NASAKOTE ng pulisya ang sampung drug suspects kabilang ang isang Chinese national at miyembro ng isang sindikato sa magkakahiwalay na operasyon sa Southern Metro Manila kamakalawa. Sa Makati City, kinilala ang mga suspek na sina Jomar Ochoa, 41 anyos, ng Jacinto St., Barangay Rizal at Rogelio Ortega, 56, ng Kalayaan Avenue, Barangay West Rembo. Sa report, dakong 3:10 pm …
Read More »Pasay PCP chief, 5 parak sinibak (Sa Chinese na pinalaya)
ANIM na tauhan ng Pasay City Police kabilang ang isang Police Community Precinct (PCP) commander ang sinibak kaugnay ng paglabag sa Presidential Decree (PD) 1829 o Obstruction of Justice matapos arestohin at disarmahan sa loob mismo ng opisina ng kanilang hepe nitong Miyerkoles, 6 Oktubre. Kinilala ni Pasay City Police Chief Col. Cesar Paday-os ang mga sinibak na pulis na …
Read More »Sari-saring reklamo vs Smart-PLDT dumagsa
INULAN ng samot-saring reklamo sa social media ang telecommunications company na Smart-PLDT. Sa kanilang posts sa Facebook, idinaing ng mga subscriber ang umano’y palpak na serbisyo ng kompanya, kabilang ang napakabagal na internet na isinu-supply nito, madalas na pagkawala ng signal o connection, madayang promo, at hindi maaasahang customer service. Ayon sa isang netizen, dahil sa kupad ng internet ng …
Read More »Christmas: Making it Personal at SM Malls
IN a year when almost everyone looks the same as the next person, or is unrecognizable because of their face masks (and shields); it’s a great idea to give your Christmas gifts this year a personal touch. What would be more surprising than sending a Mini-Me Caricature Doll to those on your BFF list? If not, what’s it to put …
Read More »
Suhulan, sindikato sa gov’t
UNANG TARGET NI REPORMA BET PING LACSON
SERBISYONG kahit minsan ay hindi tumanggap ng suhol. Ito ang naging pambungad na pananalita ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson sa kanyang talumpati sa loob ng Sofitel Tent Area matapos ang pormal na paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections (COMELEC) bilang presidente sa 2022 sa ilalim ng nabanggit na partido. Ang naturang pangungusap ay nakapaloob sa …
Read More »SM Supermalls is set to open VAXCertPH booths nationwide (Becomes the first official venue partner of the DOH and DILG initiative)
SM Supermalls has inked a deal with the Department of Health (DOH) and the Department of Interior and Local Government (DILG) to become the first official venue partner of the digital vaccination certificate program, VAXCertPH, during its launch in SM City Clark on October 4. Present during the Memorandum of Agreement signing were SM Supermalls Steven T. Tan; Presidential Spokesperson …
Read More »40 Pinoys naitalang bagong kaso ng CoVid-19
MULING nakapagtala ang Department of Foreign Affairs ( DFA) ng 40 bagong kaso ng CoVid-19 sa mga Filipino abroad. Sa kabuuan umabot sa 23,313 ang kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa mga Pinoy abroad, 8,376 dito ang nananatiling nagpapagaling sa ospital. Umakyat naman sa 13,552 ang mga naka-recover sa naturang sakit kabilang ang 87 bagong gumaling sa CoVid-19. Ayon sa DFA, …
Read More »Negosyante, 1 pa, huli sa entrapment ops (Sako ng bigas na Dinorado)
ARESTADO ng mga awtoridad sa entrapment operation ang dalawa katao na sinabing sangkot sa pagbebenta ng mga sako ng bigas na may markang Dinorado Farmer’s Choice nang walang pahintulot mula sa sole distributor nito sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City Police Chief P/Col. Albert Barot ang mga suspek na sina Nicomedes Bren, 54 anyos, negosyante, residente …
Read More »Bicol University niyanig ng Kambal na pagsabog
