NAGING instant milyonaryo ang siyam civilian informants na tumanggap ng reward money kahapon. Hindi pinangalanan ng AFP ang siyam impormante na binigyan ng pabuyang salapi para na rin sa kanilang seguridad. Ayon kay AFP spokesperson Col. Restituto Padilla, ang P22.5 milyon ay paghahatian ng 9 tipsters. Ito ay reward sa pagkakadakip sa dalawang mataas na miyembro ng NPA, tatlong lider …
Read More »12 minero kulong sa illegal mining sa CamNorte
NAGA CITY – Swak sa kulungan ang 12 minero makaraang mahuli ng mga awtoridad sa illegal na pagmimina sa Brgy. Talobatib, Labo, Camarines Norte kamakalawa. Nadakip ang mga suspek sa inilatag na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Labo-PNP, Regional Intelligence Division at 49th Infantry Batallion Philippine Army. Nabatid na ilang concerned citizen ang nagbigay-alam sa pulisya kaugnay ng ginagawang …
Read More »2 karpintero ni Pacman tigbak sa bangga ng dump truck
GENERAL SANTOS CITY – Binawian ng buhay kamakalawa ng gabi sa pagamutan ang pangalawang biktima sa pagbangga ng traysikad sa isang dumptruck. Ito’y bunsod nang malaking sugat sa ulo ng biktimang si Sonny Alaba, 34-anyos. Kung maaalala, nabundol ng dumptruck ang traysikad na sinasakyan ng anim na panday o karpintero ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao, nang magkasalubong sa 4 lanes …
Read More »Bagong ebidensiya vs Poe isinumite sa Comelec
MARAMI pang mga ebidensya ang isinumite ng petitioners laban kay Sen. Grace Poe sa tanggapan ng Comelec kahapon. May kaugnayan ito sa disqualification case na inihain nina UE Law dean Amado Valdez at professor Antonio Contreras na kumukuwestyon sa citizenship ng senadora. Ayon kay Tatad, kabilang sa mga isinumite nilang dokumento ang ilang records na ginagamit mismo ng mambabatas sa …
Read More »China pumayag sa itatatag na Code of Conduct — PNoy
KOMBINSIDO si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tagumpay at mabunga ang kanyang huling pagdalo sa ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia. Magugunitang sa ASEAN meetings, itinodo ni Pangulong Aquino ang pagbatikos sa China habang kaharap ang Chinese Premier at inisa-isa ang pagpasok ng Chinese vessels sa karagatan ng Filipinas. Sa kanyang arrival statement kahapon ng madaling araw, sinabi ni …
Read More »Sex worker inutusan ng tomboy na makipag-sex sa taxi driver (Habang bini-video)
ILOILO CITY – Dinala sa police station ang isang tomboy makaraang ireklamo ng isang commercial sex worker dahil sa pagbabanta na siya ay papatayin. Una rito, humingi ng saklolo ang sex worker na kinilala sa pangalang Ashley makaraan siyang dalhin ng tomboy sa motel. Inakala ng sex worker na magtatalik sila ng tomboy ngunit pagdating sa motel, inutusan siya at …
Read More »Bigtime drug dealer tangkang tumakas, utas
TACLOBAN CITY- Patay sa mga awtoridad ang pinaniniwalaang drug dealer sa Calbayog City, Samar, makaraang tangkaing tumakas kamakalawa. Sa pinag-isang puwersa ng Calbayog City PNP at Samar Police Provincial Office, nadakip ang isa sa bigtime drug dealers sa Samar na si Ronaldo Magbutay, 33, sa kanyang bahay sa Purok 1, Brgy. Nihaga, Calbayog City. Sa nasabing operasyon ay narekober mula …
Read More »Kemikal tumagas sa QC factory, alingasaw umabot sa Pasig
UMALINGASAW ang paligid ng Brgy. Bagumbayan sa Quezon City dahil sa pagtagas ng kemikal mula sa isang pabrika nitong Linggo ng hapon. Nagmula ang alingasaw sa Chemrez Technologies, Inc. sa Calle Industria at umabot hanggang sa ilang lugar sa Pasig. Ayon kay Jill Osina, Corporate Pollution Control Officer ng Chemrez Technologies, Inc., “fumes” o asó ang nagdudulot ng masangsang na …
Read More »PNP-HPG nakatutok sa ‘Christmas rush’
