SA GITNA ng pagbaba ng presyo ng gasolina, iginiit ng liderato ng Kamara na ibababa nila ang excise tax sa mga produktong petrolyo. Ayon kay House Deputy Majority Leader at Quezon City 4th District Rep. Jesus “Bong” Suntay, nais ng Kamara na mabigyan ng ginhawa ang sambayanang Filipino mula sa hirap dulot ng CoVid-19 at pagtaas ng presyong petrolyo. “Our …
Read More »Duterte, Pacquiao bati na
NAGKABATI na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao matapos ang ilang panahong iringan sa loob ng administration party, PDP-Laban. Tinawag na ‘renewal of friendship’ ang naging pulong ng dalawa na naganap sa Palasyo kamakalawa ng gabi. “We confirm that Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao met President Rodrigo Roa Duterte last night, November 9. It was a short and …
Read More »Presidente target ni Sara — Salceda
SA GITNA ng malawak na haka-haka kung tatakbo si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio sa pambansang posisyon, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, walang ibang susungkitin ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang pagkapresidente. Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Salceda na walang option si Sara kung hindi ang pagtakbo bilang presidente. Sinabi ni Salceda, madalas silang mag-usap ni Sara …
Read More »Ratipikasyon ng P5-T budget at suspensiyon ng buwis sa gas prayoridad ng Kamara
SA PAGBUKAS ng sesyon ng Kamara ngayong araw, Lunes, nakaambang iratipika ng mga mambabatas ang pambansang budget na umabot sa higit P5-trilyon. Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na isang prayoridad ang pagtalakay sa panukalang suspendehin ang pagpataw ng excise taxes sa produktong petrolyo. “Our commitment is to ensure that the budget bill, which is focused on getting the Philippines …
Read More »Pagpatay sa Davao journalist kinondena
KINONDENA ni ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran ang pagpatay sa isang mamamahayag sa Davao del Sur. Ayon sa House Assistant Majority Leader, nararapat ang mas malalim na imbestigasyon at mabilis na aksiyon sa pagpatay kay Orlando “Dondon” Dinoy na binaril ng isang tao na pumasok sa kanyang inuupahang bahay. Kaugnay nito, nanawagan si Taduran, dating miyembro ng media, na …
Read More »
Sa Kamara
Pagbabawal sa substitution ng kandidato isinulong
INIHAIN ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang dalawang panukalang naglalayong ipagbawal ang pagpapalit ng mga kandidato pagkatapos maisumite ang certificates of candidacy (COC). Kasama rin sa inihain ni Rodriguez ang panukalang ideklara ang isang nakaupong opisyal bilang nagbitiw sa tungkulin matapos magsumite ng COC para sa isang posisyon. “These twin measures aim to put …
Read More »Pagbuwag sa PS-DBM iginiit ng Solon
IPINABUBUWAG ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang kontrobersiyal na Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM). Ayon kay Rodriguez nababalot sa katiwalian ang ahensiya na binuo noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kasama sa Bill No. 10222 ang mandato para sa national government agencies, at state-owned or controlled corporations, kolehiyo at …
Read More »‘Epal’ ng OCTA kinuwestiyon ng House leaders
NANINDIGAN ang mga lider ng Kamara na ibubunyag nila ang mga tao sa likod ng OCTA Research na sumikat sa paglalabas ng umano’y nalalaman nila patungkol sa pandemyang CoVid-19. Ayon kay House Deputy Speaker at BUHAY Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza, Jr., may “continuing effort” na itago ang mga tunay na tao sa likod nito habang patuloy ang paglalabas ng …
Read More »Casino sa Bora itigil — Abante (Beaches, not baccarat, peace and tranquility; not poker tournaments)
UMAPELA si Deputy Speaker at Manila Rep. Bienvenido Abante kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag payagan ang paglalagay ng mga casino sa isla ng Boracay, sa Kalibo, Aklan. Habang naghahanda ang mga developer sa pagtatayo ng mga casino, sinabi ni Abante sa pangulo na dapat protektahan ang magandang isla ng Boracay. Sa liham na tinangap ng Malacañang noong 3 Setyembre, …
Read More »‘Bakuna bubble’ sa malls pinalagan ng Solon
PUMALAG ang chairman ng House Committee on Constitutional Amendments sa mungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI), ng Department of Labor and Employment (DOLE), at ng mga dambuhalang negosyante na ibukas ang mga mall at iba pang negosyo para sa mga bakunado lamang. Ayon kay Ako Bicol Rep. Afredo Garbin, Jr., hindi makatarungan ang ganoong klaseng mungkahi dahil iilan …
Read More »Aplikasyon sa pagbili ng bakuna ng LGUs at pribadong sektor nakabinbin sa NTF
INUPUAN, umano, ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force Against CoVid-19 ang halos 300 aplikasyon ng mga lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagbili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado at constituents. Ayon kay AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin, matagal nang naisumite ng mga LGU at pribadong kompanya ang tinatawag na Multi-party Agreements (MPAs) sa …
Read More »Pacman kampeon pa rin sa Pinoy
SA GITNA ng pagkatalo ni Sen. Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas sa Las Vegas, Nevada kahapon, umani pa rin ng papuri ang “pambansang kamao” mula sa mga mambabatas sa Kamara. Sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco, sinabi ng mga kongresista na nananatiling “national pride” si Pacman. “Senator Manny Pacquiao has nothing left to prove in the boxing ring. He …
Read More »
Panawagan sa LGUs:
PAGBABAKUNA AYUSIN MAIGI
