Ang pagkatig o pagkampi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, at iba pang pagkilos na pumapabor dito ay impeachable offenses ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU). Ayon sa grupo na sumama sa kilos protesta sa Chinese Embassy kahapon, Araw ng Kagitingan, sinabi nilang nakikipagsabwatan umano si Duterte sa Tsina. “The infamous Duterte-China loan agreements are deliberately designed to favor Chinese …
Read More »PH daragsain ng celsite towers
TIYAK na darami pa ang celsite tower sa bansa matapos payagan ng House committee on information, communications and technology na papasukin ang 19 investors sa pagpapatayo ng “common tower” para sa telcos. Hindi pumayag ang mga miyembro ng komite na dalawang kompanya lamang ang magpapatayo ng mga tower ayon kay Presidential Adviser on Economic Affairs na si Secretary Ramon Jacinto. …
Read More »320,000 TESDA scholars hindi makapagtatapos sa budget cut ng Senado
POSIBLENG hindi makapagtapos ng pag-aaral ang 320,000 scholars ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) matapos bawasan ng Senado ng P3 bilyon ang pondo nito. Apektado rin umano, ang mga nasa drug rehabilitation centers at rebel returnees dahil sa nasabing pagbabawas. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., pinuno ng House committee on appropriations, tinanggal ng Senado ang …
Read More »Utang ng PH sa China ipinabubusisi
IPINABUBUSISI ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang mga utang ng bansa sa China. Ayon kay Alejano dapat magkaroon ng oversight committee on debt management na titingin sa mga nakabibigat na utang na pinasok ng gobyernong Duterte sa China. “While we recognize the power given to the President when it comes to incurring loans meant to spur growth and promote equity …
Read More »Memo ni Duterte sinisi ng RMP sa pagpatay sa 14 magsasaka
SINISI ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP), ang Memorandum Circular No. 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte na ugat ng pagpaslang sa 14 magsasaka sa Negros Oriental nitong 30 Marso. Giit ng RMP, isang organisasyon ng mga layko, pari at madre, ang pagpatay sa 14 magsasaka ay bunsod ng Memorandum Circular No. 32 ni Duterte at anila’y nagbigay-daan sa matinding militarisasyon …
Read More »‘Masaker’ sa 14 magsasaka imbestigahan — ACT Teachers
KINONDENA nina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro ang pinaniniwalaan nilang masaker ng militar at pulisya sa 14 magsasaka sa Canlaon City, Negros Oriental nitong Sabado, 30 Marso. Bukod sa mga napaslang, sinabing 12 iba pa ang inaresto at isa ang nawawala matapos ang operasyon ng pulis at militar laban sa mga namumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas …
Read More »Isyung isinawalat ni Acierto harapin — Alejano
HINIMOK ni Magdalo Rep. Gary Alejano na harapin ang isyung isiniwalat ng dating opisyal ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group na si Eduardo Acierto imbes atakehin at ibintang sa oposisyon. Ayon kay Alejano, libo-libo na ang namatay sa war on drugs ng pangulo at dapat nang maimbestigahan. “Address the issue head on instead of brushing it aside and …
Read More »Paratang ni Acierto dapat imbestigahan
NANAWAGAN kahapon si Magdalo Rep. Gary Alejano na paimbestigahan ang mga alegasyon ni Eduardo Acierto laban sa Pangulong Rodrigo Duterte. Seryoso aniya ang alegasyon at dapat lamang na maimbestigahan. Si Acierto ay isang mataas na opisyal ng PNP Drug Enforcement Group. “I call on relevant local authorities and international institutions to look into this matter. This issue should not be …
Read More »Digong sapaw ni Sara sa pagpili ng speaker sa Kamara
