyal ng Bilibid utas sa ambush

NAPATAY ang 62-anyos opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) matapos pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa hindi pa mabatid na dahilan habang lulan ng kanyang sasakyan sa Muntinlupa City kahapon ng umaga. Dead-on-arrival sa Medical Center Muntinlupa dahil sa tatlong tama ng bala sa kanyang katawan ang biktimang si Supt. III Francisco Abunales, nakatalaga sa office of the director ng …

Read More »

Zambo police chief humakot ng ‘suko’ mula sa MNLF (Akala ay hostage)

LIGTAS na nakalabas sa pugad ng Moro National Liberation Front (MNLF) si Zamboanga City police chief, Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, sinasabing binihag ng mga rebelde, kasama ang 23 sumukong MNLF fighters. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, nagawang kombinsihin ni Malayo ang 23 MNLF fighters na sumuko na lamang. “I am pleased to inform you that …

Read More »

Anakpawis Rep. Hicap inaresto sa Luisita

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa isyu ng pagdakip kahapon ng mga pulis kay Anakapwis Rep. Fernando Hicap sa Hacienda Luisita sa Tarlac nang dumalo sa isang fact-finding mission hinggil sa pamamahagi ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa naturang lugar. ”I cannot comment as we are not familiar with the details of the incident,” tugon ni Presidential …

Read More »

Tourist boat lumubog 24 katao nasagip

NAGA CITY – Umabot sa 24 katao ang nasagip mula sa lumubog na tourist boat sa karagatang sakop ng Caramoan. Kaugnay nito, nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) – CamSur na hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang nasabing tourist kaugnay sa kanilang paglalayag sa nasabing lugar. Ayon sa impormasyon, nag-island hopping ang  mga pasahero ng MV JL, isang motorbanca, nang hampasin …

Read More »

P2-M patong sa ulo ng killer/s ni Davantes

Itinaas na sa P2-milyon ang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa kaso ng pinaslang na advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes. Una nang inianunsyo ng Philippine National Police (PNP) na P500,000 ang pabuya sa magbibigay impormasyon sa ikadarakip ng (mga) suspek. Ngunit dakong 9:50, Lunes ng gabi, itinaas ito sa P2-milyon, ayon sa PNP-PIO sa pangunguna ni  Sr. Supt. …

Read More »

Public funds nasayang sa fogging—Mapecon

MAAARING nasayang lamang ng Department of Health (DoH) ang pondo ng taumbayan kaugnay sa anti-dengue project sa 21 barangay sa Metro Manila ayon kay inventor/entomologist Gonzalo Catan, Jr., executive vice president ng Mapecon Philippines, Inc., ang pangalan na synonymous sa pagsugpo sa mga peste. Sa ilang press releases, sinabi ng Mapecon, hindi uubra ang fogging sa airborne mosquitoes dahil naitataboy …

Read More »

Utang ng PH P7 trillion na

UMAABOT na sa P7.3 trillion ang consolidated public sector debt ng Filipinas. Sa plenary debate sa budget, iniulat ng Department of Finance (DoF) kay House appropriations committee vice chairman Luigi Quisumbing. Nabatid na kasama  rito ang utang ng government owned and controlled corporations (GOCC) at local government units (LGUs). Sa P7.3 trillion, nasa P5.8 trillion ang pagka-kautang ng national government. …

Read More »

13-anyos totoy patay sa hit and run

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang 13-anyos na batang lalaking kinilalang si Joel Realista, matapos masagasaan ng Isuzu pick-up sa tapat ng Barangay 458, Zone 45, Earnshaw Street, Sampaloc, Maynila. Ayon sa barangay tanod na si Roland de Guzman, isang saksi ang nakakita sa naturang sasakyan nang masagasaan ang biktima habang naglalakad sa nasabing kalye kasama ng kanyang kuya. Sa …

Read More »

Groom napisak sa dump truck

VIGAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang lalaking malapit nang ikasal, nang masagasaan ng dump truck sa national highway ng Brgy. Sacuyya, Santa, Ilocos Sur. Kinilala ang biktimang si Michael Vincent Ramos, 22, residente ng Brgy. Barbar, San Juan. Ayon sa ulat, lulan ng motorsiklo ang biktima at uunahan sana ang Mitsubishi Adventure nang huminto ang huli dahil …

Read More »

Biyuda agaw-buhay sa ratrat

AGAW-BUHAY  sa pagamutan ang  61-anyos biyuda makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City. Inoobserbahan sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Carmelita Cabrera, dahil sa isang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kaliwang pis-ngi. Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation and Detective …

Read More »

Tuesday, very proud na maihanay kina Nora at Angel

AMINADO si Tuesday Vargas na malaking karangalan para sa kanya ang makahanay sa nominasyon ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Bagamat ngayon pa lang unanimous prediction ng lahat na si Nora ang magwawagi bilang Best Actress na bida sa entry na Ang Kwento ni Mabuti. Bale sa September 22 magaganap ang awards night ng CineFilipino Film Festival sa Resorts …

Read More »

Rochelle, feeling sikat na nga ba? (Pagpapa-pictureng isang bagets sa kanya, tinanggihan)

NAHABAG naman ako sa nangyaring hindi maganda sa isang bagets na gusto lamang magpakuha ng picture kasama ang dating member ng SexBomb Girls na si Rochelle Pangilinan. Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, ang batang tinanggihan ni Rochelle ay anak ng dati niyang kasamahan na miyembro ng Danz Focus. In-approach daw ng parents ni bagets si Rochelle para magpa-picture ang bata …

Read More »

Aga, nagka-trauma sa politika? (Ayaw na raw tumakbo)

MASAYA si Aga Muhlach sa pagkukuwento na tinawagan siya ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan para bigyan ng moral support dahil sa pagkatalo sa nakaraang eleksiyon. Nasa New York siya nang tawagan siya, ”I’m just happy and I wanna thank MVP because right after the election, I was in New York, tumawag siya and he said, ‘Aga don’t worry, nandito …

Read More »

Starlet, aligaga sa damage control sa mga milagrong pinaggagawa

NATATAWA na lang kami kung paano dina-damage control ng aktres-aktresan ang lumabas na balitang constantly dating sila ngayon ng TV host/actor na kasama niya sa isang show. Dahil lahat ng mga kaibigan niyang may alam ay pinagtatawagan at inaway-away, may kasabihan nga, ‘let the guilty talk.’ Ito kasing si aktres-aktresan ay hindi marunong magtago ng lihim niya dahil kapag pumupunta …

Read More »

Cine Filipino Gala week hahataw na sa Sept. 18

HAHATAW na ang Cine Filipino Festival sa larangan ng pelikula. Sa September 18, magsisimula ang film festival na tiyak magugulat kayo dahil puro mga young writer and artist ang tampok dito. Sila ‘yung mga nakilala natin sa pamamagitan ng walong full length films at 10 short films na pagpipilian ninyo ng mga magagaling na artista, manunulat, direktor at iba pa. …

Read More »