Tuesday , December 3 2024

15 pulis aasuntohin sa paglabag sa human rights

INIREKOMENDA ng Philippine National Police (PNP) ang paghahain ng kasong kriminal laban sa 15 pulis na umano’y lumabag sa karapatang pantao.

Kasama sa mga balak sam­pahan ng kaso ang isang pulis na nanampal umano ng bus driver na nanuhol daw sa kani­ya, isang pulis sa Iligan na nambugbog ng mga menor de edad dahil sa paglabag sa curfew, at isang pulis sa Taguig na nanutok ng baril sa dalawang menor de edad.

Ayon kay C/Supt. Dennis Siervo, hepe ng PNP Human Rights Affairs Office, maaaring humarap ang 15 pulis sa kasong paglabag sa Republic Act 9745 o Anti-Torture Act.

“Para malaman ng lahat na we don’t tolerate that. Kung mayroon talagang pieces of evidence like video footages ideretso na namin ‘yan,” ani Siervo.

Ngunit iginiit ni Siervo na magkakaroon muna ng imbestigasyon at dadaan sa tamang proseso ang pagdinig sa mga kaso.

“There are certain factors you need to filter in and what happened in that particular time, in that particular environment, that led him to do such act. There should be due process and investigation to be conducted,” aniya.

Kabilang umano sa mga balak sampahan ng kaso ang isang chief inspector, isang senior police officer 4, at tatlong police officer 2. Pinakamarami ang ranggong police officer 1 (PO1) na may anim katao.

Ipinaliwanag ni Siervo na ranggong PO1 ang pinaka­marami dahil sila ang isinasalang sa mga operasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Neri Naig

Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital

PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan …

Robert Ace Barbers Jaime B Santiago

Naninira, nagkakalat ng kasinungalingan
BAYARANG VLOGGERS LABAN SA QUAD COMM IPINATUTUGIS SA NBI

ni GERRY BALDO  SINASALO man ng House Quad Committee ang mga banat sa kanila, hindi …

Christmas by the Lake Taguig Cayetano

Christmas by the Lake ng Taguig muling binuksan sa publiko, tampok mga bagong atraksiyon

NGAYON sa ikatlong taon nito, ang pinakaaabangang Christmas by the Lake ay muling binago ang …

2 lalaki arestado, 79K shabu, baril, kompiskado

2 lalaki arestado, 79K shabu, baril, kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Naaresto ang dalawang drug personalities sa ikinasang buybust operation ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *