Monday , November 18 2024

hataw tabloid

2016 polls kapos na sa panahon – Bautista

AMINADO si Comelec Chairman Andres Bautista na pinapaspasan nila ang mga trabaho ngayon sa poll body dahil kinakapos na sila sa election preparation. Ayon kay Bautista, may mga ginagawa silang konsultasyon para matiyak na matutuloy ang halalan kahit naibasura ang Comelec-Smartmatic deal para sa repairs ng PCOS machines. Sinabi ng opisyal, malaking hamon ang paghawak niya ng tungkulin sa komisyon …

Read More »

“No ID, No Entry” blue guards ni Lina sa BOC

GARAPALAN na yata talaga ang pagpapayaman sa gobyerno ng mga tiwaling opisyal sa kanilang puwesto para yumabong ang kanilang negosyo. Hindi pa man nag-iinit ang wetpaks ni Commissioner Bert Lina sa puwesto, umusok na agad ang pagkakalagay ng security agency at pagpapalit ng janitorial services sa Bureau of Customs. Gaano kaya katotoo na ang bagong mga unipormadong sekyu o blue …

Read More »

Sa iyo na lang ang tuwid na daan mo

WALA talagang etiketa ang espesyal na administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino. Akalain ba naman na italaga bilang Commission on Elections commissioner ang isang pamangkin ng isang alyas Mohager Iqbal ng Moro Islamic Liberation Front, ang grupo na sinasabing nasa likod ng masaker sa 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero. Ang tindi …

Read More »

Illegal recruiter wanted

HINAHANTING ng mga pulis ang isang 57-anyos suspek sa illegal recruitment na ilang araw pa lamang nakalalaya makaraan magpiyansa, dahil sa paglutang ng panibagong biktima na natangayan niya ng P70,000 halaga sa Sta. Cruz, Maynila. Kinilala ng suspek na si Mauro San Buenaventura, 57,  manager ng MCSB Manpower and Shipping Services, sa MBR building Room 709, 7th floor, Plaza Sta. …

Read More »

Dodong ‘bumagsak’ sa Sta. Ana, Cagayan

TULUYAN nang nag-landfall o tumama ang sentro ng bagyong Dodong sa Pananapan Point sa Santa Ana, Cagayan dakong 4:45 p.m. nitong kahapon. Dahil dito, nakaranas nang malalakas na hangin at ulan ang halos buong rehiyon ng Cagayan dahil sa lawak ng bagyo. Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa …

Read More »

Budol-budol arestado

ARESTADO ng mga elemento ng Manila Police District-Police Station 2 ang isang miyembro ng budol-budol gang makaraang habulin ng kanyang biktima, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Nakapiit na sa MPD-PS 2 ang suspek na si Dennis Perdagorta, 34, ng B-6, San Jose, Navotas City, nadakip sa panulukan ng Dagupan at Moriones streets, Tondo, Maynila dakong 7:45 p.m. kamakalawa. Ayon …

Read More »

Botohan sa BBL simula na sa Kamara

PAGBOBOTOHAN ngayong araw, Lunes, (Mayo 11) ng House adhoc Committee on the Bangsamoro ang nabinbing Bangsamoro Basic Law (BBL). Nabatid kay Committee Chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez,bukas pa rin ang komite na amyendahan ang BBL bago nila isagawa ang botohan. Sinabi ng mambabatas, posibleng abutin ng dalawa hanggang tatlong araw ang botohan dahil may ilan pang nais …

Read More »

Tinutortyur ni PNoy si Mar

HINDI pa ba sapat ang mga sakripisyong ginawa ni Interior Sec. Mar Roxas para kay Pangulong Noynoy Aquino? Makailang beses na itong pinatunayan, at lagi, sa mga kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon, si Mar ang nagtatanggol kay PNoy. Pero sa kabila ng mga kabutihang ito, tila walang maaasahang magandang sukling gagawin si PNoy kay Mar. Hanggang ngayon, patuloy na tinatakam ni …

Read More »

