BINAWIAN ng buhay ang deputy chief ng Cainta police sa Rizal makaraan makabakbakan ang ilang drug suspect, nitong Linggo ng gabi. Nagresponde ang biktimang si Senior Insp. Jimmy Senosin at mga tauhan sa floodway ng Cainta makaraan makatanggap ng tawag na may armadong grupo sa lugar, ayon kay Cainta police chief, Supt. Ray Rosero. Ngunit habang papasok ang mga operatiba …
Read More »PCC kinalampag sa monopolyo sa power supply
NANAWAGAN kahapon si Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo sa Philippine Competition Commission (PCC) na gumawa ng kaukulang hakbang para maputol ang monopolyo sa power supply sa bansa. Ayon kay Castelo, nasa ilalim ng kapangyarihan ng PCC ang pagsusulong sa interes ng mga mamimili, kabilang ang mga konsyumer ng koryente at pagpipigil sa mga mapagsamantalang kompanya na nasa sektor ng …
Read More »Babala ni Albayalde: Tutulog-tulog na pulis walang bonus
MAWAWALAN ng bonus para sa sa isang buong taon ang mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Napag-alaman, nagbabala si NCRPO Director Oscar Albayalde sa mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho na kakasuhan sila. “Puwedeng reprimand po ‘yan o suspension. ‘Pag ikaw ay na-suspende kahit na isang araw lang …
Read More »Magdiriwang ng Valentine’s Day umiwas sa porno, unsafe sex
BAGO ang pagdiriwang ng Valentine’s Day, hinimok ng grupong Pro-Life Philippines ang publiko na umiwas sa pornograpiya at human immunodeficiency virus at acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS). Kasabay nito, namahagi ang grupo sa mga namamasyal sa Rizal Park sa Maynila ng mga kendi na may mga balot na mga mensahe ukol sa pag-iwas sa mga malalaswang pelikula at HIV/AIDS. May …
Read More »Basyang signal no. 1 sa 4 areas ng Mindanao
PUMASOK na ang tropical storm na may international name “Sanba” sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Linggo ng gabi, at binigyan ng local name na “Basyang,” ayon sa state weather bureau PAGASA. Sinabi ng PAGASA, ang bagyo ay pumasok sa PAR dakong 7:00 ng gabi. Ang apat na eryang isinailalim sa tropical cyclone warning signal no.1 ay Dinagat Island, …
Read More »Presyo ng palay bagsak ngayong anihan (Magsasaka nangamba)
UMALMA ang mga magsasaka sa parating na bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) dahil sasabay ito sa panahon ng anihan. Nakatakdang dumating sa susunod na buwan ang 250,000 metriko toneladang bigas na inangkat ng NFA, habang higit 3.5 milyong metriko toneladang palay ang inaasahang aanihin ng mga magsasaka. Dahil dito, pinangangambahan ng local farmers na babagsak ang presyo …
Read More »Pinoy nurse, drivers wanted sa Czech Republic
PORMAL nang binuksan ng Czech Republic ang kanilang pintuan para mag-alok ng mga trabaho sa mga Filipino. Sinabi kamakailan ni Czech Ambassador to the Philippines Jaroslav Olsa, Jr., kailangan punan ng kanilang bansa ang pangangailangan sa mga manggagawa. Kabilang sa mga trabahong maaaring pasukin ng mga Filipino ay driver, manufacturing technician, warehouse manager, warehouse worker, forklift operator, baker, butcher, nurse, …
Read More »Bus sumalpok sanggol, ina 1 pa patay 10 sugatan
DEL GALLEGO, Camarines Sur – Tatlong biktima ang patay habang 10 ang sugatan makaraan sumalpok ang isang bus sa puno sa gilid ng Andaya Highway sa bayang ito, nitong Sabado. Ayon sa mga pasahero, mabilis ang takbo ng Fortune Star bus na may 57 pasahero nang mawalan ng kontrol ang driver pagdating sa Brgy. Sinukpin, 9:00 ng gabi. Dahil dito, …
Read More »China, Russia target ng DoLE (Para sa OFWs)
INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo, ikinokonsidera nila ang mga bansang maaaring paglipatan sa overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Kuwait. “We are now in the process of looking alternative markets. One of them is China. And even Russia,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Tinatayang 800 undocumented OFWs sa Kuwait ang nakatakdang …
