Saturday , November 23 2024

hataw tabloid

Civilian death toll sa Marawi umakyat sa 30

MARAMI pang sibilyan ang naiulat na namatay sa patuloy na bakbakan ng militar at Maute local terror group sa Marawi City, ayon sa ulat ng Malacañang, kahapon. Sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella, ang bilang ng napatay na sibilyan ay umabot na sa 30 dakong 11:00 pm nitong Sabado. Samantala, 1,271 si-bilyan ang kabuuang nasagip mula sa lungsod. Sinabi ni …

Read More »

Army nagdeklara ng ‘humanitarian’ ceasefire sa Marawi (134 sibilyan sinagip)

NAGDEKLARA ang militar ng 4-hour “humanitarian ceasefire” sa lungsod ng Marawi kahapon. “Inaprobahan po ng ating chief of staff, si General Eduardo Año, ang pagkakaroon ng tinatawag na humanitarian pause para magbigay-daan sa pagbibigay ng tulong at pag-recover sa sino mang nasugatan at ano mang labing andiyan, at doon sa mga taong nagtatawag ng tulong,” ayon kay Armed Forces of …

Read More »

1,200 ISIS members nasa PH – Indonesia

MAYROONG 1,200 Islamic State (IS) group operatives sa Filipinas, kabilang ang mga dayuhan, at 40 sa kanila ay mula sa Indonesia, pahayag ng Indonesian defense minister sa international security forum nitong Linggo. Sa kanyang pagsasalita sa Singapore, habang patuloy ang sagupaan ng Philippine troops at mga teroristang alyado ng ISIS sa Marawi City, tinawag ni  Defense Minister Ryamizard Ryacudu ang …

Read More »

Ang Zodiac Mo (June 05, 2017)

Aries  (April 18-May 13) Ang araw ngayon ay para sa pagpapahinga at relaxation. Taurus  (May 13-June 21) Kailangang sikapin na mapatunayang ikaw ay bukas sa ano mang progresibong mga ideya. Gemini  (June 21-July 20) Ang araw ngayon ay perpekto para sa informal interaction ng ano mang paksa. Cancer  (July 20-Aug. 10) Umaksiyon ayon sa iyong nais. Hindi kailangang sundin ang …

Read More »

A Dyok A Day

Driver: Kulang ng piso bayad mo! Juan: E ‘di i-atras mo nang konti, para sakto. Kala nito! *** Juan: Pautang nga po ng sardinas, bukas na lang po bayad ha. Tindera: Sige ito lata, bukas na lang laman ha.

Read More »

Stevenson giniba si Fonfara sa round 2

DINIMOLIS ni Adonis Stevenson si Andrzej Fonfara sa Round Two para mapanatili ang korona sa WBC light heavyweight  na ginanap sa Bell Centre sa Montreal. Pinabagsak ni Stevenson sa unang round si Fonfara sa pamamagitan ng matinding kaliwa. Sa nasabing yugto ay gahibla nang nakasalba si Fonfara sa uumulang suntok ng kampeon. Sa Round Two ay lalong naging mabalasik si …

Read More »

Caravan ng Piston tatapatan ng LTFRB

jeepney

NAKAHANDA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa nakatakdang malawakang protesta na ikinasa ng grupong PISTON kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw. Ayon kay LTFRB board member at spokesperson Atty. Aileen Lizada, inatasan na ang mga regional director ng ahensiya para makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan. Nakipag-ugnayan na rin aniya ang LTFRB sa Metro Manila Development …

Read More »

26-M estudyante papasok ngayon (Sa K-12 education system) — DepEd

MAHIGIT 26 milyong estudyante mula kindergarten hanggang grade 12 ang inaasa-hang papasok ngayong school year sa K-12 e-ducation system, ayon sa Department of Education (DepEd) kahapon. “Projected kinder to grade 12, more or less 26,969,816 (students), public and private school,” pahayag ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali. Sinabi ni Umali, mayroong 8.2-porsiyentong pagtaas sa enrollees nga-yong school year bunsod ng …

Read More »

Puganteng Korean-American arestado ng NBI

KAUGNAY sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan, inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon, naaresto ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs (TFAID), sa pakikipagtulungan ng NBI-Western Mindanao Regional Office (NBI-WEMRO), Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang isa sa most wanted fugitives sa bansa, kamakalawa sa Zamboanga City. Kinilala …

Read More »

No terror threat sa Metro Manila

BINIGYANG-DIIN ni NCRPO director, Oscar Albayalde, walang banta ng terorismo sa Metro Manila, at tiniyak na mahigpit ang pagmamatiyag ng mga awtoridad. Nauna rito, inilinaw ng Malacañang, ang insidente sa Resorts World Manila ay hindi terorismo at walang kaugnayan sa krisis sa Marawi. “Maganda ang prevailing peace and order dito sa Metro Manila. We have not monitored any threat [of] …

Read More »

Seguridad sa NAIA, mas hinigpitan pa

MAS pinahigpit pa ang seguridad sa buong compound ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod nang pag-atake sa kalapit na Resorts World Manila at dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi. Bago magtanghali kahapon, ipinatupad ang security level 3 sa buong paliparan. Ibig sabihin, lalo pang hinigpitan ang pagpasok sa NAIA. Pinaigting ang inspeksiyon sa mga pumapasok na sasakyan. Masinsin …