MAKARAAN ang APEC leaders’ summit sa bansa, naghahanda na ang Highway Patrol Group (HPG) sa pagsisikip ng trapiko bunsod nang papalapit na Kapaskuhan. Ayon kay PNP-HPG director, Chief Supt. Arnold Gunnacao, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga isinasagawang roadworks sa Metro Manila. Dahil sa inaasahang …
Read More »Preso uminom ng asido, tigok
LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang preso makaraang uminom ng muriatic acid kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Julius Alabanza, 41, residente ng Brgy. San Nicolas Central sa bayan ng Agoo. Batay sa impormasyon mula sa municipal jail, nagpaalam si Alabanza sa mga jail guard na gagamit ng banyo ngunit pagkalabas ay bigla na lamang …
Read More »Delivery ng 2 US ships malabo na sa Aquino admin
AMINADO si Defense Secretary Voltaire Gazmin na malabong mai-deliver sa bansa ang dalawang US military ships na ipinangako ni US President Barrack Obama. Ito ay dahil sa napakahabang proseso. Sinabi ni Gazmin, ang actual transfer ng isang Maritime research vessel at isang cutter na ido-donate ng US government ay aabot nang higit isang taon. Sa Hunyo 30, isasalin na …
Read More »Lim ibabalik boto mahigpit na babantayan – BOFWO
NAGPAHAYAG ng suporta ang mga miyembro ng Bangsamoro Overseas Filipino Workers’ Organization (BOFWO) sa Maynila gayon din ang kanilang mga pamilya para sa kandidatura ng nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim, kasabay ng paniniyak na kanilang babantayan nang husto ang kanilang mga boto. Sa ginanap na fifth anniversary ng nasabing organisasyon sa Baseco Evacuation Center sa Baseco, sinabi …
Read More »Kulelat pa rin si Mar sa survey
SA PINAKAHULING survey ng Pulse Asia, muling pumangalawa si Vice President Jojo Binay kay Sen. Grace Poe at kulelat na naman ang mahinang kandidato ng Liberal Party (LP) na si Mar Roxas. Sa survey na isinagawa noong Oct. 18 hanggang 29, nakapagtala si Binay ng 24 percent mula sa dating 19 percent na nakuha nito. Samantalang si Roxas, nakakuha ng …
Read More »11 sugatan sa 3 grenade blast sa S. Kudarat
KORONADAL CITY- Umaabot sa 11 ang sugatan makaraang sumabog ang dalawa sa tatlong granadang inihagis dakong 8:20 p.m. kamakalawa malapit sa provincial kapitol ng Sultan Kudarat habang nagdaraos ng concert kasabay ng selebrasyon ng Kalimudan Festival. Kinilala ang mga sugatan na sina Abix Mamansuan Sandigan, 33; Regine Simsim, 40; Darius John Padilla, 6; Jasper Linda, 11, Baltazar Linda, 49; Cenilia …
Read More »Brgy. Chairman, 2 pa sinibak ng Ombudsman
CAGAYAN DE ORO CITY – Iniutos ng Office of the Ombudsman kay City Mayor Oscar Moreno na ipatupad ang ‘dismissal order’ laban sa barangay kapitan at dalawa pang trabahante sa Brgy. Macasandig, Cagayan de Oro City. Ito ay makaraang makitaan ng probable cause ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales upang masibak mula sa kanilang trabaho si Macasandig Barangay Chairan Ernesto Edrote dahil …
Read More »Naperhuwisyo sa APEC handang harapin ng Palasyo
NAKAHANDA ang Malacañang na makipagdiyalogo sa stakeholders na nagrereklamong naapektohan at naperhuwisyo nang matinding trapik dahil sa pagdaraos ng katatapos na APEC Leaders’ Summit. Kahit tapos na ang APEC summit ay patuloy pa rin ang reklamo ng mga naabalang mga empleyado sa pribadong sektor. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kinikilala nila ang pagkakaiba ng pananaw ng gobyerno at ng ibang …
Read More »Duterte tuloy sa 2016
TULOY na sa kanyang presidential bid si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sa kanyang mensahe sa isang birthday party, nabanggit niya na handa na siyang kumandidato bilang pangulo ng bansa. “My candidacy for the presidency is now on the table,” wika ni Duterte. Nabatid na umabot sa 30 minuto ang talumpati ng alkalde. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ang …
