No weapon forged against you will prevail, and you will refute every tongue that accuses you. This is the heritage of the servants of the Lord, and this is their vindication from me declares the Lord.—Isaiah 54:17 PORMAL nang ipinasa ng Manila City Council ang isang ordinansa ng pagtataas ng amilyar na aabot sa 100 porsiyento. Sinang-ayunan ito ng mayorya …
Read More »Pagse-cell phone sa eroplano; Freddie at Islam
HINDI dapat pag-aksayahan ng panahon ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ideya ng pagkopya sa panukala ng United States Federal Communications Commission (FCC) na pahintulutan ang mga pasahero ng eroplano na tumawag sa cell phone sa kalagitnaan ng flight. Sa panukala para sa bagong guidelines, kakailanganin ng mga airline company ang magkabit ng special equipment, gaya ng satellite connection, upang …
Read More »Good light
ANG feng shui ay tungkol sa enerhiya, ang liwanag ang strongest manifestation ng enerhiya. Sa katunayan, ang liwanag sa inyong bahay– natural man o artificial lighting – ay labis na naka-aapekto sa kali-dad ng inyong home energy. Ang smart lighting at good quality air ang pinaka-basic ng good feng shui, at dapat na pala-ging nangunguna sa inyong feng shui prio-rities …
Read More »Willie Revillame natalo nang Bilyon sa Solaire Casino?
SANA naman ay HINDI totoo ang IMPORMASYON na nai-feed sa inyong lingkod … Ito ay tungkol sa pagkalulong at pagkatalo nang halos BILYON na ng TV host na si WILLIE REVILLAME sa Solaire Casino. Sa totoo lang nanghihinayang tayo kung totoo man ang kinasadlakang ito ni Willie boy… Uulitin ko lang ang sabi ng mga minsan ay nalulong sa bisyong …
Read More »Ex-girlfriend hina-harass ng pulis (PO-2 Azurin) ng Lubao, Pampanga (Attn: SILG Mar Roxas)
IBANG klase rin ang PO2 AZURIN ng Lubao Police Station sa Pampanga, halos bagito pa lang ‘yata sa serbisyo pero kung umasta halos walang panama ang mga bossing niya sa Philippine National Police (PNP). ‘E bakit kamo, nakarating sa ating kaalaman na may naging nobya siya pero nagdesisyong makipaghiwalay na ng babae sa kanya nang kanyang madiskubre na may pamilya …
Read More »NAIA T-1 arrival curbside mukhang palengke na naman!?
CHRISTMAS is fast approaching. Sa ganitong panahon, asahan na para na namang palengke ang eksenang bubulaga sa ating mga paliparan. Just observe for yourself if tama o mali ang iningunguso sa atin ng ilang pasahero nito lamang nakalipas na mga araw. Nasaksihan ito ng kapwa bagong dating na kaibigan/pasahero mula Singapore. Ang ating tipster na naglitanya ng kanyang patotoo ay …
Read More »Mighty target ng BIR at BoC ( Guilty sa US court )
TARGET ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (BOC) ang Mighty Tobacco Corporation kung sangkot sa smuggling at posibleng tax evasion matapos mapatunayang guilty sa kasong “acts of unfair competition” na isinampa laban sa kompanya sa Estados Unidos. Pinagbasehan din ng pag-iimbestiga laban sa Mighty ang multang US$21 milyon o P 918 milyon na ipinataw …
Read More »Petron vs San Mig
SOLO first place ang puntirya ng Petron Blaze sa pagkikta nila ng SanMig Coffee sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Magtutunggali naman sa ganap na 5:45 ang Air 21 at Meralco. Sa kasalukuyan ay kasalo ng Boosters sa itaas ng standings ang Barangay Ginebra at Barako Bull matapos na magwagi …
Read More »Guiao pinatawag ni Salud (Dahil sa dirty finger)
