ARESTADO ang isang 39-anyos lalaki, kilala sa alyas na ‘Tulok’ na pinaniniwalaang talamak sa pagtutulak ng droga, sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), noong Sabado ng gabi, 29 Agosto, sa lungsod ng Marikina. Kinilala ni P/Col. Restituto Arcangel, hepe ng Marikina police, ang nadakip na suspek na si Rolando Turalba, Jr., alyas …
Read More »Graphic artist, Grab driver arestado sa pekeng dokyu
ISANG graphic artist at isang Grab driver ang dinakip ng pulisya dahil sa pamemeke ng health certificate at travel pass sa ikinasang entrapment operation ng San Juan PNP noong Sabado ng hapon, 22 Agosto. Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan police, ang mga nadakip na sina Angelito Benipayo, 42 anyos, isang graphic artist; at Laverne Esquivias, 32 …
Read More »2 itinurong ‘tulak’ timbog sa droga (Sa Montalban)
ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug pusher at nakuha sa kanila ang 25 transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa buy bust operation na ikinasa ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon, 17 Agosto, sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal. Kinilala ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Joseph Arguelles ang mga nadakip na suspek na sina Alexander Rañada, alyas …
Read More »Doktor timbog sa cainta (Inakusahang nanghipo ng dalaga)
ARESTADO sa mga operatiba ng Pasig PNP ang isang 41-anyos doktor na sinabing wanted sa kasong panghihipo noong isang taon, sa bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 16 Agosto. Kinilala ni P/Col. Moises Villaceran, hepe ng Pasig police, ang nadakip na kinilalang si Dr. Ian Raymond Antonio, medical doctor, nakatira sa Green Park, Barangay San Isidro, ng nabanggit …
Read More »Pasaway sa Marikina binalaan ni Teodoro (Pulis, barangay chairmen mananagot)
NAGBABALA si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa ilang barangay chairman dahil sa paglabag sa quarantine protocols. Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kaugnay ng panayam sa radyo hinggil sa mga ulat na nagkakaroon ng mass gathering gaya ng inuman at videoke sa ilang barangay sa Marikina City, kabilang sa Fortune, Parang, at Marikina Heights. “Bawal ‘yan. Hindi dapat mangyari… …
Read More »COVID-19 positive sa Montalban umakyat sa 71
LOMOBO sa 71 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa anim na barangay sa bayan ng Montalban, sa lalawigan ng Rizal. Ayon sa datos ng local health office, 32 sa Barangay San Jose, 20 sa Barangay San Isidro, lima sa Barangay San Rafael, siyam sa Barangay Burgos, tatlo sa Barangay Manggahan, at dalawa sa Barangay Balite ang positibo sa naturang …
Read More »379 COVID-19 positive sa Marikina 181 gumaling na, 31 naitalang patay
TUMAAS sa 379 ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 habang nananatili sa 31 ang pumanaw dahil sa pandemya at 181 ang nakarekober sa lungsod ng Marikina. Ayon sa Public Information Office (PIO), 11 ang nadagdag sa tinamaan ng coronavirus disease kaya umakyat sa 379 sa huling tala nitong nakalipas na Biyernes ng hapon, 3 Hulyo, na umabot sa …
Read More »Tulak nasakote sa .6-kilo ‘damo’
TIMBOG ang isang 23-anyos lalaki nang masamsam mula sa kaniya ang tinatayang 604 gramong pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pinagsanib na puwersa ng Montalban PNP at PDEA sa bayan ng Rodriguez, sa lalawigan ng Rizal. Kinilala ni P/Capt. Renato Torres, deputy chief of police ng Montalban PNP, ang nadakip na suspek na si John …
Read More »8 adik nag-pot session sa footbridge timbog (Sa Mandaluyong)