Read More »1 patay, 8 sugatan sa sagupaan sa Maguindanao
COTABATO CITY – Maraming mga sibilyan ang nagsilikas nang sumiklab ang sagupaan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at militar sa probinsiya ng Maguindanao kamakalawa. Ayon sa ulat ng pulisya, hinarang ng MNLF sa pamumuno ni Kumander Kamlon, ang proyekto ng isang private company sa Brgy. Bungabong, Sultan Mastura, Maguindanao. Agad nagresponde ang mga sundalo para magbigay ng seguridad ngunit …
Read More »China at Russia vs Obama sa APEC CEO Summit
NAGSIMULA nang magkampihan ang China at Russia laban sa Amerika. Ito’y may kaugnayan sa mga nilulutong kasunduang pangkalakalan sa Asia-Pacific region. Sa APEC CEO Summit, pinasaringan nina Chinese President Xi Jinping at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev ang Trans-Pacific Partnership (TPP) na isinusulong ng Amerika at 11 pang bansa sa Pasipiko. Ayon kay Xi, posible itong magresulta sa hindi pagkakaintindihan …
Read More »Filipino hospitality ipinadama ni PNoy sa APEC leaders
IPINADAMA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa APEC leaders kung paano tumanggap ng bisita ang mga Filipino. Sa kanyang talumpati bago ang welcome dinner kamakalawa ng gabi, binigyang-diin ni Pangulong Aquino ang kahalagahan ng ganitong salo-salo sa mga seryosong okasyon tulad ng APEC. Pagkakataon aniya ito para buhayin o pasiglahin ang dating pagkakaibigan at makahanap ng bagong kaibigan. Para …
Read More »Barong Tagalog ok sa int’l critics
APRUB sa panlasa ng international observers ang Barong Tagalog na ipinasuot sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders kamakalawa, sa welcome dinner na ibinigay ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Tuwing APEC ay inaabangan ang pagsusuot ng mga lider ng tradisyonal na kasuotan ng mga host country dahil isa ito sa tinaguriang “worst-dressed parade” at kadalasan ay lumalabas na katawa-tawa ang …
Read More »Militanteng kabataan, mga pulis nagsalpukan
NABALOT ng tensiyon ang protesta sa Liwasang Bonifacio nang tangkain ng mga kabataang makalusot sa barikada ng mga pulis, Huwebes ng umaga. Habang nagsasagawa ng programa, may isang grupo ng kabataang lumapit sa barikada ng mga pulis at agad nang sumugod ang iba pa nilang mga kasama. Nauwi sa balyahan at pukpukan ang pagtatagpo ng dalawang hanay. Nagawang paatrasin ng …
Read More »Modernong lutong Pinoy inihain
LASANG Filipino na may kakaibang presentasyon ang ipinakain sa world leaders sa isinagawang welcome reception kamakalawa sa APEC economic leaders. Ibinida ng Filipino restaurant owners na si Glenda Barretto at Gaita Flores ang kanilang inihandang pagkain gaya ng mga pagkaing Filipino na Adobo, Tinola, kesong puti, itlog na maalat. Inihalimbawa rito ang isang maja blanca na may kakaibang presentasyon na …
Read More »Si Sen. Nancy Binay, booo…
NASAAN ang kahihiyan nitong si Sen. Nancy Binay? Sa anim kasing senador na miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET), tanging si Binay lang ang hindi sumuporta kay Sen. Grace Poe sa disqualification case na isinampa ng talunang senatorial candidate noong 2013 na si Rizalito David. Sina Sen. Loren Legarda, Sen. Tito Sotto, Sen. Bam Aquino, Sen. Cynthia Vilar at Sen. …
Read More »APEC hottie Trudeau ng Canada dinumog sa Sofitel Hotel (Sa Bilateral talks kay PNoy)
MISTULANG hinampas ng hanging Habagat ang mga tao nang dumating si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa Sofitel Hotel kamakalawa ng gabi para sa bilateral talks nila ni Pangulong Benigno Aquino III. Natigalgal ang lahat, lalo ang kababaihan at nagkandarapa sa pagkuha ng larawan habang naglakad sa harap nila ang guwapo at matipunong si Trudeau na nakangiting binati ang lahat …
Read More »