Sunday , December 22 2024

hataw tabloid

Kung may tibay lamang…

KUNG ang espesyal na pangulong si Benigno Simeon Aquino III at ang kanyang mga pulpol na amuyong ay katulad lamang ni Greek Prime Mi-nister Alexis Tsipras at ng kanyang Syriza party ay tiyak na hindi tayo basta-basta pagsasamantalahan ng ibang mga bansa. Mula ng maupo sa poder nitong Enero si Tsipras at ang Syriza Party sa lilim ng pro-people na …

Read More »

15 arestado sa QC drug bust

ARESTADO ang 15 katao na sangkot sa illegal na droga sa magkakahiwalay na drug bust operations ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), iniulat kahapon. Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD director, kabilang sa mga naaresto sina Joel Liempos, 42; Rodolfo Dimaano, 44; Edgar Carisma, 39; Grace Rivera, 19; Jose Buenaventura, 25; Mark Dela Cruz, 25; at Norman Arañas, 23-anyos. Ayon …

Read More »

HDO inilabas ng Sandiganbayan vs Cedric Lee et al

NAGPALABAS ng Hold Departure Order (HDO) ang Sandiganbayan laban sa negosyanteng si Cedric Lee. Ito ay kaugnay sa kasong graft at malversation na kinakaharap ni Lee sa Sandiganbayan 3rd Division. Nangangahulugan itong hindi na maaaring lumabas ng bansa si Lee. Ang kasong graft at malversation ay nag-ugat sa sinasabing maanomalyang paggamit ni Lee ng P23.47 milyon pera ng gobyerno para …

Read More »

10-anyos Chinese boy nalunod sa pool

NALUNOD ang isang 10-anyos batang Chinese habang naliligo sa swimming pool sa Binondo, Maynila kahapon. Hindi na umabot nang buhay sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Siu Wei Yan, Chinese national, residente ng Unit 12-E Mandarin Condominium sa Ongpin St., Binondo, Maynila. Ayon ulat ni SPO3 Victor Jimenez ng Miesic Police Station 11, dakong 12:30 p.m. nang maganap ang insidente …

Read More »

Pekeng bigas babantayan

DAGUPAN CITY – Tututukan na rin ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang napaulat na synthetic rice o pekeng bigas sa lungsod ng Davao. Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, nababahala siya na makarating ang nasabing uri ng bigas sa Northern Luzon. Naniwala si So na posible itong mangyari dahil dati, ang shipment ng mga smuggled na bigas ay ibinababa …

Read More »

DepEd supervisor, 3 paa patay sa trike vs truck sa Samar (6 pa sugatan)

TACLOBAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ang driver ng cargo truck (panel) na responsable sa pagbangga sa isang tricycle sa Brgy. 7, Kilometro 1, siyudad ng Catbalogan, kamakalawa na ikinamatay ng apat katao. Una rito, tumakas ang nasabing driver makaraan ang insidente. Base sa nakuhang impormasyon sa Catbalogan Police Station, nakatakas ang suspek bago pa man makaresponde ang mga awtoridad. Kinilala …

Read More »

2 patay, 4 sugatan sa killer truck (6 sasakyan inararo)

DALAWA ang patay kabilang ang isang babaeng napugutan, habang apat ang sugatan nang araruhin ng isang truck ang anim sasakyan sa M.L. Quezon Extention, Antipolo City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Arthur Masungsong, hepe ng Antipolo City Police, ang namatay na si Luis Francisco Rebola, tricycle driver, habang hindi pa nakikilala ang babaeng pasahero niya na napugutan ng ulo. …

Read More »

Metro residents ‘thumbs up’ kay Tolentino

Aprubado para sa karamihan ang paglilingkod sa tungkulin ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino, makaraang lumabas sa pinakahuling Pulse Asia survey na 93 percent ang nagsabing nasisiyahan at natunghayan nila ang pamamalakad nito sa MMDA. Ang survey ay isinagawa noong Mayo 30 hanggang Hunyo 5 ay kumalap ng respondents mula sa iba’t ibang kategorya ng komunidad sa …

Read More »

NP malabong makipag-alyansa sa UNA — Villar

AMINADO si Senadora Cynthia Villar, bagamat bukas siya sa lahat ng sino mang posibleng maging kaanib sa 2016 presidential elections ngunit tila malabo ito sa UNA na koalisyon at partido ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay na nauna nang nagpahayag ng kahandaan na tatakbong pangulo sa nalalapit na halalan. Ayon kay Villar, maliwanag na tutol dito sina Senador Antonio Trillanes …

Read More »

Junjun tiklop kay Mar

PAGKATAPOS ulanin ng batikos sa kaliwa’t kanan mula sa mga opisyal ng pamahalaan tulad nina DILG Secretary Mar Roxas at Ombudsman Conchita Carpio-Morales, pati na rin sa mga komentaryo at social media, tumiklop si Makati Mayor Junjun Binay.   Matatandaang sinabihan ni Roxas ang nakababatang Binay na “hindi inyo ang Makati” at sumunod sa atas ng batas ukol sa suspensiyong …

Read More »

60,000 negosyo sa QC malulugi sa delayed FSIC?