KALABOSO ang walong katao nang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang footbridge sa Shaw Boulevard, Barangay Highway Hills, sa lungsod ng Mandaluyong noong Huwebes ng gabi, 25 Hunyo. Kinilala ang mga suspek na sina Allan Garcia, 39 anyos; Rowell Santos, 33 anyos; John Carlo Ocampo, 34; Ryan Mendoza, 30 anyos; Lester Caalim, 28; Andrew Aday; Jose Panganiban, 21 …
Read More »Sa Marikina City… P3-M droga nasamsam, HVT timbog sa drug ops
ARESTADO ang 33-anyos lalaking pinaniniwalaang high value target (HVT) sa anti-drug operation sa lungsod ng Marikina, nitong Martes ng gabi, 23 Hunyo. Kinilala ng Marikina PNP ang suspek na si Abbas Darimbang Dimasowa, 33 anyos, residente sa Barangay Calumpang sa lungsod. Dinakip ang suspek nang bentahan niya ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa SM Marikina …
Read More »2 paslit, 1 pa patay sa sunog (Pabrika ng plastik sa Antipolo natupok)
PATAY sa sunog ang dalawang batang may edad tatlo at pitong taong gulang, at isang 38-anyos makaraang magliyab ang isang pabrika ng plastik kamakalawa ng hapon, 17 Hunyo sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Sa ulat ng Antipolo City Fire Department, kinilala ang mga namatay sa sunog na sina Jade Cambronero, 3-anyos; Cyrus Andrei Geronimo, 7-anyos; at Jenny Tabon, …
Read More »Task Force sa ambush ng Teresa mayor binuo
BINUO ng Rizal PNP ang isang special investigation task group upang tugisin ang tatlong suspek sa pananambang kay Teresa Mayor Raul Palino na dating pinangalanang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Renato Alba, ligtas si Palino ngunit sugatan ang driver niyang si Joel Balajadia, …
Read More »COVID-19 sa Antipolo umabot sa 194 kaso
UMAKYAT sa 194 kaso ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, na anim sa walong bagong kaso ay nagtatrabaho sa Metro Manila. Base sa datos ng Antipolo city government, dahil sa walong nadagdag na bagong kaso kaya umabot sa 194 ang kompirmadong tinamaan ng COVID-19 sa lungsod. Samantala, 133 ang naitalang gumaling …
Read More »Lolo at lola prayoridad sa Montalban (Sa gitna ng pandemya)
TINIYAK ni Montalban Mayor Tom Hernandez na prayoridad sa kaniyang programa ang mga senior citizen lalo ngayong may krisis na kinahaharap ang bansa dulot ng pandemyang COVID-19 sa ilalim ng MSWD ng LGU. Aniya, ang mga senior citizen ay nakatatanggap ng monthly financial assistance sa ilalim ng MSWD-Senior Citizen Office, tulad ng pangkabuhayan, medical at health support mula sa lokal …
Read More »4 adik sa Mandaluyong timbog sa pot session (GCQ binalewala)
ARESTADO ang apat kataong huli sa aktong sumisinghot ng ilegal na droga sa isang pot session kahapon ng madaling araw, 14 Hunyo, sa lungsod ng Mandaluyong. Kinilala ng Mandaluyong PNP ang apat na nadakip na sina Carlos Roberto, 52 anyos; Reynald Circulado, 26 anyos; Roel Jingco, 53 anyos; at Irish Capapas, 43; pawang mga residente sa Coronado St., Barangay Hulo, …
Read More »COVID-19 lomobo sa Marikina positibong kaso 224 na
UMAKYAT sa 224 ang tinamaan ng coronavirus disease (COVOD-19) sa lungsod ng Marikina batay sa huling tala ng local health department. Ayon sa datos na inilabas ng Marikina Public Information Office dakong 3:00 pm noong Biyernes, 5 Hunyo, pumalo sa 224 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 ngunit nanatili sa 25 ang mga binawian ng buhay. Ikinatuwa ni Marikina …
Read More »P15 pasahe kasado sa San Juan (Sa muling pagbiyahe ng tricycle)
BALIK-BIYAHE ang mga tricycle sa pasaheng P15 kada isang pasahero simula kahapon, 28 Mayo, sa lungsod ng San Juan. Tiniyak ito ni San Juan City Mayor Francis Zamora at kailangang isa lamang ang sakay kada biyahe. Bawal din umano ang back rider o pasahero sa likod ng driver. Ani Zamora, naglatag ng panuntunan ang pamahalaang lungsod upang …
