Thursday , December 18 2025

hataw tabloid

Maglabas ng ebidensiya vs Paolo Duterte

MINSAN na namang lumutang ang pangalan ng anak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na si Davao City vice mayor Paolo sa usapin na may kinalaman sa korupsiyon. Ito nga ay nang ibulalas ng isang resource person ang pangalan ng presidential son sa congressional hearing noong isang linggo tungkol sa mga iregularidad sa Bureau of Customs. Matindi ang paninindigan ng pangulo …

Read More »

83-anyos lolo, bebot nakompiskahan ng bala sa NAIA

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang ilang bala ng baril mula sa isang 83-anyos lolo, at isang babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nitong Linggo. Unang nakuhaan ng bala sa bulsa ang senior citizen na si Bencaben Tomacas nang dumaan sa x-ray machine ng NAIA. Pasahero siya ng Cebu Pacific at biyaheng Cagayan de Oro. Samantala, maghahatid ng pasahero si …

Read More »

Dalagitang nakipiyesta hinalay, pinatay

LIBON, Albay – Hinihinalang ginahasa ang isang 17-anyos dalagita makaraan matagpuang hubo’t hubad sa isang abandonadong bahay sa bayang ito, nitong Sabado ng hapon. Ayon sa ama ng biktima, Biyernes ng hapon nang magpaalam ang anak na makikipiyesta sa Brgy. Salvacion, ngunit hindi na nakauwi. Sa parehong barangay nakita ang biktima na wala nang buhay, nakahubad at may mga sugat …

Read More »

‘Tirador’ ng GF ng utol muling nanghalay ng 16-anyos kolehiyala

rape

NAGREKLAMO sa mga awtoridad ang isang 16-anyos dalagita na sinasabing hinalay ng kapatid ng kanyang nobyo sa San Antonio, Parañaque City, nitong Sabado. Salaysay ng biktimang kolehiyala, natutulog siya sa bahay ng nobyo nang mangyari ang insidente. Magkatabi aniya siya at kanyang kasintahan sa itaas ng double deck na kama habang nasa baba naman ang 24-anyos suspek. Bumaba aniya ang …

Read More »

Masakit na likod, hirap tumayo at manhid na talampakan (Absuwelto lahat sa Krystall products)

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong, Magandang araw po sa inyo. Ako po si Cecilia Zuñega, 56 years old, taga-Talon Uno, Las Piñas City. Ipapatotoo ko lamang po ang aking karanasan na napagaling ng inyong produkto ng Krystall. Una po, ako ay dumanas ng pananakit ng buong katawan lalo sa likuran ko, talagang napakasakit. Nnahihirapan akong tumayo dahil ang aking talampakan …

Read More »

Migratory birds layuan (Iwas bird flu) — DENR

PINAIIWAS ng Department of Environment and Natural Resources – Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) ang publiko sa paglapit o pagkakaroon ng ‘kontak’ sa migratory birds, o mga ibong dumarayo sa bansa mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Pinangangambahan na nagmula sa migratory birds ang kasalukuyang bird flu outbreak sa Pampanga kaugnay ng paalalang nabanggit. Ani DENR-BMB Director Mundita Lim, lalong …

Read More »

Honasan nagpiyansa (Sa Kasong graft)

NAGHAIN ng piyansa si Senador Gringo Honasan sa isang korte sa Biñan, Laguna nitong Biyernes, makaraan siyang makasuhan ng graft kaugnay ng sinasabing iregularidad sa paggamit ng kanyang pork barrel funds. Nauna nang sumuko si Honasan sa Biñan City police sa Laguna makaraan magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay ng nasabing kinahaharap niyang kaso. Makaraan iproseso at kuhaan …

Read More »

Batangas niyanig ng 6.3 lindol (Naramdaman sa Metro Manila); 8 paaralan nagsuspendi ng klase

NIYANIG nang may ilang segundong lindol ang Batangas, at nadama ito sa ilang bahagi ng Metro Manila, nitong Biyernes ng hapon. Ayon sa Phivolcs, naitala sa magnitude 6.3 ang lindol na ang sentro ay nasa 16 kilometro sa kanluran ng Nasugbu, Batangas dakong 1:28 pm. Inaasahan ang ilan pang aftershocks makaraan ang pagyanig. Bunsod nito, lumabas ang mga tao mula …

