Monday , November 18 2024

hataw tabloid

P274-M jackpot ng Grand Lotto solong tinamaan

NASOLO ng isang mananaya ang mahigit P274 milyon jackpot ng Grand Lotto 6/55 nitong Sabado ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng bagong multi-milyonaryo ang winning combination na 35-01-08-27-30-06. Bago ito, tatlong buwan na walang nakapag-uwi ng jackpot sa Grand Lotto. Samantala, isa pang manlalaro ang tumama sa P36.2 milyon jackpot ng Megalotto 6/45 nitong Biyernes. …

Read More »

Paninindigan ng ALAM sa paggigipit kay Christine Herrera

NANINIWALA ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) na ang tangkang i-cite for contempt ang batikang journalist na si Christine Herrera ng The Standard ay tahasang paglabag sa malayang pamamahayag. Isang uri ng pananakot ang ginawa ni Rep. Elpidio Barzaga kay Herrera upang pilitin ihayag ang kanyang source o impormante na nagsabing tumanggap ng suhol ang ilan sa mga mambabatas ng Kamara …

Read More »

Higit 34-K residente apektado ng Mt. Bulusan

UMABOT na sa mahigit 34,000 residente ang naapektuhan ng ibinugang abo ng bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 6,884 pamilya o katumbas ng 34,280 residente ang naapektuhan sa limang bayan sa Sorsogon na kinabibilangan ng Barcelona, Bulusan, Irosin, Casiguran at Juban. Mula Hunyo 17, nasa walong paaralan na ang …

Read More »

Low pressure sa West PH Sea bagyo na

MAPAPABILIS na ang pagpasok ng tag-ulan nang maging tropical depression o mahinang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa West Philippine Sea. Ngunit ayon sa Pagasa, nasa labas ito ng Philippine area of responsibility (PAR) kaya hindi bibigyan ng local name. Papalayo rin ito sa kalupaan ng ating bansa kaya hindi dapat na ikabahala. Gayonman, maaari nitong mahatak …

Read More »

20 bahay natupok sa Quiapo

UMABOT sa 20 bahay ang natupok habang 40 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog sa Brgy. 391, Gonzalo Puyat St., Quiapo, Manila nitong Sabado. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Armando Zulueta. Nabatid na hindi agad naapula ng mga bombero ang apoy. “May kahirapan kanina dahil sa wind travel. Malakas ‘yung hangin, malakas …

Read More »

P4-M hiling ng mga naulila sa Kentex fire (Para mag-atras ng kaso)

HUMIHINGI ng P4 milyon ang bawat pamilyang namatayan sa nasunog na pabrika ng Kentex Manufacturing upang iurong ang mga kasong isinampa laban sa mga may-ari ng kompanya. Magugunitang iba’t ibang paglabag ang nasilip sa natupok na pagawaan sa Ubong, Valenzuela City na ikinamatay ng 72 indibidwal noong Mayo 13. Nanindigan si Atty. Remegio Saladero, abogado ng mga kaanak ng mga …

Read More »

Roxas double digit Binay bumagsak sa survey

PATULOY ang pagbaba ng mga numero ni Vice President Jejomar Binay sa presidential surveys. Base sa huling Ulat ng Bayan ng Pulse Asia, bumagsak sa 22% ang bilang ng mga sumagot sa survey na boboto para kay Binay sa darating na eleksyon sa 2016 mula sa 30% na naging rating niya noong Marso.  Nanguna naman si Senadora Grace Poe na …

Read More »

C/Supt. Nana, 7 pulis pa kinasuhan sa Sandiganbayan (Press Freedom binastos)

NAKATAKDANG sampahan ng kaso sa Sandiganbayan ang hepe ng  Manila Police District,  hepe ng NAIA PNP- Aviation and Security Group, at anim na opisyal pang pulis ng MPD kaugnay sa ilegal na pag-aresto sa dating presidente ng National Press Club sa kasong libel nitong nakaraang Abril, araw ng Linggo ng Pagkabuhay, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ang …

Read More »

Bakit binebeybi ng taga-Malakanyang ang MILF?