Read More »OFWs bawal sa Kuwait
INIHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III, magpapalabas siya ng bagong order ngayong Lunes, hinggil sa pagpapatupad ng total deployment ban sa Filipino workers sa Kuwait. Sinabi ni Bello, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng order hinggil sa total deployment ban, hiwalay sa nakaraang utos na pagsususpende sa proseso ng bagong employment certificates. “This time, what the …
Read More »Duterte haharap sa ICC
NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaglaban ang sarili laban sa akusasyong crime against humanity na inihain laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kanyang drug war. Sa kabila nang kahandaan ng Pangulo bilang abogado, kompiyansa si Presidential Spokesman Harry Roque na maibabasura ang nasabing usapin sa ICC. Paliwanag ni Roque, hindi pa dapat magdiwang ang mga …
Read More »Plunder case inihain ng VACC vs DTI chief (P1.1 bilyon nawala sa kaban ng bayan)
IPINAGHARAP ng kasong plunder, technical smuggling at economic sabotage ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) si Department of Trade and Industry (DTI) secretary Ramon Lopez na chairman rin ng Board of Investment (BOI) dahil sa paggamit sa kanyang posisyon para paboran ang isang car manufacturer sa bansa. Bukod kay Lopez, sinampahan din ng kaso …
Read More »Globe spearheads clean-up after successful Dinagyang Festival in Iloilo
SINCE the inception of the religious and cultural Dinagyang Festival in 1967, Iloilo hosts an annual celebration that includes a fluvial procession, street dancing, the Kasadyahan Cultural Parade, and the Dinagyang Ati Competition. According to estimates, this year’s Dinagyang drew in at least 50,000 spectators who watched the competition alone. Globe and Headrush volunteers collect confetti, bottles, cups, and other …
Read More »Seminar sa Reoryentasyon sa Pagtuturo ng Panitikan, nakatakda sa Bikol at Bukidnon
LAYUNIN ng seminar na mabigyan ng reoryentasyon ang mga guro sa pagtuturo ng panitikan na nakabatay sa likás na katangian ng panitikang Filipino at maka-Filipinong pananaw. Magkakaroon ng mga panayam at talakayan hinggil sa halaga ng panitikan sa edukasyon, estado ng panitikan sa mga rehiyon, at lápit sa pagtuturo ng panitikan. Magsasagawa rin ng pakitang-turo sa epiko, kuwentong-bayan, at panitikang …
Read More »Pelikultura 2018, pinakaaabangan ngayong Pebrero 19-21
KASABAY ng paggunita sa National Arts Month ngayong Pebrero, isasagawa ang Pelikultura: The Calabarzon Film Festival 2018 na itinatampok ang mga baguhan at propesyonal na filmmakers na mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon para ibahagi ang kanilang mga pelikula at kaalaman sa larangang ito. Kasama ang National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at Film Development Council …
Read More »All About Love concert ni Jed, laan para sa MATA Foundation
INIHAHANDOG ng Ang Mata’y Alagaan Foundation, Inc. (MATA Foundation) ang Valentine concert na nagtatampok kay Jed Madela, ang All About Love sa Pebrero 14, 7:30 p.m. sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City. Layunin ng konsiyerto na makalikom ng pondo para sa mga benepisyaryo ng Mata Foundation. Kilala sa mga taguring The Voice at The Singer’s Singer, inaasahang muling pupukawin …
Read More »Lovi, sinampolan ng pagiging Best Actress si Erich
PAANO kaya mag-re-react ang fans at supporters ni Erich Gonzales kapag napanood ang sinasabing mga eksenang nagpaka-aktres ultimo ang mga daliri at mga kamay at likod ni Lovi sa The Significant Other? Sa santambak na mga “very juicy, meaty, romantic and orgasmic combined as one scenes” nina Lovi at Tom Rodriguez sa pelikula, madadala at mapapahiyaw ka sa excitement na …
