Sunday , December 22 2024

Ed de Leon

Daniel, hahatulan na, siya na nga ba ang susunod na Aga Muhlach?

MALALAMAN natin kung magiging totoo ang sinasabi ni direk Olivia Lamasan na si Daniel Padilla ang susunod na Aga Muhlach. Palabas na ang kanilang pelikulang Barcelona. Makikita natin kung ganoon nga katindi ang acting na mailalabas ni Daniel. Hindi naman lahat ng roles na kanyang ginawa sa pelikula ay mabibigat, pero si Aga kasi iyong lahat yata ng role nabigyan …

Read More »

Self-testing sa droga, ‘di kapani-paniwala

Drug test

NAKAPAGPA-CHECK na nga sina James Reid at Anne Curtis. Pareho naman silang lumabas na negatibo sa droga. Magandang balita iyan dahil dati ay may mga intriga na nagli-link sa kanila sa masasamang bisyo. Tested sila para sa dalawang klase ng droga. Ang nag-test ay isang pribadong medical laboratory sa Mandaluyong City. Understood kung bakit doon, kasi malapit iyon sa office …

Read More »

Barcelona, tiyak na mas matino kaysa Korean movie na pinilahan

NAKALULUNGKOT isipin na mas kumita pa ang isang pelikulang Koreano kaysa mga pelikulang filipino na inilalabas dito sa atin mismo. Noong nakaraang linggo, pinilahan sa mga sinehan ang isang pelikulang Koreano, at sa social media, wala kang marinig kundi papuri sa pelikula. Sa totoo lang, nakisiksik kami sa pelikulang iyon. Sa totoo lang din naman, hindi kami impressed. Para sa …

Read More »

Kung masaya siya, okey na rin — Robin to Gandanghari

PAYAG na raw si Robin Padilla sa pagpapalit ng pangalan at maging sa pagpapalit ng gender ng kanyang kapatid na si Rustom na kilala na ngayon bilang BB Gandanghari. Pormal na kasing hiningi niyon sa hukuman sa US, na roon siya based ngayon, ang opisyal na pagpapalit ng kanyang identity. Ang comment ni Robin ngayon, ”kung masaya siya sa ganoon …

Read More »

Maaga pa para sabihing superstar na si Maine

MAY isang artista rin na nagsabing ”si Maine Mendoza, talagang superstar na.” Teka muna, iisang taon pa lang ang career ni Maine Mendoza. Nakakadalawang pelikula pa lang siya. Minsan pa lang siyang naging bida. Iisa pa lang ang TV show niya at isang segment lang siya roon bukod sa pagiging co-host. Kung kami ang tatanungin, masyadong maaga pa para sabihing …

Read More »

Gabby, ‘di makapaniwalang may anak na beauty queen

SIGURO ni sa panaginip, hindi maiisip noong araw ni Gabby Concepcion na magkakaroon siya ng anak na magiging Miss Sweden. In the first place hindi naman siya nagka-anak doon. Pero ang isa sa kanyang pinakasalan noong araw na si Jenny Syquia ay nagpunta sa Sweden at nakapag-asawa ulit doon at ang kanyang naging anak kay Gabby na si Chloe ay …

Read More »

James, give-up na kay Bimby

MASAKIT pakinggan ang sinabi ni James Yap na sa ngayon ay give up na siya sa anak na si Bimby. Sinasabi niyang sinisikap niyang makausap man lang iyon, pero mukhang wala siyang magawa. Mukhang nalalayo na sa kanya talaga ang bata. Kahit na mayroon siyang visiting rights sa kanyang anak, hindi naman nangyayari iyon. Pero kung masakit iyon para kay …

Read More »

Social fund para sa matatandang artista, igigiit ni Robin

HINDI nagsasalita si Robin Padilla tungkol sa mga appointment ng mga artista sa mga posisyon sa gobyerno. Hindi rin niya binabanggit ang sinasabing pending niyang absolute presidential pardon. Akala naming, noon pa ayos na ang kalagayan niya, hindi pa pala. Iyon palang ibinigay sa kanya noon ni Presidente Fidel Ramos ay conditional pardon lamang, parang parole. Natapos na ang prescribed …

Read More »

Angel, mas mahalaga ang magiging pamilya kaysa career

BABALIK pa pala si Angel Locsin sa Singapore sa susunod na buwan para mai-check kung ok ba talaga ang pagkaka-opera sa likod niya at kung masasabi ngang ok na iyon, makababalik na siya sa rati niyang aktibong pamumuhay at career. Ganoon pa man, sinasabi niyang pinag-iisipan pa niya kung gagawa siyang muli ng mga action roles dahil bagamat mahalaga para …