Read More »

Rebooking, refund alok ng Cebu Pacific Air

NAGPAHAYAG ng kalungkutan ang Cebu Pacific Air sa trahedyang naganap sa Resorts World Manila kahapon, Bunsod ng insidente, nag-abiso sila sa mga pasahero patungo at mula sa Manila ngayon, na may mga opsiyon na available para sa kanila: mag-rebook nang libre sa loob ng 30 araw; kunin ang full refund; ilagay ang full cost ng ticket sa travel fund para …

Read More »

Kapatid ng misis ng solon hinahanap pa

KUNG nakita na ang bangkay ng kabiyak ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., na si Elizabeth Panlilio Gonzales, hindi pa nakokompirma kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid na si Consolacion P. Mijares, sa naganap na trahedya sa Resorts Worls Casino nitong Biyernes baho maghating-gabi. Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fari vbgfñas, kinompirma ni Philippine National Police (PNP) chief, …

Read More »

CQB kasado vs Maute/ISIS

NAKAKASA na ang puwersa ng militar para sa “close quarter battle” na tatapos sa pagkubkob ng mga terorista sa Marawi City hanggang sa Linggo. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenza, dumating na sa Marawi City ang 21 armored vehicles ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na gagamitin laban sa Maute/Islamic State of Iraq …

Read More »

11 sundalo patay, 7 sugatan sa “friendly fire” (Air strikes lilimitahan)

MAAARING limitahan muna ng militar ang isinasagawang air strikes sa Marawi City nang mamatay ang 11 sundalo at pito ang sugatan makaraan ang “friendly fire” ayon sa ulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kahapon. Nangyari ang insidente nang magkamali ang fighter plane sa pagbagsak ng bomba sa kinaroroonan ng mga sundalo mula sa 4th at 15th Infantry Battalions Sinabi ni …

Read More »

Ilocos 6 biktima ng political harassment (Dalaw ipinagbawal)

MATINDING ‘harassment’ at paglabag sa kanilang mga karapatan ang inirereklamo ng tinaguriang “Ilocos 6” na ipinakulong matapos i-contempt ni Rep. Rodolfo Fariñas, sa isinagawang pagdinig ng Committee on Good Government and Public Accountability sa House of Representatives (HOR) kamakalawa. Ayon sa abogado ng Ilocos 6 na si Atty. Toto Lazo, nabigo ang mga kamag-anak ng mga kliyente niyang sina provincial …

Read More »

PRRC at San Juan City PDP-Laban, umayuda sa mga biktima ng Marawi siege

Patuloy ang pagtulong ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Pepeton” Goitia sa mga sinalanta ng kaguluhan sa Marawi City na nasa Iligan City sa tulong ng kanyang mga kasama sa pinamumunuang PDP Laban San Juan City Council. Personal na nagsadya si Goitia sa Iligan City at namahagi ng pagkain, tubig, gatas para sa mga sanggol, gamot …

Read More »

Ayon sa intel source: Foreign Jihadists kasama ng ISIS sympathizers sa bakbakan

MARAWI CITY – May kasamang foreign jihadists ang Islamic State sympathizers sa pakikibakbakan sa mga tropa ng gobyerno sa Mindanao, patunay na ang rehiyon ay nagiging isa nang Asian hub para sa ultra-radical group. Ayon sa intelligence source, sa 400-500 terorista na sumalakay sa Marawi City, kabilang dito ang 40 mandirigma mula sa ibayong dagat, kabilang ang mula sa Middle …

Read More »

6 Marawi cops missing-in-action

ANIM pulis ang hindi pa natatagpuan habang patindi ang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at local terror group Maute sa Marawi City, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Dir. Gen. Ronald dela Rosa. “Mayroon tayong mga missing-in-action na hindi pa na-account na anim dahil nga itong mga local police ng Marawi hindi pa makontak,” pahayag ni Dela Rosa …

Read More »

90 porsiyento ng Marawi nabawi na ng army

NABAWI na ng tropa ng gobyerno ang 90 porsiyento ng Marawi City, isang linggo makaraan itong atakehin ng mga bandidong Maute at Abu Sayyaf, ayon sa ulat ng militar kahapon, “Almost 90 percent of the whole city is well controlled by our forces and have been cleared of the remnants of this group. The remaining are areas of pockets of …

Read More »

Martial law sa Mindanao suportado ng 15 senador

NAGHAIN ng resolus-yon ang 15 senador na nagpapahayag ng suporta sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao at suspensiyon sa pribilehiyo sa writ of habeas corpus sa nasabing rehiyon. Sa pamamagitan ng Proclamation 216, isinai-lalim ni Duterte ang buong Mindanao sa martial law makaraan kubkubin ng teroristang grupo ang Marawi City, naki-pagsagupa sa mga tropa ng …

Read More »

Maayos na ipatupad ang Batas Militar

Duterte Marcos Martial Law

ANG ginawang pagsuporta ng taongbayan sa pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay patunay na ang hakbang na ito ang magbibigay ng solusyon para wakasan ang terorismo ng Maute group sa Marawi City. Wasto at makatuwiran ang pagpapairal ng Martial Law sa Marawi City para mabigyan ng katiwasayan  ang mga sibilyan sa kani-kanilang lugar at mahinto ang …

Read More »