Read More »

Bird flu outbreak idineklara (.5M manok kakatayin)

NAITALA na sa Filipinas ang unang bird flu outbreak, kaya susugpuin ang may kalahating milyong manok upang ma-kontrol ang paglaganap ng virus, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol nitong Biyernes. May 38,000 manok na ang namatay dahil sa Avian Influenza Type A Subtype H5 sa San Luis, Pampanga, ayon kay Piñol sa Mango Stakeholders Forum. Upang hindi na kumalat ang …

Read More »

P9 pasahe sa jeepney ihihirit ng transport group

MULA P8 pasahe, nais ng grupong PCDO-Acto na gawin itong P9 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel at matinding trafik sa mga kalsada. Sinabi ni Efren de Luna, presidente ng nabanggit na grupo, ihahain nila ang kanilang petisyon sa dagdag-singil sa pasahe sa susunod na linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Bukod sa mataas na …

Read More »

Utos ng Sandiganbayan: Honasan, 8 pa arestohin sa P30-M pork barrel scam

INIUTOS ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Senator Gringo Honasan bunsod ng sinasabing irregular procurement ng livelihood projects, P30 milyon ang halaga na inilabas mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF). “The Court finds that there is sufficient probable cause to hold the accused in this case for trial and issue a warrant of arrest for them,” ayon sa Sandiganbayan …

Read More »

Magnobyong estudyante inaresto sa tanim na marijuana

INARESTO ang mag-nobyong college students makaraan mahulihan ng mga tanim na marijuana sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto sa Los Baños, Laguna. Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Gregorio ng Laguna State Polytechnic University, at Dulce Carcosia ng UP Los Baños. Anim paso ng marijuana ang narekober sa kanilang kuwarto, dalawa rito ay bagong tanim. Nakuha rin sa mga …

Read More »

Field trips puwede na ulit (Sa kolehiyo, unibersidad) — CHEd

SIMULA sa 8 Agosto, maaari na muling magsagawa ng mga off-campus field trip ang mga pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad para sa kanilang mga estudyante. Ito’y makaraan alisin ng Commission on Higher Education (CHEd) ang ban sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa labas ng campus, kasama na rito ang mga field trip. Kasunod din ito ng paglalabas nang mas …

Read More »

P20-B sa free tuition sa 2018

KAILANGAN ng gobyerno ang halagang P20 bilyon upang maipatupad ang libreng tuition sa susunod na taon para sa isang milyong estudyante sa state-run higher education institutions, ayon sa Commission on Higher Education (CHEd) kahapon. Sinabi ni CHEd Commissioner Prospero De Vera, tinatayang P16.8 bilyon ng pondo ay ilalaan sa 112 state universities and colleges (SUCs) at 16 local universities and …

Read More »

#PlayItRight inilunsad kasabay ng Pista ng Pelikulang Pilipino (Laban sa piracy upang maisulong ang local film industry)

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Globe Telecom sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamagitan ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) para sa kanilang #PlayItRight—isang advocacy para mahikayat ang publiko na panoorin ang mga pelikulang Filipino sa lehitimong paraan. Ito’y upang matulungan ang mga lokal na filmmakers at mga manggagawa na mapalakas ang industriya na kasalukuyang apektado dahil sa piracy. Sa …

Read More »

Vhong tiniyak ang pagpapakasal kay Tanya

vhong navarro tanya bautista

HINDI pa rin talaga natitinag ang kasikatan ng Prime Comedian na si Vhong Navarro kahit nasangkot sa eskadalo na nagbunga ng malaking kontrobersiyal noong 2014. Hanggang ngayon, patuloy pa rin siyang nakikipaglaban sa mga taong muntik sumira sa kanyang magandang pangalan. Nang makapanayam namin si Vhong sa grand press conference ng pelikulang Woke Up Like This sa Valencia Events Place, …

Read More »

