Thursday , November 21 2024

hataw tabloid

Globe, Rotary Club of Makati Business District seal partnership for Hapag Movement
P3M in funds donated to #UnitedFightVsHunger

Globe Hapag Movement Rotary Club of Makati

LEADING digital solutions platform Globe signed a four-year partnership with the Rotary Club of Makati Business District (RCMBD) on Tuesday to raise funds for its hunger alleviation program The Hapag Movement, marking a milestone in the initiative. In ceremonies at The Globe Tower in BGC, Taguig City, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer Yoly Crisanto, Rotary Club of …

Read More »

Aso ng kapitbahay binanlian
LALAKI SA CEBU ARESTADO

arrest posas

DINAKIP ng pulisya ang isang 23-anyos lalaki matapos tapunan ng mainit na tubig ang aso ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Mambaling, lungsod ng Cebu nitong Linggo, 19 Pebrero. Kinilala ang suspek na si Jason Fuentes, nabatid na nakipagkasundo sa nagreklamong kapitbahay na si Gina Lucido, ngunit sinampahan pa rin ng kaso ng pulisya para sa paglabag sa RA 8485 o …

Read More »

Sa Northen Samar
ANTALA SA HAZARD PAY SA HCW, FINANCIAL ASSISTANCE SA SCHOLARS IIMBESTIGAHAN

money Covid-19 vaccine

HINILING ng gobernador ng lalawigan ng Northern Samar sa provincial board na imbestigahan ang pagkaantala ng pagbibigay ng hazard pay para sa mga medical workers at financial assistance sa mga iskolar. Ayon kay Gov. Edwin Ongchuan, nalaman niyang nasa 200 medical personnel, nakatalaga sa kanilang lalawigan ang hindi nakatatanggap ng kanilang hazard pay simula noong Oktubre ng nakaraang taon. Nagkakahalaga …

Read More »

MMFF Summer Edition tuloy na sa Abril

MMFF  Metro Manila Summer Film Festival

TULOY NA TULOY na ang ‘Summer Edition’ ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ang inanunsiyo ng MMFF kahapon kasunod ang pagsasabing 33 pelikula ang ipinasa na para sa festival. Bale ito ang unang pagkakataaon na magkakaroon ng Summer MMFF na hindi natuloy dahil sa pagkakaroon ng Covid pandemic. Sa 33, mahigit 20 ay mga bagong entries, habang sampu naman ang umulit na …

Read More »

Cesca, Kice inawit ang soundtrack ng Dirty Linen 

Cesca Kice Dirty Linen

ANG Idol Philippines season 2 third placer na si Kice at baguhang singer-songwriter na si CESCA ang umawit ng official theme songs ng patok na ABS-CBN revenge-drama series na Dirty Linen na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Seth Fedelin, at Francine Diaz.  Si Kice ang nagbigay-buhay sa power ballad na Simulan, na una niyang kinanta nang live sa grand media conference ng serye. Si CESCA naman ang nagbigay ng magandang rendisyon sa awiting Kung …

Read More »

22 naggagandahang dilag maglalaban-laban para sa Miss Caloocan 2023

Miss Caloocan 2023

BEAUTY and brains. Ito ang ibinandera ng 22 kandidata na naglalaban-laban para maiuwi ang korona bilang Miss Caloocan 2023.  Noong Sabado, February 18, matagumpay ang isinagawang pre-pageant ng Miss Caloocan 2023 na pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, na ginanap sa Diamond Hotel, Manila. Ang pagdaraos ng Miss Caloocan 2023 ay kaalinsabay ng ika-61st Founding Anniversary ng Caloocan. Sa pre-pageant activity, ipinakita ng 22 naggagandahang dilag …

Read More »

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

Buhain COPA Swimming

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta at nakalikha ng isang national record gayondin sa 39 swimmers na nakapasa sa itinakdang Qualifying Time A at B. “It’s a success. We owe it a lot to all the swimmers who brave the challenges, to the coaches and swimming clubs, associations particularly those from …

Read More »

Public consultations inilunsad amyenda sa saligang batas para sa ekonomiya napapanahon — Rep. Robes

Florida Robes Arthur Robes

MATAGUMPAY na naisagawa ng House Committee on Constitutional Amendments ang kanilang pampublikong konsultasyon sa mga panukalang batas na nagsusulong ng mga reporma sa konstitusyon noong Sabado, 18 Febrero, sa San Jose Del Monte (SJDM) City, Bulacan. Halos 700 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo sa public consultation na pinangunahan ni SJDM City Rep. Florida “Rida” Robes at ng …

Read More »

Bianca Manalo Politician Hunter?

bianca manalo

POLITICIAN hunter. Ito ang bansag ng mga basher sa dating beauty queen at actress na si Bianca Manalo dahil sa kanyang mga naging karelasyong na mga prominenteng politiko, kabilang ang dating boyfriend na si Antique Mayor Jonathan Tan at Sen. Sherwin Gatchalian.  Dahil sa mga naging kaugnayan niya sa mga politiko, marami ang kumukuwestiyon sa layunin ng aktres. May ilan na nakikita ang kanyang mga …

Read More »

Daniel Quizon nakasungkit ng 2nd GM norm

Daniel Quizon AQ Prime ASEAN Chess

Final Standings: 7.5 points—IM Daniel Quizon (Philippines) 7.0 points—IM Paulo Bersamina (Philippines) 6.5 points—GM  Susanto Megaranto (Indonesia) 6.0 points—IM Mohamad Ervan (Indonesia) 6.0 points—GM Darwin Laylo (Philippines) 5.5 points—GM John Paul Gomez (Philippines) 5.0 points—IM Li Tian Yeoh (Malaysia) 5.0 points—CM Khuong Duy Dau (Vietnam) 5.0 points—GM Nguyen Van Huy (Vietnam) 5.0 points—IM Yoseph Theolifus Taher (Indonesia) 4.0 points—FM Prin …

Read More »

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers na lalahok sa ‘Langoy Pilipinas’ swimming series na sisikad sa gaganaping 1st Gov. Ruel D. Pacquiao Championships sa 25-26 Febrero sa Sarangani Sports Training Center Swimming Pool sa Alabel. Ibinida ni Langoy Pilipinas founder Darren Evangelista, 10 lungsod at lalawigan mula sa National Capital Region …

Read More »

100+ na mga programang dubbed sa Tagalog at Bisaya mapapanood na sa Viu

Viu Tagalog at Bisaya

ISANG libreng “Tagdub” (Tagalog-dubbed)-inspired event ang magaganap sa Pebrero 18-19, 2023, sa SM Megamall Activity Center para ipagdiwang ang pagpapalabas ng mahigit 100 Asian dramas na idinub sa Tagalog at Bisaya na mapapanood sa Viu, ang pan-regional OTT video streaming service ng Hong Kong-based ng kompanyang PCCW. Ayon kay Mr. Vinchi Sy-Quia, Assistant General Manager ng Viu Philippines, umpisa lamang ito sa pagdaragdag nila ng …

Read More »

Sen Robin kinondena pelikula ni Gerard Butler; MTRCB aaksiyon sa panawagan

Robin Padilla

DAHIL sa mga negatibo at nakatatakot na imahe ng Pilipinas kaya naalarma si Sen Robin Padilla at ipinatitigil ang pagpapalabas ng pelikulang Plane ni Hollywood actor Gerard Butler. Anang aktor/politiko nababahala siya sa mga eksenang nagpapakita ng mga negatibo at nakakatakot na imahe ng bansa kaya naman nananawagab siya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-ban at itigil ang pagpapalabas ng Plane sa mga sinehan …

Read More »

Newest tourist destination in The Rising City, spotted.

SJDM Robles

Handog ng lokal na pamahalaan nitong araw ng mga puso ang mga bagong impraestruktura at tourist destinations sa San Jose del Monte City na tunay na maipagmamalaking tatak San Joseño. Pinasinayaan ang bagong tayong Amphitheater na matatagpuan sa likod ng New Government Center, Barangay Dulong Bayan, na maaaring maging lugar para sa mga pagtatanghal at mga pagtitipon. Kabilang sa pinasinayaan …

Read More »

Quarrying sa Botolan, Zambales, ipinatitigil ng cause-oriented groups

Quarrying

NAIS ipatigil ng isang cause-oriented group sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang malawakang quarrying sa Bucao River sa bayan ng Botolan, Zambales dahil sa mabilis na pagkasira ng naturang ilog. Tinukoy ng grupong Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATM) ang inirereklamong kompanya na China Harbor Engineering Corp., Global Sand Inc., Seven West Inc., Magnacorp Realty Development Corp., …

Read More »

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

Eric Buhain swimming

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers na lumabas, makiisa, at lumahok sa isasagawang national try-outs ng Stabilization Committee para sa binubuong Philippine swimming team na isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo 2023. Iginiit ng two-time Olympian at Southeast Asian Games record-holder na nakapanghihinayang ang pagkakataon na ibinigay …

Read More »

Coco ang inakalang raket makapagbibigay pala ng magandang buhay

Coco Martin Batang Quiapo

MA at PAni Rommel Placente HINDI pala pinangarap ni Coco Martin na mag-artista. Pero dala ng kahirapan, naisipan na rin niyang pasukin ang showbiz.  At ngayon nga na isang sikat na aktor na siya, kaya maayos na ang kanilang pamumuhay at super yaman na siya. “Sabi ko nga, hindi ko naman pinangarap maging artista. Siguro sa pakikipagsapalaran, sa kahirapan ng buhay noong …

Read More »

Fast Talk With Boy Abunda patok agad sa masa

Fast Talk with Boy Abunda

COOL JOE!ni Joe Barrameda ANG lakas at mataas ang viewership ng Fast Talk With Boy Abunda na napapanood mula Lunes-Biyernes, 4:50p.m. sa GMA.  Bawat episode ay tumatatak sa mga manonood dahil open ang mga artistang guest na sumagot sa bawat tanong ni Boy na punompuno ng emotion.  Kaya binabati namin si Boy na nakadadala sa mga damdamin ng manonood.  Ang laki ng tiwala ng …

Read More »

5 sundalo patay, 1 sugatan, sa nag-amok na kabaro

Gun M16 Rifle

LIMANG SUNDALO ang namatay, kabilang ang amok  na nagwala sa loob ng kampo ng 4th Infantry Division (4ID) ng Philippine Army sa Brgy. Patag, lungsod ng Cagayan de Oro nitong Sabado ng umaga, 11 Pebrero. Ayon kay Maj. Francisco Garello, Jr., tagapagsalita ng 4ID, binaril ng suspek na kinilalang si Pvt. Johmar Villabito ang kanyang mga kapwa sundalo habang natutulog …

Read More »

Missing lola natagpuang ‘kalansay’ sa Tanay, Rizal

021323 Hataw Frontpage

HATAW News Team LABIS na galit at pagdadalamhati ang nararamdaman ng pamilya ng nawalang lola sa Quezon City noong 14 Enero, nang matagpuan sa Tanay, Rizal na isa nang kalansay, nitong Sabado ng madaling araw, 11 Febrero.                Si Edilberta Gomez, a.k.a. Tita Betty, 79 anyos, ay iniulat na huling nakita sa Mapagmahal St., Barangay Pinayahan, Quezon City, dakong 5:30 …

Read More »

Sa Misamis Oriental
7 PULIS, 1 RETIRADO PATAY SA BANGGAAN NG SASAKYAN

road accident

WALONG PULIS, pito ang aktibong at isang retirado ang namatay sa insidente ng banggaan ng isang wing van at dalawang passenger van sa Purok 11, Brgy. Maputi, sa lungsod ng Naawan, lalawigan ng Misamis Oriental, nitong Sabado, 11 Febrero. Kinilala ng Misamis Oriental PPO ang mga biktimang sina Marjun Reuyan, Jobille Lou Cañeda, Eric Generalao, Michael Ermac, Aaron Ticar, Arnill …

Read More »

Ex-Usec Mañalac, grupo umapela kay PBBM:
“FULL CONTROL” SA MALAMPAYA KUNIN NG GOV’T

DoE, Malampaya

UMAAPELA sina dating DOE Undersecretary Eduardo Mañalac at ang National Movement for the West Philippine Sea (NYMWPS) ngayong Lunes, 13 Febrero, kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na tapusin na ang Service Contract 38 ng Malampaya project kapag napaso ito sa taong 2024. Kasalukuyang pinatatakbo ang Malampaya project ng Prime Infrastructure Capital na pag-aari ni Enrique Razon, Jr., at ng Udenna, …

Read More »

Pamumuhunan ng Japanese energy giant sa bansa, pinuri ni Marcos

Bongbong Marcos Tokyo Gas LNG

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mahalagang papel ng liquefied natural gas (LNG) terminal facility ng Tokyo Gas at ng Lopez-owned First Gen sa paglipat ng bansa mula sa fossil fuels tungo sa green energy. Sa isang pulong sa Tokyo na dinalohan nina Tokyo Gas president at CEO Takashi Uchida at First Gen chairman at CEO Federico “Piki” Lopez, …

Read More »

DonBelle nagpakilig sa bagong Smart Prepaid TVC

Smart DonBelle Donny Pangilinan Belle Mariano

MAAGANG selebrasyon ng Araw ng mga Puso ang inihatid kamakailan ng Smart Prepaid para sa mga masugid na tagahanga ng DonBelle’, sa pamamagitan ng mga nakakikilig na kulitan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang isa sa mga pinakamasikat na tambalan ng bagong henerasyon. Pinainit ng DonBelle ang ‘ligawan’ nila sa 30-second TVC sa pagpapakita nila ng mga simple pero hindi malilimutang karaniwang ginagawa ng magsing-irog. …

Read More »

MTRCB ISO 9001:2015 certified na

Lala Sotto MTRCB ISO 9001 2015

IGINAWAD sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang International Organization for Standardization Certification o ISO 9001:2015 Certification. Ang ISO Certification ay nangangahulugan na ang Quality Management System (QMS) ng naturang ahensiya ay nakapasa sa standards of quality na kinikilala at inirerespeto sa buong mundo. Ang prestihiyosong ISO Certification ay natanggap ng MTRCB mula sa TÜV SÜD PSB Philippines, Inc., …

Read More »