Friday , June 2 2023
Manny Pinol DA Agriculture Galunggong
Manny Pinol DA Agriculture Galunggong

Galunggong walang nasyonalidad — Piñol

ANG Filipinas ay mata­gal nang nag-aangkat ng isda, kabilang ang ga­lung­gong o round scad upang madagdagan ang supply lalo na tu­wing closed fishing sea­son, pahayag ni  Agri­culture Secretary Emma­nuel Piñol nitong Martes, bilang sagot sa mga kritiko.

Noong 2017 lamang, ang bansa ay nag-ang­kat ng 130,000 metric tons ng isda ngunit walang nagreklamo, pa­ha­yag ni Piñol.

Ngayong taon, tat­long bilyong fingerlings ang bibilhin sa Indonesia, aniya.

“We have been im­port­ing and this idea of Chinese galunggong, Tai­wanese galunggong, Viet­namese galunggong — galunggongs don’t have nationality,” aniya.

“The galunggong from China doesn’t have chinky eyes. That’s the same galunggongs swim­ming in the waters that we share with these countries, sila lang nakahuli. Ano ba problema do’n?” aniya.

Itinanggi ni Piñol na ang mabibiling galung­gong sa mga pamilihan ay may formalin o em­balming fluid. Ang tra­ces ng formaldehyde sa isda, aniya, ay hindi ibig sabihin na ito ay may formalin.

Bukod sa imports, ang DA ay tumutulong din para mapataas ang produksiyon ng fish pens upang makatulong sa pagpaparami ng sup­ply, aniya.

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *