Sunday , December 22 2024

Hataw News Team

Syrian, Pinay arestado sa terror plot sa Saudi

RIYADH – Inaresto ang isang Syrian at isang Filipina dahil sa tangkang pambobomba sa Saudi Arabia. Ayon sa Saudi Interior Ministry, kinilala ang mga suspek na sina Yasser Mohammad al-Brazy, habang ang Filipina ay tinukoy lamang sa pangalang “Lady Joy”. Hinala ng mga awtoridad, ang Filipina ay pinilit ng Syrian na sumama sa kanya makaraang tumakas sa amo noong nakaraang …

Read More »

Konsintidor si Mar

KUNG talagang labag sa prinsipyo ng Liberal Party (LP) ang pagyurak sa karapatan at dignidad ng mga kababaihan, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin napaparusahan sa mga nagpakana ng “lewd show” sa oath taking ng mga bagong miyembro ng partido sa lalawigan ng Laguna? Ang oath taking ay kasabay din ng birthday party ni Rep.  Benjie Agarao, na ilang …

Read More »

63 mangingisda missing sa 2 rehiyon (Dahil kay Kabayan)

KABUUANG 63 local fishermen sa region 1 at region 3 ang naiulat na nawawala. Ito’y kahit nakalabas na ng PAR ang Bagyong Kabayan. Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (RDMMC), nasa 31 mangingisda ang una nang nasagip ng mga awtoridad. Habang ayon sa report ng RDMMC region 1, nasa kabuuang 7 fishing vessels ang kasalukuyang nakita …

Read More »

12 health workers negatibo sa MERS

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na negatibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) ang 12 health workers. Ginawa ang pagsusuri sa health workers na nakasalamuha ng Saudia national na namatay dahil sa MERS-CoV dito sa bansa. Ayon kay DoH spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, isinailalim sa pagsusuri ang health workers dahil sa ipinakitang sintomas ngunit sa ngayon ay …

Read More »

20-hour water interruption ‘di natuloy pero mag-ipon pa rin (Ayon sa Maynilad)

NAGBABALA ang Maynilad Water Services Inc. na hindi dapat maging kampante ang kanilang mga consumer kahit ipinagpaliban ang dapat sana’y hanggang 20 oras na water interruption simula ngayong araw, Oktubre 5. Ayon kay Engr. Ronald Padua, pinuno ng Maynilad water supply interruption, dapat ay mag-imbak pa rin ng tubig para matiyak na may magagamit ang mga consumer. Mananatili kasi aniya …

Read More »

9 patay, 3 sugatan sa bumaliktad na van (Driver nakaidlip)

KIDAPAWAN CITY – Siyam ang patay habang tatlo ang malubhang nasugatan sa bumaligtad na pampasaherong van dakong 2:45 a.m. kahapon sa probinsiya ng Cotabato. Ayon kay Cotabato PNP provincial director, Senior Supt. Alexander Tagum, lulan ang mga biktima sa isang pampasaherong D4D van (LHM-995) mula sa Davao City patungong Kabacan, Cotabato ngunit pagsapit sa Brgy. West Patadon sa bayan ng …

Read More »

Panis ang endorsement ni Erap

WALA nang bisa o epekto ang endorsement ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.  Kung naniniwala man ang ilang politiko na makatutulong sa kanilang kandidutura ang endorsement ni Estrada, puwes, nagkakamali sila. Ang palpak na administrasyon ni Estrada sa Maynila partikular na ang patuloy na ginagawa nitong pahirap sa mga maralitang tagalungsod ay sapat nang bata-yan para matakot ang mga politikong may …

Read More »

Pulis na sangkot sa illegal drug trade tututukan ng PNP

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ricardo Marquez na masisibak sa serbisyo ang mga pulis na protektor at sangkot sa illegal drug trade. Ito’y makaraang mabatid ng heneral ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa ilegal na mga aktibidad gaya ng pagbebenta ng droga habang ang ilan dito ay naaresto sa isinasagawang buy-bust operation. Dahil dito, mahigpit na …

Read More »

Buwis mas mababa — Chiz (Sa gobyernong may puso)

“WALANG isasakripisyong proyekto o ni isa mang mapagkakaitan ng kinakailangang serbisyo kung ibababa natin ang income tax. Kung gusto, maraming paraan; kung ayaw, maraming dahilan.”  Ito ang pahayag ni Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero sa gitna ng pagsopla ni Liberal Party candidate Mar Roxas sa lumulobong panawagang ibaba ang binabayarang buwis ng mga obrero dahil katumbas umano ng ipapasang batas …

Read More »

Pag-aresto kay Ecleo tiniyak ng CIDG

KABILANG sa pinagtutuunan ng pansin ng PNP-CIDG ay maaresto ang isa sa “big five” na si dating Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr. Ayon kay PNP CIDG chief, Chief Supt. Victor Deona, may mga hakbang na silang ginagawa para maaresto si Ecleo ngunit tumangging sabihin kung ano na ang resulta ng kanilang pagtugis. Siniguro ng heneral na gagawin nila ang …

Read More »

Mabini ‘di kilala dahil sa pagbabago sa basic education curriculum

ISINISI ni Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) partylist Rep. Antonio Tinio sa mga pagbabago sa curriculum sa basic education kung bakit kulang sa kaalaman tungkol sa Philippine history ang mga bagong henerasyon, partikular na ang lumabas na balita na hindi kilala ng mga kabataan ngayon ang tinaguriang “Dakilang Lumpo” na si Apolinario Mabini. Ayon kay Tinio, mula pa noong 2002, …

Read More »

4 patay, 13 arestado sa buy-bust ops ng PNP sa Bulacan

APAT ang patay habang 13 ang arestado sa buy-bust operation ng Bulacan PNP dakong 11:30 a.m. kahapon sa Sitio Crusher, Brgy. Bigte, Norzagaray, Bulacan. Ayon kay Police Regional Office 3 Regional Director, Chief Supt. Rudy Lacadin, naglunsad ng buy-bust operation ang Norzagaray PNP laban sa grupo ng Eric Espinosa Drug Group na nagresulta ng ilang minutong palitan ng putok. Sinabi …

Read More »

Ekonomiya atupagin ‘wag si Grace — Solon

“MAS mahalaga sa mga katunggali ni Sen. Grace Poe ang panalo, hindi ang pamumuno – winning, not leading. Nakalilimutan nila na ang halalang ito ay tungkol sa buhay ng isandaang milyong mamamayan, at hindi tungkol sa ‘citizenship’ ng iisang tao.” Ito ang pahayag ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel kasabay ng pagpuna sa mga politikong nasa likod ng “kababawan sa usapin …

Read More »

Davao Sur Mayor nabagok, tigok

  DAVAO CITY – Binawian ng buhay ni Kiblawan Mayor Jaime Caminero, ng lalawigan ng Davao Sur, makaraang mahulog sa bodega at mabagok ang ulo kamakalawa. Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa kanyang bodega sa Brgy. Lat-an, Kiblawan City ang opisyal habang ‘hands-on’ sa pag-aasikaso sa mga nakasakong kopra kasama ang kanyang mga tauhan, nang aksidenteng mahulog at nabagok ang ulo …

Read More »

Tumangay sa P9.4-M 4Ps fund arestado

ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng mga tauhan ng PRO4A sa Quezon Province ang suspek sa pagnanakaw sa P9.4 milyong pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dalawang taon na ang nakararaan. Kinilala ni PNP-CIDG Director PCSupt. Victor Deona ang suspek na si Emilron Dela Torre, naaresto sa mismong kanyang hideout  …

Read More »

Roxas pumalo sa Pulse Asia Survey

SUMIPA na ang pag-endorso ni Pangulong Benigno S. Aquino sa pambato ng ‘Daang Matuwid’ na si Mar Roxas. Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, umangat na sa 20% ang rating ni Roxas. Umakyat ito mula 18% noong Agosto at mula 10% noong Hunyo. Si Roxas ang nagkaroon ng pinakamataas na pag-angat sa survey laban kina Senador Grace Poe at Bise Presidente …

Read More »

Customs Revenue Modernization Office buwagin (Rekomenda ng Kamara)

INIREKOMENDA ng committee on ways and means ng House of Representatives ang pagbuwag sa Office of the Revenue Agency Modernization (ORAM) ng Bureau of Customs (BoC) bunsod nang pagkabigong maabot ang kanilang performance targets. “We recommended that it be abolished,” pahayag ni Marikina Rep. Romero Federico Quimbo, chairman ng komite. “The committee determined that the underperforming retired generals were not …

Read More »

4 resort employee nalason sa brownies

DAGUPAN CITY – Hinihinalang nabiktima ng food poisoning ang apat empleyado ng resort kabilang ang 68-anyos lola, makaraang kumain ng brownies bread sa Brgy. Tiblong bayan ng San Fabian, Pangasinan kamakalawa. Mismong ang may-ari ng Moonlight Bay Resort na si Ginang Ofelia Sharzadeh ang nagparating sa pagkalason ng mga empleyado niya na kinilalang sina Dessy Ann Buado, 19, front desk; …

Read More »

Grabeng atake vs Grace-Chiz paghandaan (Poe dumoble ang lamang kina Binay at Mar)

DAPAT nang paghandaan ni Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero ang mas marami pang pag-atake sa kanila habang patuloy ang pangunguna sa kabila ng mas maagang pangangampamya ng kanilang mga katunggali – lalo pa ngayong ipinapakita sa mga bagong resulta ng mga survey na nasa “double-digits” na ang kalamangan ni Poe kay Vice President Jejomar Binay at dating Interior …

Read More »

Libel vs Yap et al ibinasura (Dahil sa maling hurisdiksiyon)

IBINASURA ng Manila RTC Branch 55 ang libel case na inihain ni Insp. Rosalino P. Ibay Jr. laban kina Jerry Yap, publisher; Gloria Galuno, managing editor; at Edwin Alcala, circulation manager, pawang ng Hataw tabloid, bunsod ng maling hurisdiksiyon. Ayon sa desisyon ni Judge Josefina E. Siscar, ang offended party na si Ibay Jr. ay public officer na nakatalaga sa …

Read More »

Presscon pinalagan ng Ortega Family

Pumalag ang pamilya Ortega hinggil sa isinagawang press conference ng magkapatid na Joel at Mario Reyes, itinuturong suspek sa pagpatay sa environmentalist at broadscaster na si Gerry Ortega. Kinuwestiyon ng biyuda ni Ortega na si Patty ang isinagawang presscon ng magkapatid dahil ipinagbabawal sa batas ang pagsasagawa ng presscon ng mga suspek. Inirereklamo ni Patty Ortega ang Jail Warden ng …

Read More »

Carpio resign

HINDI lang dapat mag-inhibit si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa Senate Electoral Tribunal na dumidinig ngayon sa kaso ng citizenship ni Sen. Grace Poe, kundi dapat din si-yang magbitiw. Hinusgahan na ni Carpio ang kasong disqualification case laban kay Poe nang sabihin na ang senadora ay naturalized citizen at hindi natural born Filipino citizen. Nakalulungkot dahil halos nagsisimula …

Read More »

‘Jenny’ signal no. 1 sa Batanes

ITINAAS na ang Batanes group of islands sa signal number one habang lumalayo ang Bagyong “Jenny” sa bansa, ayon sa weather bureau PAGASA kahapon. Sinabi ni PAGASA weather forecaster Manny Mendoza, bahagyang lumakas ang bagyo, taglay ang lakas ng hangin na 160 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at pagbusong aabot sa 195 kph. Huling namataan ag bagyo sa …

Read More »

Tulak arestado, 29 sachet ng shabu kompiskado

LAOAG CITY – Nakompiska ng mga pulis sa lungsod ng Laoag ang 29 sachet ng shabu sa isinagawa nilang search operation sa isang bahay sa Brgy. 9 ng nasabing lungsod kamakalawa. Kinilala ang may-ari ng bahay at subject ng operasyon na si Warren Agpaoa, may asawa, at residente sa naturang barangay. Ayon kay Senior Insp. Danilo Pola ng PNP Laoag, …

Read More »

Tolentino may delicadeza pa ba?

KAMAKAILAN sa isang salo-salong pananghalian, namaalam na si Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino sa kanyang mga tauhan.  Bago ito, namaalam na rin siya sa Metro Manila mayors.  Iba’t ibang habilin din ang kanyang ibinigay sa kanila. Hindi naman lingid sa marami na gustong maging senador nitong si Tolentino, kaya nga imbes atupagin ang pagsasa-ayos ng trapiko sa Metro Manila …

Read More »