MASASAPAWAN ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang ama sa pagpili kung sino ang magiging speaker ng Kamara sa susunod ng Kongreso. Ayon kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza malaki ang impact ng endorsement ni Sara kompara kay Digong. Si Sara ang nagmaniobra ng pagkakatanggal kay dating Speaker Pantaleon Alvarez matapos makasagutan ang mayor. “Malaki ang impact ng endorsement …
Read More »2018 budget irerekomendang gayahin sa 2019
INIREKOMENDA ng hepe ng House committee on appropriations kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-reenact ang budget sa 2019 kung hindi talaga malulutas ang hidwaan sa dalawang sangay ng kongreso. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., nangangarap siya na sumangayon ang Senado sa niratipikang budget para mapirmahan na. Ani Andaya, siya, si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora …
Read More »Ilan sa senators sagabal sa pag-apruba sa budget
ILAN lamang sa mga senador ang nakaaantala para maaprobahan ang panukalang budget para sa 2019. Ayon kay House minority leader Danilo Suarez ng Quezon, gusto ng karamihan ng mga senador kasama si Senate committee on finance chairperson Loren Legarda na i-submit na kay Pangulong Duterte ang bagong National Expenditure Program ngunit ayaw ni Sotto. Sa panayam sa media kahapon, sinabi …
Read More »2019 budget baka maging unconstitutional (Hindi kami papayag — GMA)
SA KABILA ng kumalat na balita na ibabalik ng Senado ang panukalang batas sa Kamara dahil sa umano’y, ‘pagkalikot’ dito, sinabi ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na iniratipika na ito sangayon sa Saligang Batas. Ani Arroyo, wala itong lump sum funds na ipinagbawal ng Korte Soprema. “What we can say is that the process that we followed was constitutional. …
Read More »Manila Water dapat magbigay ng rebate — Solon
PINAGBABAYAD ng rebate ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gonzales ang Manila Water sa pagkabigong magbigay ng tubig sa kanilang concessions areas. Ayon kay Gonzales nakaranas ng putol na serbisyo ng tubig ang ilan sa mga lugar sa Mandaluyong mula noong 7 Marso 2019. “Mandaluyong City was made to endure the catastrophe and the disaster of this water crisis. It has …
Read More »Manila Water ipinatawag ng Kamara
IPINATAWAG ng Kamara ang mga opisyal ng Manila Water at iba pang may kinalaman sa pagkawala ng tubig sa ilang parte ng Metro Manila sa isang joint-hearing ng komite ng Metro Manila Development at ng Housing and Urban Development na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez. Si Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo, hepe ng komite ng Metro Manila …
Read More »Sports coliseum sa QC Memorial Circle sinopla
TINUTULAN ng chairperson ng Metro Manila Development Committee sa Kongreso ang plano ni Quezon City Congressman Vincent Crisologo na magtayo ng coliseum sa Quezon Memorial Circle (QMC) dahil sa pinsalang maaaring idulot nito sa QMC bilang monumento at liwasan. Ayon kay Rep. Winnie Castelo, hepe ng nasabing komite, hindi magiging angkop ang isang malaking estruktura tulad ng coliseum sa QMC. …
Read More »Budget hostage ni Lacson — Solon
BINATIKOS ng isang kongresista si Sen. Panfilo Lacson kahapon dahil sa umano’y pag-hostage sa panukalang 2019 national budget. Ayon kay Rep. Anthony Bravo ng party-list na COOPnatco, may personal na galit si Lacson kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaya niya iyon ginagawa. “Ngayon, pinaka-latest ho ngayon, the way I look at it, in my own assessment, Sen. Ping Lacson …
Read More »Bangayan sa budget lalong umiinit
LALONG uminit ang bangayan ng Senado at Kamara kahapon patungkol sa maanomalyang 2019 budget nang hamunin ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya ang mga Senador sa isang joint press conference para himayin nila ang budget ng bawat proyekto. Ani Andaya, ang paglalathala ng budget sa harap ng media ay magpapatotoo kung sino sa dalawang sangay ng lehislatura ang nagsasabi ng …
Read More »Andaya umatras na kay Diokno
UMATRAS na si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, chairman ng House committee on appropriations, sa pag-iimbestiga kay dating Budget Secretary Benjamin Diokno matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Umasa na lamang si Andaya na mauungkat pa ang mga isyung katiwalian laban kay Diokno sa pagharap niya sa Commission on Appointments kung saan mahaharap si …
Read More »PPA pinatitigil sa pagsingil sa weighbridge
NANAWAGAN si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine Ports Authority (PPA) kahapon na tumigil na sa pagsingil sa weighbridge fees para makabawas sa presyo ng mga bilihin. Ani Arroyo, malaking kabawasan sa presyo ng mga gulay, bigas, isda at iba pang bilihin kung ititigil ng PPA ang paniningil sa mga truck na nagkakarga nito sa barko. Ginawa ng Speaker ang …
Read More »Dahil sa delay na nat’l budget… 9-M aso walang bakuna —Suarez
NAGBABALA si House minority leader Danilo Suarez kahapon sa dumaraming aso na walang bakuna. Ayon kay Suarez umaabot na sa 9 milyon ang aso sa bansa at 10 porsiyento lamang dito ang may bakuna. Sa kabila nito, sinabi rin ni Suarez na walang anti-rabies vaccine ang mga ospital ng gobyerno sakaling makagat ng dumaraming asong walang bakuna. “May nakagat ng …
Read More »Narco-list ng politicians isasapubliko inangalan
ANG paglalabas ng listahan ng narco-politicians ay labag sa karapatang pantao at paraan ng panlalamang ng gobyernong Duterte sa nga kalaban sa politika. Ayon kay Akbayan Rep. Rep Tom Villarin, ang listahan ay isang “virtual death warrant” para hiyain ang politiko at kanyang pamilya sa publiko. Ani Villarin, magiging target rin ito ng mga death squad habang ang mga kaalyado …
Read More »75 barangay sa Dasmariñas City nakatangap ng patrol cars
TUMANGGAP ng mga patrol car ang 75 barangay sa Dasmariñas City mula kay Rep. Jenny Barzaga at kay Mayor Elpidio F. Barzaga, Jr., kahapon. Ayon kay Cong. Barzaga kailangan ng mga barangay ang patrol cars, na may nakakabit na CCTV, para sa kaligtasan ng mga tao at para sugpuin ang kriminalidad na bumaba sa halos 50%. Kasama sa mga ibinigay kahapon …
Read More »‘Drug war’ ni Digong bigo — solon (Sa pagpasok ng bulto-bultong cocaine)
ANG pagbagsak ng bulto-bultong cocaine at iba pang uri ng illegal na droga sa bansa ay isang malinaw na indikasyon na bigo ang Pangulong Duterte sa kanyang madugong “war on drugs.” Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ‘yung mga nahuling “cocaine bricks” sa karagatan ng bansa ay isang babala sa mas malaking shipment ng droga. “The recent seizures of cocaine …
Read More »Pagkatapos ng 3 dekada… Mala-diktadurang pamamahala muling nabuhay
NAGPAHAYAG ng pagkalungkot ang mga miyembro ng oposisyon kahapon sa ika-33 anibersaryo ng People’s Power Revolution. Anila bumalik ang mala-diktadurang pamamalakad na isinuka ng sambayanang Filipino sa ilalim ng gobyernong Marcos. “Tatlong dekada na ang nakalilipas ngunit nasasaksihan pa rin natin ang mala-diktadurang pamamahala sa gobyerno. Kaliwa’t kanan ang paglabag sa karapatang pantao — pagpapatahimik sa mga kritiko ng administrasyon, …
Read More »NYC chief sibakin — NUSP
UMALMA ang National Union of Students of the Philippines sa pahayag ni Ronald Cardema ng National Youth Commission (NYC) na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng sumasali sa mga kilos protesta laban sa pamahalaan. Ayon sa NUSP, walang karapatan si Cardema na supilin ang mga estudyanteng nagpoprotesta laban sa maling patakaran ng administrasyon, malawakang paglabag sa karapatang pantao at ang …
Read More »