Read More »Sa Ombudsman dalhin ang kaso
ISANG resolusyon ang inihain sa Senado na humihiling sa dalawang komite na imbestigahan ang sinasabing P100 milyong umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at kanyang anak na babae na si Davao City Mayor Sara Duterte sa Bank of the Philippine Islands. Inihain ang resolusyon ni Senador Antonio Trillanes IV, kilalang pangunahing kritiko at kalaban ng pangulo at ng …
Read More »Barangay, SK polls tuloy sa 14 Mayo
TULOY na ang Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections sa 14 Mayo makaraan ang ilang serye ng pagkaantala nito. Inianunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Commission on Elections nitong Martes, na ang election period ay mula 14 Abril hanggang 21 Mayo. Ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) ay mula 14-20 Abril habang ang …
Read More »3 komentarista arestado sa libel (Sa NUJP Alert)
INARESTO ang tatlong radio commentators sa Quezon nitong Martes, 6 Pebrero, makaraan isyuhan ng warrant of arrest sa kasong multiple libel na inihain ni Minority Floor Leader Danilo Suarez. Inihayag ito ng National Union of Journalists of the Philippines sa kanilang NUJP Alert sa social media. Bukod sa mambabatas na Suarez, may inihain din na serye ng libel cases si …
Read More »30 smuggled luxury vehicles dudurugin ng Customs ngayon
NAGLALAYONG makapaghatid ng “strong message” sa car smugglers, nakatakdang wasakin ng Bureau of Customs ang 30 luxury vehicles ngayong Martes. Ang estratehiyang ito ay malayo sa dating proseso na isinasailalim ang smuggled vehicles sa subasta para makaipon ng karagdagang kita para sa gobyerno. “The result will be much better for the government than the revenue na mawawala kasi kung hindi …
Read More »Trillanes sa Senado: Bank accounts nina Digong, Sara busisiin
INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV nitong Linggo na maghahain siya ng resolusyon na naglalayong hilingin sa Senado ang imbestigasyon hinggil sa sinasabing bank records nina Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng kanyang pamilya. “With this resolution, I am accepting President Duterte’s challenge to investigate his alleged ill-gotten wealth to once and for all reveal the truth on this …
Read More »Eroplano bumagsak, 2 dayuhan sugatan
DALAWANG dayuhan ang sugatan nang bumagsak ang isang private plane sa karagatang sakop ng Palawan bunsod ng problema sa makina nitong Linggo ng hapon. Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng MIMAROPA regional police office, ang eroplano ay bumagsak malapit sa Turublian Resort sa Brgy. New Agutaya, sa bayan ng San Vicente dakong 1:30 ng hapon. Kinilala ni Tolentino ang …
Read More »Meet Me In St. Gallen, mala-Kita Kita ang istorya
INAABANGAN ng mga kababayan nating Pinoy sa ibang bansa ang pelikulang Meet Me In St. Gallen dahil base sa trailer ay maganda, mala-Kita Kita ang dating. Kaya tinatanong kami kung ipalalabas ito sa ibang bansa. Tinanong namin ang publicist ng Spring Films at Cornerstone Entertainment na si Caress Caballero kung ipalalabas sa ibang bansa ang pelikula nina Carlo Aquino at Bela Padilla. “Will ask po,” sabi sa amin. As of this writing ay …
Read More »Embalsamador na babae wanted sa Baguio
BAGUIO CITY– Pasado sa ikatlong pagbasa sa konseho ng Baguio ang pagkakaroon ng mga babaeng embalsamador at mortician sa mga pune-rarya sa lungsod. Pangunahing layunin nito na maprotektahan ang karapatan ng mga patay partikular ang mga kababaihan. “May mga nabalitaan tayong news noon na kung female ang namatay, male ‘yung magka-conduct, sometimes the family will complain, they take advantage siguro …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com