NANAWAGAN si ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran sa mga local government units na ayusin ang kanilang vaccination procedure sa harap ng pagsugod ng mga tao sa vaccination sites kahit walang schedule ang mga ito. Nababahala ang House Asst. Majority Leader sa nababalitaan nyang pagkakagulo ng mga tao sa vaccination sites. “Ang mga LGUs ang lumilikha ng super spreaders dahil …
Read More »Pagpatay sa Muslim trader sa Nueva Ecija kinondena
KINONDENA ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pag patay sa isang babaeng Muslim trader sa Nueva Ecija. Ayon kay Hataman dinukot ang babae ng mga pulis at sinunog ang katawan nito para pagtakpan at mawala ang ebidensya sa karumadumal na krimen. Nanawagan si Hataman kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na paimbestigahan ang pagdukot, pagpatay at pagsunod …
Read More »Bawiin ang prankisa ng Maynilad at Manila Water — Deputy speaker
NANAWAGAN si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa liderato ng Kamara de Representantes na bawiin ang prangkisa ng dalawang dambuhalang kumpanya na may konsesyon sa tubig sa Metro Manila. Ayon kay Rodriguez madami sa mga kongresista ang nawalan ng pagkakataon na busisiin ang 25-taong prangkisa ng dalawang kumpanya. “As a deputy speaker, I am ex-officio member of all committees. I never …
Read More »Modernong kulungan, solusyon sa hawaan ng CoVid-19 sa piitan
NAIS ni Deputy Speaker at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na pondohan ang konstruksiyon ng modernong kulungan sa bansa upang solusyonan ang napakasikip na mga bilangguan at pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease-19 (CoVid-19), partikular ang Delta variant. Sinabi ni Gonzales, beteranong kongresista, mahalagang mapabuti ang kalagayan ng persons deprived of liberty (PDLs) o mga bilanggo sa buong …
Read More »Kongreso nakiramay sa mga naulila (Sa bumagsak na PAF C-13)
NAKIRAMAY ang mga kongresista sa mga namatayan sa pagbagsak ng Philippine Air Force C-130 habang nangakong pagagandahin ang mga eroplano ng PAF. “There are simply no words that can be said to console those left behind by our brave military personnel, as well as the three civilians who died as a result of this disaster,” ani Velasco. Ayon …
Read More »Online registration sa Comelec iginiit ng Solon
IGINIIT ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na baguhin ng Commission on Elections (Comelec) ang patakaran sa pagpaparehistro ng mga botante sa susunod na eleksiyon at gawing online. Ayon kay Rodriduez maaari rin itong gawin sa filing ng certificates of candidacy ng mga kandidato sa Oktubre 2021. “Let us allow the youth who are already …
Read More »Bumaboy sa DepEd module dapat panagutin – Solon
DAPAT managot ang (mga) may kagagawan o nasa likod, ayon kay Probinsyano Ako Rep. Jose Singson, Jr., chairman ng House committee on public accounts, ng mga module na naglalaman ng salitang bulgar at mali ang depinisyon sa pagkakasulat na ipinamigay sa Mabacalat, Pampanga. “The Mabalacat learning module that contained vulgarity is very alarming. While DepEd officials boasted that they …
Read More »Mas mataas na pensiyon para sa senior citizens aprobado sa Kamara
INAPROBAHAN ng Kamara sa pangalawang pagdinig ang panukalang batas na itaas ang buwanang pensiyon ng senior citizens. Mula sa kasalukuyang P500 gagawing P1000 ang pensiyon ng seniors. Layunin ng House Bill 9459 na amyendahan ang Republic Act 7432, na nagbibigay benepisyo sa senior citizens. Bukod sa pagtaas ng pensiyon, layunin din ng panukala na bigyan ng mandato …
Read More »Leonen ‘yayariin’ ng 100 kongresista
KAILANGAN ang pirma ng 100 kongresista bago ma- impeach si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen. “It just goes up directly to the Senate. Just a one-third of our House members and our hearings here will be mooted. These are our rules, and the committee on justice will no longer have jurisdiction over the case,” ayon kay House Deputy …
Read More »‘Unnecessary delay’ sa pag-apruba ng generic drugs nakababahala – deputy speaker
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si House Deputy Speaker Bernadette Herrera sa animo’y ‘unnecessary delay’ sa pag-apruba ng first-time generic medicines para sa chronic diseases kagaya ng diabetes at hypertension. Ani Herrera, isang uri ng pagkakait sa mga taong nangangailangan ng “affordable life-saving drugs.” [;= Tinawag ni Herrera ang pansin ng Food and Drug Administration (FDA) sa mabagal na aksiyon nito …
Read More »COVID-19 protection law isinulong
ISINULONG ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang pagkakaroon ng batas para maprotektahan ang mga tao na nagpabakuna ng CoVid–19. Ani Barzaga ang batas ay para sa proteksiyon ng mga nabakuhan laban sa mga ayaw magpabakuna. Aniya, nakasaad sa General Welfare clause na ang Estado ay inaatasang gumawa ng panuntunan at mga regulasyon upang maprotektahan ang buhay ng karamihan. “A person …
Read More »Taripa sa baboy ‘todo-bagsak’ Pinoy na magbababoy lagapak
TUTOL si Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat sa pagbaba ng taripa ng karneng baboy. Aniya, papatayin nito ang mga Pinoy na magbababoy. Ani Cabatbat, babaha ang merkado ng imported na baboy matapos pirmahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 128 na nagbababa ng taripa sa importasyon ng karneng baboy. Mula sa dating 30%-40% taripa ay ibinaba ito …
Read More »Madalas na patrolya sa WPS ng US FON ops hadlang sa dayuhang intsik — Solon
NANAWAGAN ang isang mataas na opisyal ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamahalaang Joe Biden na dalasan ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea para hadlangan ang paglusob ng mga barkong pangisda ng Tsina. Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, ang madalas na freedom of navigation (FON) operations ng Estados Unidos sa South China Sea at sa West Philippine Sea ay …
Read More »