TAMA lang ang ginagawang paghihigpit ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagbibi-gay ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) sa mga negosyante matapos ang trahedya sa pabrika ng Kentex. Walang’ya naman, kung hindi pa nangyari ang trahedya ay hindi pa maghihigpit ang BFP. Lol! Ngunit, ano itong info – totoo kaya ito? Kaya naghihigpit ang BFP ay dahil sa …

Read More »

A Gentleman Decision

MALUNGKOT man ang pangyayari dapat tanggapin ni Makati City Mayor Junjun Binay ang kautusan ng Office of the Ombudsman. Kahapon ng umaga, pormal nang nag-decision si Mayor Binay na bumaba sa gusali ng Makati City Hall. Matapos niyang yakapin ang kanyang erpat na si under attack Vice President Jejomar “Jojo” Binay, kasama ang kanyang sister na si Senator Nancy Binay, …

Read More »

Ang evil na modus ng mga hao-shiao

SA TOTOO lang, ang nagkalat na mga hao-shiao (peke)  sa  Customs ang pinakamalaking sakit ng ulo na hindi mabigyan-bigyan ng solution ng mga kinaukulan. Imagine that? Nariyan na magpanggap silang orga-nic personnel at tatagain lalo ang mga alien importer na gustong magtrabaho sa bansa sa pamamagitan ng importation. Marami rin lumuha na Koreans na winalanghiya ng mga hao-shiao. Ito ay …

Read More »

Graft case vs Biazon, ERC chair, et al inirekomenda na ng Ombudsman

PORMAL nang kinasuhan ng Office of the Ombudsman ang limang dating mga congressman, ang chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC) at iba pang opisyal dahil sa pagkakasangkot sa P10 billion pork barrel scam. Batay sa limang resolusyon na may petsang Hunyo 26, 2015 ngunit kahapon lamang naisapubliko, iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang paghahain ng kaso laban kina dating …

Read More »

Desisyon ng NLRC binalewala ng GMA — TAG

DUMULOG sa Kamara ang Talents Association of GMA (TAG) dahil sa ginagawang pagbabalewala ng GMA Inc., sa naging desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC). Ayon kay TAG leader Christian Cabaluna, binastos ng nasabing kompanya ang ipinalabas na resolution ng NLRC na nagdedeklarang regular employees ang 107 plaintiffs na talent lamang ang status sa kasalukuyan. Banggit ni Cabaluna, imbes tumalima …

Read More »

16-anyos dinonselya ng trike driver

CALAUAG, Quezon – Dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 16-anyos estudyante makaraan gahasain ng isang tricycle driver kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, ng nasabing bayan. Ayon sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Melba, residente ng nasabing lugar, pauwi na siya dakong 10 p.m. kaya sumakay siya tricycle ng hindi nakilalang suspek. Ngunit pagsapit nila sa madilim na …

Read More »

Cargo truck na may pekeng bigas nasakote sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Agad inalerto ni retired Colonel Danilo Ferrer ang buong puwersa ng Civil Security Unit na naka-deploy sa public market sa GenSan kasunod nang biglang pag-alis ng isang cargo truck na sinasabing may kargang pekeng bigas. Napag-alaman, dumating ang nasabing truck dakong ma-daling araw kahapon at pumarada sa Cagampang St. Agad naghanap ng buyer ang mga pahinante …

Read More »

Ex-husband sa bank teller slay, idiniin ng lover

CAMP OLIVAS, Pampanga – Lalong tumibay ang ebidensiya ng mga awtoridad laban sa suspek na si Fidel Sheldon Arcenas na responsable sa pagdukot at brutal na pagpatay sa bank teller na ex-wife niyang si Tania Camille Dee, nang inguso siya ng kanyang gilfriend sa pulisya ng Angeles City. Kamakalawa, makaraang mahukay ang bangkay ng biktima sa mismong bakuran ng paupahang …

Read More »

Same sex marriage magpapataas ng HIV/AIDS cases — Health official

 DAGUPAN CITY – Naniniwala si Department of Health (DOH)-Region I Director Dr. Myrna Cabotaje, isa ring sanhi sa pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus Infection at Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa buong mundo, ang same sex marriage o pagsasama nang pareho ang kasarian. Ayon kay Dr. Cabotaje, lumalabas sa data na ang pakikipagtalik ng isang tao sa kapareho …

Read More »

Garbage collection fee ibabalik ng QC gov’t

TINIYAK ng Quezon City government na ibabalik nila ang garbage collection fee na nasingil mula sa mga residente ng lungsod noong 2014. Ito’y makaraan katigan ng Korte Suprema ang petisyong kumukuwestiyon sa ordinansang nagpapahintulot sa taunang paniningil sa paghahakot ng basura sa Quezon City dahil sa paglabag ng atas sa equal protection clause ng Konstitusyon maging sa local government code. …

Read More »

Mag-asawa patay sa aksidente sa Butuan

BUTUAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ang suspek na nakabangga at nakapatay sa mag-asawang sakay ng kanilang motorsiklo sa Purok 4, Brgy. Sto. Niño, sa Lungsod ng Butuan, kamakalawa. Kinilala ni PO3 Pedro Tan, imbestigador ng Butuan City Police Station (BCPS)-5, ang mga biktimang sina Jonathan Soliva, 57, Leneth Soliva, 46, parehong residente ng Brgy. San Antonio, bayan ng RTR, …

Read More »

Korean nat’l  tiklo sa human trafficking

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Korean national na sangkot sa human trafficking, kamakalawa sa nasabing lungsod. Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD director, kinilala ang naaresto na si Woo Jung Woo, 27, nakatira sa 16/F Avida Tower, Boni Serrano Ave., Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City. Si Woo ay nadakip dakong …

Read More »

Mar sinopla si Junjun

“ANONG pinagkaiba ni Mayor Binay sa ibang mga mayor na sinuspinde o tinanggal sa posisyon ng Ombudsman?” Ito ang tanong ni DILG Secretary Mar Roxas nang talakayin sa isang morning show ang napipintong suspension ng Office of the Ombudsman kay Makati Mayor Junjun Binay. Noong Lunes ay nagpalabas ng ‘Order of Suspension’ si Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Binay at …

Read More »