NIYANIG ng dalawang insidente ng pagsabog ang Bicol University (BU) campus sa lungsod ng Legazpi, sa lalawigan ng Albay, nitong Linggo, 3 Oktubre. Naganap ang kambal na pagsabog dakong 6:30 pm kamakalawa, dahilan upang higpitan ng pulisya ang pagbabantay sa peace and order sa rehiyon. Nabatid, simula noong 1 Oktubre, naka-red alert ang Bicol police para sa paghahain ng certificates …
Read More »4 bus drivers suspendido sa illegal drugs
NAGSAGAWA ng Random drug testing ang Philippine National Police (PNP), Land Transportation Office (LTO), at Local Government Units (LGUs) sa mga bus drivers na bumibiyaheng Cavite at Batangas sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) . Sinabi ng tagapagsalita ng PITX na si Jason Salvador, layunin nilang maging ligtas ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay. Dagdag ni Salvador, sinuspende ang driver’s …
Read More »Nabinbing consular appointments isinisi sa maling info ng applicants
INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maling impormasyon ang dahilan ng pagkaantalà sa passport appointments. Aabutin ng 60 araw bago maitama ang mga passport application na may mga maling impormasyon. Paliwanag ng DFA, kasalukuyang itinatama ang mga mali ang pangalan, kapanganakan, sa passport applications form, at kailangan pa umanong isa-isahin ang bawat application na may mali upang tiyaking …
Read More »Operasyon ng KTV bar sa Pasay nabuko
NABUNYAG ang operasyon ng isang KTV bar sa Pasay City na ikinaaresto ang mga empleyado, dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) Alert Level 4 sa Metro Manila. Kinilala ni Pasay City police chief, Col. Cesar Pasayos ang mga suspek na sina Michael Relampago, 29, floor manager, residente sa San Marino …
Read More »Partylists pinakyaw ng political dynasties, celebrities, businessmen, atbp
BULABUGINni Jerry Yap MARAMING lumalabas na ‘memes’ ngayon sa social media kaugnay ng eleksiyon para sa Mayo 2022. May mga nagsasabing, ang mga kandidatong bantad sa asuntong korupsiyon gaya ng plunder o pandarambong sa pondong mula sa buwis ng mga mamamayan ay parang mutant mula sa virus na CoVid-19 — ang bilis ng mutation — kaya mabilis din lumikha …
Read More »Sanggol pinukpok ng tatay, patay (Ayaw tumahan)
ARESTADO ang isang 20-anyos tatay matapos mapaslang ang kanyang tatlong-buwang gulang na anak nang pukpukin ng bote ng gatas nang ayaw tumahan sa pag-iyak nitong Biyernes, 2 Oktubre, sa lungsod ng Cotabato, lalawigan ng Maguindanao. Ayon kay P/Maj. Elexon Bona, commander ng Cotabato City Police Office precinct 2, dahil sa lakas ng pag-iyak ng bata sa kalalaliman ng gabi, nagtimpla …
Read More »Ex-city hall official patay sa tambang )Sa Biñan, Laguna)
BINAWIAN ng buhay ang isang retiradong opisyal ng lungsod ng Biñan, sa lalawigan ng Laguna matapos barilin ng hindi kilalang suspek noong Sabado ng tanghali, 3 Oktubre. Kinilala ni P/Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Biñan police, ang biktimang si Virgilio Dimaranan, dating head ng city accounting office ng nabanggit na lungsod. Ayon kay Martinez, financier at leader umano ng …
Read More »Suelo tinalo si Young sa Balinas Jr., Chess Challenge
GINIBA ni Fide Master Robert Suelo, Jr., si International Master Angelo Young, 7-3, para masungkit ang Grandmaster Rosendo Carreon Balinas, Jr., chess challenge sa tinampukang Bayanihan Chess Club match up series, Chess For A Cause na ginanap sa Goldland Chess Club, Village East sa Cainta, Rizal Huwebes, 30 Setyembre 2021. Kumamada agad si Suelo ng 2-0 kalamangan sa 3 minutes plus …
Read More »Jones Jr., desmayado sa taktikang ginamit ni Joshua kontra Usyk
NAPAHAYAG ng komento si Roy Jones, Jr., sa pagkatalo ni Anthony Joshua kay Oleksandr Usyk noong nakaraang linggo na ayon sa kanya ay mali ang ginamit na taktika para yumuko sa dating undisputed cruiserweight champion via unanimous decision. Sa first round pa lang, nakita ni Jones ang kamalian ng kampo ni Joshua nang magsimulang mabagal at naging tactical ang laban kay …