HAHARAP ngayon si Rain or Shine coach Yeng Guiao kay PBA Commissioner Chito Salud ngayong alas-11 ng umaga dahil sa paggamit ni Guiao ng dirty finger sign sa laro ng Elasto Painters kontra Barangay Ginebra San Miguel sa PBA MyDSL Philippine Cup noong Linggo. Sinabi ni PBA media bureau chief Willie Marcial na napanood ni Salud ang video ni Guiao …
Read More »Barako ‘di bibitawan si Maierhofer
PINABULAANAN ng kampo ng Barako Bull na planong pakawalan ang power forward na si Rico Maierhofer. Ito ang klinaro ng team manager ng Energy Colas na si Raffy Casyao bilang reaksyon sa mga ulat na itatapon umano si Maierhofer sa Globalport habang mapupunta ang rookie na si Justin Chua sa Petron at makakakuha ang Energy Colas ng isang first round …
Read More »Mga bata maglalaro ng patintero
PASASAYAHIN ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Yellow Ribbon Movement (YRM) ang mga batang taga-Leyte na inatake ng super typhoon Yolanda sa pagsasagawa ng mga katutubong laro para sa kalusu-gan at kahusayan. Raratsada ang ikalawang yugto ng PNOY Sportsfest ngayong alas otso ng umaga sa Burnham Green sa Rizal Park sa Maynila kung saan ay 20 mga bata mula …
Read More »Pinoy Pride 23 sa Araneta
TULOY na sa Sabado, Nobyembre 30, ang Pinoy Pride XXIII: Filipinos Kontra Latinos sa Smart Araneta Coliseum simula alas-6 ng gabi. Idedepensa ni Donnie “Ahas” Nietes (31-1-4, 17 KO) ang kanyang WBO lightflyweight title kontra sa kanyang challenger na si Sammy “Guty” Gutierrez (33-9-2, 23 KO) sa main event ng nasabing fight card na handog ng ALA Promotions at ABS-CBN …
Read More »Ildefonso, Seigle puwede pang maglaro?
NAGSIMULA ang 39th season ng Philipine Basketball Association nang wala sa line-up ng alinman sa sampung koponan ang pangalan nina Danilo Ildefonso at Danny Seigle. Bagamat may ilang naniniwala na mayroon pang puwedeng mapiga sa dalawang ito, tinanggap na ng karamihan na tapos na ang careers ng ‘Danny Boys’. Sinabi ng management ng Barako Bull na kinausap nila si Seigle …
Read More »World class nga ba itong Metro Turf?
ANG tagal namang manganay nitong karerahang Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas. Kung noong unang mga nakaraang buwan ay pinagbibigyan ng mga karerista ang mga kapalpakan nitong Metro Turf, ngayon ay tuluyan nang naasar ang maraming mananaya sa karerahang ito. Katunayan ng sinabi ko ay pagliit ng mga grose sa Daily Double at Forecast at iba pang betting. Ang nakakaasar …
Read More »Hagdang Bato tangkang durugin sa PCSO-Presidential Gold Cup
Apat na araw na lamang ang nalalabi at magaganap na ang pinakahihintay na malaking pakarera ng taon— ang multi milyong pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang 41th Presidential Gold Cup sa bakuran nng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo. Walong mananakbong local ang magtatangka para durugin ang super horse na si Hagdang Bato …
Read More »Ngiping ‘pating’ ni Daniel, challenge sa mga Orthodontic
NAKATANGGAP kami ng tawag mula sa aming Orthodontics na gustong ayusin ng libre ang mga ngipin ni DanielPadilla. Sabi ng aming dentista, tatlo palang silang orthodontics na lisensiyado rito sa Pilipinas ng latest technology ng fast braces na ibig sabihin ay puwedeng maayos na ang sungking ngipin sa loob lang ng anim hanggang isang buwan. Ayon pa, ‘yung iba raw …
Read More »Willie, inirereklamo, pangakong suweldo kahit walang show ‘di tinupad
MAY mga nag-text sa amin mula sa mga rating staff ng show ni Willie Revillame na Wowowillie na tsugi na saTV5 dahil ang pangakong tuloy-tuloy pa rin ang suweldo nila maski na wala na ang programa ay hindi naman daw tinupad ng nasabing TV host. Ilang beses daw itong sinasabi ni Willie sa ere noong umeere pa ang programa niya …
Read More »Gaganap na Dyesebel, hinahanap pa
KALIWA’T kanan ang natanggap naming mensahe noong Lunes ng gabi ng mabasa nila sa post ang, ‘abangan ang muling paglangoy niya’ na ang tinutukoy ay si Dyesebel. Kaya naman tinawagan namin ang publicity head ng Dreamscape Unit na si Eric John Salut kung sino ang gaganap na Dyesebel base sa post niya sa Instagram. “Ay wala pa, may audition wala …
Read More »Ka Freddie, dapat pangatawanan ang pagiging Muslim
NAGPAKASAL pala talaga si Freddie Aguilar sa kanyang 16 years old na girlfriend sa isang restaurant sa Maguindanao. Ang nagkasal sa kanila ay si Governor Toto Mangundadatu. Una, hindi namin maintindihan iyan. Nagpa-covert siya bilang isang Muslim at ngayon ang pangalan na niya ay Abdul Farid, pero ang nagkasal sa kanila ay hindi isang Imam kundi isang public official. Ibig …
Read More »Alden, pasado bilang leading man ni Marian
PASADO tiyak si Alden Richards bilang kapareha ni Marian Rivera sa isang project sa GMA. Hindi pahuhuli sa kapogian ang taga-Binan, Laguna. Parehong laki sila sa lola kaya tiyak magkakasundo ang dalawa sa kanilang pagpapareha. (VIR GONZALES)
Read More »Uge, ‘di na-take two sa pagsasabinng ‘our first year anniversary’
KUMBAGA SA bananacue, tuhog din ang kuwentong ito tungkol kina Eugene Domingoat Jeric Teng (anak ng dating hardcourt superstar na si Alvin) sa magkahiwalay na palabas sa GMA nitong Sabado. Bubusina muna kami sa kanilang mga pinanggalingang paaralan: sa UP nagtapos ng kursong Theatre Arts si Uge, at sa DLSU presently enrolled naman si Jeric. Uunahin muna namin si Jeric …
Read More »Konseptong noontime show ni Aga sa TV5, posibleng simulan na!
BAGAY kay Aga Muhlach ang game show na Let’s Ask Pilipinas ng TV5. Aliw factor si Aga sa show na hindi magagawa ni Ryan Agoncillo kung napasakanya ang show dahil seryoso type ito. Parang hindi baguhan si Aga na game show host. Biniro nga siya na kulang na lang ang cyber sex sa pakikipagharutan niya sa mga magaganda at seksing …
Read More »Jeric at Jeron Teng, showbiz na showbiz na ang dating
UNTI-UNTING nagpapakitang-gilas sa showbiz ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng. Noong Linggo ay dumalo sila sa 27th PMPC Star Awards for Television sa AFP Theater na silang dalawa ay ginawang presentor. Kahit kagagaling lang si Jeric sa laro ng PBA para sa Rain or Shine kontra Ginebra sa Araneta Coliseum ay hindi ito nagpakita ng kaunting pagod at natalo …
Read More »Regine Tolentino, masaya sa pagkakasali sa Be Careful With My Heart
KAHIT busy si Regine Tolentino bilang mother and wife at businesswoman and Zumba expert, may time pa rin siya sa showbiz. Masaya si Regine dahil mas visible na naman siya sa showbiz. Naging bahagi siya kamakailan ng top rating ng TV series na Be Careful With my Heart nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria bilang wedding planner nina Maya …
Read More »Baka malasin kang muli Anna Dizon!
Dahil sa terrific convincing power ng friend naming si Peter Ledesma, napilitin ang diva ng matataba at ilung si Anna Dizon na ma-invite kami sa blessing ng kanyang office somewhere in Makati last week. Bonggacious na nga ang singer kuno (singer nga ba? Hahahahahahahaha!) of the new millennium kaya pang-Makati na raw ang beauty niya. Is that it? Okay nga …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com