WALANG ipinagkaiba ang estilo ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ginagawa ngayon ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) na mas kilala ngayon bilang ISIS—puro terorismo. Nagsuko lamang ng 75 lumang armas at dinekomisyon bilang mga kawal ang 145 nakatatandang miyembro, may banta na ang MILF na hindi na sila papayag sa ikalawang yugto ng …

Read More »

Isang makabayang ugnayang panlabas ang kailangan (2)

Ang totoo niyan, sa kabila nang mukhang pagiging moderno at lantarang pagyakap natin sa mga kaugaliang kanluranin lalo na sa idea ng nation-state ay nananatiling tribal o maka-tribu ang pananaw natin sa buhay. Ang pagkakaroon nang napakaraming mag-kakakumpetensyang tribal based Filipino associations sa ibayong dagat ay matibay na patotoo nang ating pagiging nationally fragmented. Dahil sa ating pagiging maka-tribu ay …

Read More »

Pag-angat ni Poe dedma sa Palasyo (Sa Pulse Asia survey)

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Palasyo ang pangunguna ni Sen. Grace Poe sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey sa 2016 presidential bets. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., bagama’t ang resulta ng survey ay nagpapahiwatig kung sino ang napupusuang kandidato ng mga mamamayan, hindi prayoridad ng administrasyong Aquino ang 2016 elections. Nakatuon aniya ang atensiyon ng Pangulo at ng gabinete …

Read More »

Binay etsapuwera sa special cabinet meeting sa Palasyo

ETSAPUWERA sa special cabinet meeting sa Palasyo kahapon si Vice President at housing czar Jejomar Binay kahit na ang agenda ay pabahay sa mga sinalanta ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., si National Housing Authority (NHA) general manager Chito Cruz ang nagbigay ng update hinggil sa housing reconstruction projects sa Eastern Visayas …

Read More »

Comelec dapat magmadali para sa 2016 polls — election lawyer

 INIHAYAG ng isang election lawyer na dapat nang ma-daliin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkakasa sa 2016 elections.  Idiniin ni Atty. Romulo Macalintal, hindi pa rin natutukoy ng Comelec ang sistemang susundin sa pambasang halalan, nasa isang taon bago ito sumapit.  Dahil dito, iginiit ng abogado na mas mabuti pang ipagpaliban na lang eleksyon kung hindi matitiyak na magiging …

Read More »

Ex-LP official bagong hepe ng CHR

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang dating mataas na opisyal ng Liberal Party bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR). Pinalitan ni Atty. Jose Luis Martin “Chito” Gascon, dating director general ng LP, ang nagretirong CHR chairwoman Loretta Ann Rosales, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. Magsisilbi si Gascon bilang pinuno ng CHR hanggang Mayo …

Read More »

P268-B inilaan ng Army sa bala ng grenade launcher

NAGLAAN ng P268 milyong pondo ang pamunuan ng Philippine Army para sa pagbili ng mga bala ng grenade launcher. Sa ngayon, naghahanap ang Philippine Army ng magsu-supply sa kanila nang mahigit 100,000 bala ng grenade launcher. Ayon kay Army spokesperson Lt. Col. Noel Detoyato, mayroon nang nakalaan na budget na nagkakahalaga ng P268 million para sa pagbili ng 40 mm …

Read More »

P260-M Grand Lotto jackpot mailap pa rin

WALA pa ring masuwerteng nanalo sa mahigit sa P259 milyon jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ayon sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi pa rin napanalunan ng sino mang bettor ang winning number combinations na 51-42-49-25-37-17. Ang prem-yo ng draw kamakalawa ay umabot na sa P259,824,472.00. Nabatid na dalawang buwan nang hindi napapanalunan ang premyo sa Grand …

Read More »