Read More »Biado sasargo sa Abu Dhabi Open 9-Ball Championship
PANGUNGUNAHAN ni Carlo Biado ang listahan ng Filipino players na sasargo sa Abu Dhabi Open 9-Ball Championship na tutumbok sa 8-11 Nobyembre 2021 sa Power Break Billiard Hall sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Malaki ang tiwala ni Biado, isa sa Pinoy cue artists ang makasusungkit ng kampeonato. Kamakailan, itinanghal na kampeon sa US Open 9-Ball Championship si Biado. Kasama niyang tutumbok …
Read More »2-anyos paslit patay sa sunog
HINDI nakaligtas sa kamatayanang isang 2-anyos batang lalaki nang masunog sa loob ng kuwarto habang nag-iisa sa Parañaque City, nitong Sabado ng hapon. Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng batang lalaking namatay. Bunso umano sa tatlong magkakapatid ang biktima ng Brgy. Sun Valley, Parañaque City. Ayon sa ulat na isinumite ni Parañaque Bureau of Fire protection (BFP) SFO1 Gennie Huidem, …
Read More »DOE kinastigo ni Gatchalian (Sa Malampaya contract)
MARIING binalaan ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) sa posibilidad na pagpasok ng gobyerno sa isang ‘midnight deal’ kaugnay ng pagpapalawig sa service contract ng Malampaya project na magtatapos sa 2024. Nangamba si Gatchalian sa gitna ng naganap na bentahan ng shares ng Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX), ang operator ng Malampaya gas field project, sa Malampaya …
Read More »Ilegal na sabungan muling sinalakay at ipinasara ng PNP
ISANG araw matapos ipasara ng National Bureau of Investigation (NBI) ang illegal online sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija, muli itong nagbukas kaya’t nagdagsaan muli ang mga parokyano nito. Agad namang ipinasara ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Chief Brig. Gen. Val de Leon ang naturang illegal live streaming cockfighting sa Mavis sports complex sa nasabing bayan. Ayon kay …
Read More »Ilegal na online sabong sinalakay ng NBI, 250 katao inaresto
DINAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Office ang 250 katao, kabilang ang operator, empleyado at mananaya ng ilegal na online sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon kay Atty. Emeterio Dongallo Jr., pinuno ng NBI – Special Project Team, isinagawa ang pagsalakay nitong Lunes ng hapon sa Mavin’s Events Center sa San Leonardo, Nueva Ecija. …
Read More »Idol Raffy hindi tatakbong VP
MARIING pinabulaanan ng broadcaster at sikat na vlogger na si Raffy “Idol” Tulfo ang mga kumakalat na balita na tatakbo siyang bise presidente sa 2022 elections at sinabing mataas ang kanyang respeto kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Raffy, may mga politiko, hindi niya pinangalanan, ang nag-alok sa kanya upang maging bise presidente nila sa eleksiyon, ngunit kaniya itong tinanggihan …
Read More »Mga kritiko, sablay: Pribadong sektor nagbayad ng SEA Games cauldron
ANG P50-million cauldron na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games (SEA) ay binayaran ng pribadong sektor at hindi ng gobyerno. Ito ang iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa isang panayam kay television host Boy Abunda nitong Sabado, 25 Setyembre. “People will be surprised because the government didn’t spend a single cent on it. Because the private sector paid …
Read More »Kadete ng PNPA patay (Sinikmuraan ng upperclassman)
BINAWIAN ng buhay ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa bayan ng Silang, lalawigan ng Cavite, matapos suntukin sa tiyan ng kanyang upperclassman nitong Huwebes, 23 Setyembre. Kinompirma ni P/Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng PNPA public information office (PIO) ang pagkamatay ni Cadet 3rd Class Karl Magsayo ng PNPA Batch 2024. Ayon sa ulat ng Silang municipal …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com