Marcos sa LNMB, tuldukan na

TINULDUKAN na nang tuluyan ng Supreme Court ang kontrobersiyal na isyu ng paglilibing sa dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, matapos ibasura ang motion for reconsideration na inihain nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Albay Rep. Edcel Lagman. “Lack of merit” ang ruling ng SC sa petisyon nina Ocampo at Lagman. Ibig sabihin, walang nakikitang …

Read More »

Guro nanghipo deretso sa hoyo

Butt Puwet Hand hipo

KALABOSO ang guro ng isang unibersidad sa Cebu City nitong Miyerkoles, makaraan manghipo ng kanyang estudyante. Nagreklamo sa Women’s Desk sa Station 2 ng Cebu City Police Office ang biktima nitong Martes, makaraan siyang yakapin at hipuan sa maseselang bahagi ng katawan ng kanyang guro. Ayon kay Chief Insp. Maria Teresa Macatangay, hinuli ang guro sa pamamagitan ng Citizens’ Arrest …

Read More »

Maynila-Rizal niyanig ng 3.9 lindol

earthquake lindol

YUMANIG ang magnitude 3.9 quake malapit sa Pililla, Rizal dakong 12:31 am nitong Martes, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon. Ang pagyanig na “tectonic in origin” ay naganap sa lalim na 9 kilometro. Iwinasto ng Phivolcs ang unang bulletin na ang lindol ay naganap malapit sa Mabitac, Laguna. Ibinaba rin ito sa magnitude to …

Read More »

Marcos sa Libingan ng mga Bayani pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang desisyon na pahintulutan ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, isang buwan bago ang ika-100 kaarawan ng dating lider. Sa botong 10-5, ibinasura ng SC ang magkakahiwalay na apela na baliktarin ang November 8 ruling na nagpahintulot para ihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig. Ibinasura …

Read More »

Edukasyon mahalaga kay Duterte

Dear Sir: ‘Di nag-atubili si Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik sa Marawi upang makausap ang mga sundalo at pataasin ang morale nila. Ipinaabot niya sa mga sundalo ang balitang libre na ang tuition fee sa state universities and colleges na kanyang ipinangako na popondohan niya ang trust fund para sa anak ng mga sundalo. Batid ng pangulo ang kahalagahan ng …

Read More »

Pahirap sa drug test (Attn: PNP-FEO)

Drug test

SIR JERRY, bakit naman sobrang hirap sa drug test sa Camp Crame para sa lisensiya ng baril. Wala man lang maayos na opisina. Nasa hagdan lang nakapila mga tao. Dalawa lang ang tao nila kaya ang haba ng pila. Abot 3 oras bago ka ma-drug test. Ang laki ng ibinabayad namin pero pahirap ang sukli sa mga aplikante. +63915963 – …

Read More »

Filipino wikang mapagbago

AMININ natin sa hindi, marami talaga ang hindi naiintindihan kung ano ang ating wika — ang wikang Filipino. Maging sa akademya, marami ang nahihirapang umunawa kung bakit kailangan gamitin sa iba’t ibang larang at disiplina ang wikang Filipino, na kung mangyayari ay isang malaking pagbabago dahil nangangahulugan ito nang lubos na pagkaunawa kung ano ang ating wika. Alam ba ninyong …

Read More »

Ayon kay Diokno: Tuition free SUCs ‘di limitado sa mahihirap

ANG libreng tuition sa state universities and colleges (SUCs) ay hindi magiging limitado sa mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante, taliwas sa pahayag ni Senador Panfilo Lacson, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, nitong Lunes. “Wala sa batas ‘yun. Hindi nakalagay sa batas ‘yun. You have to qualify first. You have to pass an exam before your could qualify for …

Read More »

STL suportahan hikayat ng PCSO sa mayors, govs (Para sa health services and programs)

Jueteng bookies 1602

KASUNOD ng suportang inihayag ng Kongreso, muling hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, ang local government units (LGUs) na ibigay ang kanilang buong suporta sa state-sanctioned Small Town Lottery (STL) at tulungan ang gobyerno sa kampanya laban sa illegal gambling. Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan, ang nasabing suporta mula sa mayors at governors ay mahalaga …

Read More »