Lava at lahar ibinabala sa palibot ng Bulusan

LEGAZPI CITY – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs) sa mga residente na nasa palibot ng bulkang Bulusan sa Sorsogon, sa posibleng banta ng lava o iba pang volcanic materials na pwedeng bumuhos ano mang oras. Ang pahayag ay kasunod ng phreatic explosion na naitala nitong linggo. Ang mga residente partikular sa Brgy. Puting Sapa ang mas …

Read More »

4-ektaryang komunidad natupok sa Boracay

NATUPOK ang higit 100 bahay at 20 establisimyento sa Brgy. Manoc-Manoc sa Boracay, nitong Miyerkoles. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang boarding house pasado 2 p.m. at kumalat ang apoy sa wet market sa Talipapa Bukid. Sinabi ni Fire Inspector Stephen Jardeleza, nahirapan silang magresponde dahil nasa bulubunduking lugar ang sunog. Tumagal nang dalawang …

Read More »

3 miyembro ng Nigerian kidnap group timbog

TATLONG miyembro ng Nigerian kidnapping syndicate (NKS) ang naaresto ng mga miyembro ng PNP Anti-Kidnapping Group kasama ang mga tropa ng Bulacan Police Provincial Office sa operasyon sa Plaridel, Bulacan. Kinilala ni PNP PIO Officer In Charge, Chief Supt. Wilfredo Franco ang mga nadakip na sina Ifeanyi Augustine Chinwueba, Martin Okofor, at Austin Chukwueba Agu. Ayon kay Franco, ang mga …

Read More »

Batas na lulutas sa traffic kailangan — Tolentino

KUNG si MMDA Chairman Francis Tolentino ang tatanungin, isang batas ang kailangan para maibsan ang matinding traffic sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Ayon kay Tolentino ang sabay-sabay na construction sa lansangan tulad ng skyway at pagkumpuni ng mga lansangan ang dahilan ng matinding traffic na nararanasan sa NCR nga-yon. Ang mabagal at hindi pagtatapos sa tamang oras …

Read More »

 3 Vietnamese tiklo sa paghuli ng ‘Pusakal’

ARESTADO ang tatlong Vietnamese national makaraan maaktuhang nanghuhuli ng mga pusang-kalye (pusakal) sa tapat ng isang palengke sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon City Police, ang mga suspek na sina Vu Tan Trong, 33; Phan Van Duong, 22, at To Van Dat, 28, pansamantalang naninirahan sa 3rd floor ng ECJ Building sa …

Read More »

Pressure ni PNoy dinedma ng senators (Sa BBL issue)

DINEDMA lamang ng ilang senador ang mistulang pag-pressure ng Malacanang kaugnay ng pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Magugunitang kasabay ng decommissioning sa ilang armas ng MILF kamakalawa, tila nangongonsensya si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa mga mambabatas na ipasa na ang BBL na aniya’y mahalaga para sa kapayapaan at kasaganahan sa Mindanao. Iginiit nina Sen. Sonny Angara at Sen. …

Read More »

Kotongan/blackmail sa Kentex tragedy

ISANG buwan na rin ang nakalilipas nang mangyari ang trahedya sa isang pagawaan ng tsinelas sa Valenzuela City. Sa pagkakatupok ng Kentex, 72 katao ang namatay matapos masunog nang buhay at makulong sa pagawaan. Pero hindi pa man nakakamit ng mga biktima ang katarungan, aba’y may mga grupo o indibidwal na’ng sinasamantala ang sitwasyon – para kumita habang ang iba …

Read More »

BOC Collection Service

BOC Commissioner Alberto Lina bakit po ang Department of Collection Service which is a part of Executuive Order 127 ng Bureau of Customs ay nawalan ng papel to do their job for a very long long time. From the administration of former customs commissioners Boy Morales, Lito Alvarez, Ruffy Biazon, John Sevilla ay walang silbi ang collection service. Pero sa …

Read More »