‘Sweet 16’ pinilahan ng 3 holdaper (Sa harap ng boyfriend)

KALIBO, Aklan – Pinilahan ng tatlong lalaki ang 16-anyos dalagita sa harap ng kanyang nobyo makaraan sila ay holdapin sa isang sementeryo sa Calachuchi Road, Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan kamakalawa. Kasong rape at robbery ang kinakaharap ng mga suspek na kinilalang sina Merwin Pelayo, 24; Dariel Soguilon, 20, kapwa residente ng Ibajay, Aklan, at ang 17-anyos menor de edad na …

Read More »

Balik eskuwela at ‘no collection fee’ sa enrollment

TATLONG linggo nalang at balik-eskuwela na ang ating mga anak. Ayon sa DepEd, ang simula ng klase sa pampublikong paaralan ay Hunyo 1. At ma programa ngayon ang DepEd. Ito’y ang ‘Balik Eskuwela’. Hinihikayat ng DepEd ang mga batang natigil sa pag-aaral na magbalik-eskuwela para magkaroon ng magandang kinabukasan. Oo nga naman… dapat talagang hikayatin ng ating mga magulang partikular …

Read More »

Mga kolektong ng SPD ni Gen.Ranola

SANGKATERBA raw umano ang umiikot at nagpapakilalang kolektor ng tong (intelihensiya) diyan sa AOR ni General Henry Ranola ng Southern Police District Office (SPDO). Pinamumunuan ito ng isang matikas na lespu na kilala sa bansag na TRAJANO. May direktang basbas umano kay General Ranola at maging kay DILG Secretary Mar Roxas ang katarantaduhang pinaggagagawa ng mga kolokoy. Mabigat ang mga …

Read More »

PH, Norwegian envoy, 4 pa patay sa chopper crash sa Pakistan  

ISLAMABAD, Pakistan – Kabilang ang ambassador ng Filipinas at Norway sa anim kataong namatay nitong Biyernes nang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa isang paaralan sa northern Pakistan, ayon sa tweet ng army. Sina Leif H. Larsen, Norwegian envoy, at Domingo D. Lucenario Jr. ng Filipinas, ay kabilang sa mga namatay kasama ng mga misis ng Malaysian at Indonesian ambassadors, …

Read More »

Palayasin ang bastos na Thai

DAPAT lang palayasin ang damuhong taga-Thailand na bumastos at nang-insulto sa lahi nating mga Pilipino sa kanyang mga inilagay sa kanyang Facebook page kamakailan. Tinutukoy natin ang hinayupak na si Prasertsri Kosin na gumagamit ng alyas na “Koko Narak” sa social media. Mantakin ninyong tinawag niya tayong mga Pilipino na “pignoys,” “low-class slum slaves,”  “stupid creatures,” “wriggling cockroaches,” at “useless …

Read More »

Trillanes, Magdalo: K-12 Program itigil (Petisyon sa Korte Suprema)

NAGSAMPA ng Petisyon sa Korte Suprema si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, kasama sina Magdalo Representatives Gary Alejano at Francis Ashley Acedillo upang hilingin ang agarang pagpapatigil ng Republic Act 10533 o kilala bilang K-12 Law, na magdaragdag ng dalawang taon sa high school. Sa Petition for Writ of Preliminary Injunction and/or Temporary Restraining Order na inihain, sinabi ni …

Read More »

Seryoso ba ang DENR o ‘negosyo’ ang lahat sa Boracay?

BORACAY, kilalang bakasyonan hindi lamang sa tag-araw kundi walang pinipiling panahon ang mga nagtutungo rito para magpakasarap ‘mag-relax.’ Hindi lamang tayong mga Pinoy ang nagmamahal sa Boracay kundi maging ng mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa. Noong nakaraang taon, bilang regalo sa kaarawan ng aking mahal – Pebrero 14, nasa lugar kaming buong pamilya. Ikalawang pagpunta ko na sa …

Read More »

5 QC cops, asset sangkot sa hulidap

LIMANG mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isinasangkot sa pagdukot, tangkang pangingikil, at pagbugbog sa isang vendor sa Cubao, Quezon City. Tatlo sa limang pulis na nabanggit ang inaresto ng kanilang kabaro sa isinagawang rescue operation sa nasabing lugar. Sa pulong balitaan, kinilala ni Chief Supt. Joel D. Pagdilao, ang tatlong nadakip na sina PO1 Crispin Cartagenas, nakatalaga …

Read More »

Modus sa ‘online ticketing’ nabisto ng PNP-ASG sa NAIA

ISANG bagong modus operandi ang nabuko ng mga awtoridad sa pangunahing paliparan ng bansa nang mapuna na limang pasahero sa NAIA terminal 3 ang may airline tickets na hindi nakapangalan sa kanila. Ayon kay PNP-Aviation Security Group director, C/Supt. Pablo Francisco E. Balagtas, nadiskubre ito ng isang airline supervisor ng PAL Express nang mapansin na nakapangalan sa iisang tao ang …

Read More »

2 bata patay, 2 kritikal sa gumuhong pader

PATAY ang dalawang bata at kritikal ang dalawa pang biktima nang mabagsakan ng gumuhong pader ng isang abandonadong bahay sa Cardona, Rizal, kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni Senior Insp. Michael Angeles, hepe ng pulisya, kinilala ang mga namatay na sina Joss Ember Julian, 9, at Jade Andrew Barquin, 6, habang malubha ang kalagayan sa pagamutan nina Alvin Lachica, 25, at …

Read More »

‘Brasuhan’ sa Customs?

Sa loob ng mahabang panahon ay hindi nawala ang isyu ng nagaganap umanong “brasuhan” sa loob ng Bureau of Customs (BoC), ang kontrobersiyal na ahensyang hindi na nakaahon-ahon hanggang ngayon sa pagkakalugmok sa bansag na ‘tiwali.’ Sa kabila nito ay marami ang nakapuna na ginawa ni John “Sunny” Sevilla ang lahat ng makakaya para labanan ito sa pagpapatupad ng mga …

Read More »

PDEA pinakikilos vs droga sa Puerto Princesa City

NAGPASAKLOLO si Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa mabilisang solusyon sa problema sa droga sa lungsod. Sa isang pahayag, sinabi ni Bayron na sumulat na siya kay PDEA Director General Arturo Cacdac at hiniling na siyasatin ang impormasyon na nagdadawit sa kilalang personalidad sa operasyon ng droga. Ginawa ni Bayron ang kahilingan para  …

Read More »

Batas sa bike lanes sa Metro Manila, pinupugo ng mambabatas  

HANGGANG sa kasalukuyan ay inaamag na raw sa senado at sa kongreso ang inihaing batas na magbibigay-daan sana para sa siklista o sa mga mahilig mag-bisikleta. Mas inuuna raw ng ilang mambabatas na pag-usapan ang mga problema tungkol sa transportasyon. Sa bayan ng Marikina City ay naging prayoridad ng local government ang pagbibigay ng bike lanes sa kanilang mga kalsada para …

Read More »

Bakit parang kendi na ibinebenta ang shabu sa ‘gapo?

BINANSAGAN na “Most Peaceful City in the Philippines” ang Olongapo. Marami itong natatanggap na karangalan mula sa iba’t ibang ahensiya, publiko man o pribado tulad ng Award of Excellence in Good Governance and Transpa-rency; Most Child-Friendly City in the Country at Best Lupon Tagapamayapa para sa Barangay Santa Rita, at marami pang iba. Kamakailan lamang, humakot ang Olongapo City ng limang achievement …

Read More »

Please don’t blame them

IN my observation on some news articles na aking nabasa, para bang hindi nila alam ang tunay na mga nangyayari inside the Bureau of Customs dahil kadalasan ang mga sinisisi ay mga Customs officials and employees na sila ang ugat ng smuggling. Sila nga ba? Iklaro lang natin na halos lahat ng organic customs officials at low ranking officers ay inalis …

Read More »