Read More »69 naitalang patay, 246 nakarekober (COVID-19 monitoring sa Rizal)
UMABOT sa 69 katao ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 habang 246 naitalang nakarekober sa sakit sa lalawigan ng Rizal kahapon. Batay ito sa pinakahuling datos ng provincial, city, municipal health offices ng Rizal noong 26 Mayo. Ayon sa rekord, apat ang bagong bilang ng nadagdag habang 152 ang active cases. Nabatid na kaya umabot sa …
Read More »255 trike driver sa Manda positibo sa COVID-19
POSITIBO ang 255 tricycle drivers sa COVID-19 samantala 400 market vendors ang negatibo sa virus sa isinagawang “rapid test” kamakalawa, 26 Mayo, sa lungsod ng Mandaluyong. Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, mahigpit na ipinatutupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) protocol sa lungsod. Bukod dito, susunod din aniya sa health protocol ang mga magbubukas na mall. Sa ngayon, …
Read More »5 tiklo sa droga sa Marikina (Kahit nasa ilalim ng MECQ)
ARESTADO ang limang katao sa isang drug bust operation nang bentahan ng hinihinalang droga ang isang pulis sa lungsod ng Marikina. Kinilala ang mga nadakip na sina Ethel Cain Bonadio, 23 anyos, at kalaguyong si Russel Cruz, 19 anyos; Amber Bermudo, 36 anyos; James Monforte, 24 anyos, at Wecan Mae Bomio, pawang mga nadakip sa #75 Angel Santos St., Barangay …
Read More »Sa Mandaluyong… Vendors sa sa palengke isasalang sa rapid test
IPINAG-UTOS ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong na isailalim sa rapid test ang lahat ng vendors sa mga pamilihan upang matiyak na ligtas ang mga mamimili sa buong lungsod. Ayon sa ulat, inatasan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang city health office na agad magsagawa ng rapid test sa mga market vendor sa Barangay Barangka Drive. Inilabas …
Read More »Payout ng SAP tensiyonado (Army, PNP nakatutok sa Montalban)
NAMUO ang tensiyon sa payout ng Social Amelioration Program (SAP) dahil sa tatlong araw na pila ng mga residente sa dalawang barangay na bantay-sarado ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA) sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal. Base sa reklamo ng mga beneficiary, sobrang bagal at walang sistema ang pamamahagi ng DSWD dahil …
Read More »Kalusugan, kaligtasan ng mga estudyante at mga guro tiniyak ng DepEd
KOMPIYANSA ang Department of Education (DepEd) na segurado ang kaligtasan at kalusugan ng mag-aaral at mga guro sa darating na pasukan. Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, nauunawaan niya ang takot at pangambang nararamdaman ng mga estudyante, mga magulang at mga guro hinggil sa pagbabalik ng klase sa Agosto. Batid ng kalihim na hindi pa rin ligtas ang …
Read More »Transmission ng Peak sa COVID-19, nalampasan na ng San Juan
MALAKI ang paniniwala ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Juan na nalagpasan na nila ang Peak transmission ng COVID-19. Tiniyak ito ni San Juan city mayor Francis Zamora at magandang balita umano para sa mga mamamayan ng lungsod. Base sa datos ng San Juan Health Department at Department of Health (DOH), bumaba ang naitalang kaso ng …
Read More »San Juan Mayor sumailalim sa 14-day self quarantine
AGAD sumalang sa 14-araw self quarantine si San Juan Mayor Francis Zamora makaraang isa sa staff niya ang nagpositibo sa novel coronavirus o COVID-19. Ayon sa alkalde, nasa perfect physical kondisyon siya at walang sintomas ngunit sumailalim siya sa 14-day self quarantine para sa kaligtasan ng mamamayan ng lungsod ng San Juan Nangako rin siya sa mga kababayan na kahit …
Read More »