Read More »

Dulce, ipinadi-delete ang post laban kay de Lima

KUNG naging usapan ang ginawang pagbubulgar ng singer na si Dulce laban kay Senator Leila de Lima sa kanyang social media account, ngayon naman ang pinag-uusapan nila ay ang mabilisang pag-delete niya sa post na iyon mula sa kanyang account mismo. Pero siguro nga masasabi ring too late na dahil marami na ang nakapag-save at nakapag-share ng kanyang post na …

Read More »

Dorothy, walang pakialam sa kaso ni Sunshine

MALIWANAG iyong sinabi ni Dorothy Laforteza, ang ermat ni Sunshine Dizon, na wala siyang pakialam sa kaso ng kanyang anak, dahil naniniwala siyang “kaya naman niya iyon”. Sinabi niyang makikialam lang siya kung sa tingin niya ay hindi na kaya ng kanyang anak, o hihingi iyon ng tulong sa kanya. Sinabi lang naman niya na natutuwa lang din naman siya …

Read More »

Mga artista ng Dos at Siete, isailalim sa mandatory drug test

Drug test

MAGANDA iyong panukala noong isang araw ni Boss Jerry Yap, na sana bilang mga idolo at role model para sa mga kabataan at sa masa, pangunahan na ng mga artista, lalo na nga iyong mga nasa Kapamilya Network at Kapuso Network ang pagsailalim sa mandatory drug test. Siyempre ang kasunod niyon ay ang voluntary rehabilitation kung sakali na positibo sila. …

Read More »

Aling Lilia, ‘di nabigyan ng pagkilala na para sa isang reyna

NAKALULUNGKOT isipin ano, si Lilia Cuntapay na tinatawag pa nila ngayong “queen of horror movies” ay hindi nabigyan ng treatment na para sa isang reyna noong nagkasakit na siya. Kailangan niyang manawagan sa kanyang mga kasamahan sa trabaho na kumikita pa, para tulungan siya dahil hindi na rin niya makayanan ang gastos sa kanyang pagpapagamot, hanggang sa namatay na nga …

Read More »

Aga, makatutulong para maibangon ang industriya

MARAMI ang nagsasabi, sana naman daw iyang pagbabalik showbiz ni Aga Muhlach ay maging tuloy-tuloy na. Una, kailangan ng mga mahuhusay na artista. Aminin natin iyan. Marami tayong mga artista na wala namang alam kundi ang magpa-cute lamang. Aminin din naman natin, marami tayong mga artistang magagaling umarte, hindi naman cute sa paningin ng publiko kaya ayaw ding panoorin. Sinasabi …

Read More »

Newcomer, nakipag-date sa halagang P30K

NAKIPAG-DATE raw ang isang newcomer sa isang fashion designer sa halagang P30,000, sabi ng isa naming source. Iyang newcomer na iyan ay sumikat nang husto dahil sa isang sex video scandal na kumalat sa internet kamakailan. Bad start iyan. Kung papasok ka sa showbiz, hindi rin naman maganda na ganyan agad ang naririnig na balita tungkol sa iyo. ( Ed …

Read More »

Female host, wala sa hulog

HINDI nakapagpigil ang isang female host sa isang male personality contest. Nang lumabas ang isang contestant na eventually ay siyang nanalo, hindi niya napigilang makapagmura nang alisin na niyon ang suot na polo. Isa lang ang masasabi namin diyan, wala sa ayos ang female host. Una hindi siya dapat nagpapakita kahit na anong bias dahil contest iyon, kahit na ano …

Read More »

2 kapatid ni James, pinasok na rin ang showbusiness

PINAG-UUSAPAN nila noong isang gabi, hindi lang isa kundi dalawang kapatid pa ni James Reid ang magkasabay na pumasok sa showbusiness. Siguro nakitaan naman ng potentials ng producers kaya nila kinuha, isa pa, kahit na paano may assured following na iyan dahil “kapatid ni James Reid”. Pero dito sa showbusiness, mayroong paniniwala, na para bang unwritten rule, walang magkapatid na …

Read More »

Sunshine, double win — maganda na, may career pa

IBANG klase ang paghahanda ni Sunshine Dizon sa mga nangyari sa kanya. Alam naman natin na may hinaharap siyang controversy, iyong kanyang demanda laban sa kanyang asawang si Timothy Tan. Talagang nagpaganda muna nang husto si Sunshine. Ngayon lang siya nagsisimulang mag-post kung ano ang kanyang ginawa. Nagpa-lipo pala siya para mabilis na mabawasan ang kanyang timbang. Noong isang araw, …

Read More »