Monday , November 18 2024

Amor Virata

Pasay Barangay Captain kinondena

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SENTRO ng komento sa facebook ng mga residente ng Pasay ang isang barangay captain sa kanilang lungsod matapos i-post sa facebook ang kanyang nahuling menor de edad dahil sa curfew. Pinutakti ng komento ng concerned citizens ang nasabing larawan na post ng nasabing barangay captain. May nagkomento na bobo si kapitan, isa na ang inyong lingkod! *** Hindi naman kriminal …

Read More »

25 katao sa towing companies mga adik

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Sa 35 accredited towing companies ng MMDA ay 25 tauhan nito ang pawang gumagamit ng ilegal na droga. Hindi na nahiya, maghahatak ng mga sasakyan na nakahambalang sa mga pangunahing lansangan e sila pala ang ilegal! Sampol lang ‘yan, marami pa tiyak na manggagawa sa gobyerno na adik! *** Kung sa hanay ng pulisya na imbes nagpoprotekta at siyang nangunguna …

Read More »

Party-party sa araw na hindi na sa gabi

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

BAWAL ang videoke sa hatinggabi, kaya ang bawa’t selebrasyon na gagamit ng videoke ay hanggang alas 10:00 ng gabi na lamang. Tsk tsk tsk… sa araw na lamang gawin ang lahat ng selebrasyon kung sa bahay gagawin. Kung hindi naman umupa na lamang ng mga venue para di nakabubulahaw! Tama naman ang kautusang ito na gustong mangyari ng administrasyong Duterte! …

Read More »

Si Comelec officer may death threat

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SAPOL nang matalo si Amadeo Incumbent Mayor Benjo Villanueva, sunod-sunod na ang death threat na natatanggap ni Comelec Officer Aniceta Laceda gayong nailipat sa Noveleta, Cavite noong May 9 local elections matapos magsagawa ng revamp ang Comelec nasyonal at muling magsasagawa ng revamp sa June 10. Puwedeng ‘di na bumalik si Laceda sa bayan ng Amadeo at bigyan ng ibang …

Read More »

Major revamp sa PNP

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

NGAYON pa lang, -kabado na ang ilang miyembro ng Philippine National -Police (PNP) dahil sa -deklarasyon ni incoming President -Rodrigo Duterte na ang mga probinsiyanong mga pulis gaya ng naka-talaga sa Compostela -Valley ay -dadalhin sa Kamaynilaan at ang mga nasa Maynila ay ilalagay sa mga probinsiya. *** KUNG may katotohanan man ang pahayag na ito ni Duterte, maganda ito …

Read More »

Mga ‘holdaper’ na taxi driver sa MOA

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

NOON bagong tayo pa lamang ang dambuhalang Mall of Asia sa lungsod ng Pasay, sobra ang higpit ng security, ang mga taxi cab ay hindi puwedeng magsakay basta-basta, merong accredited na mga taxi na pumipila, at ito ang pinupuntahan ng mga pasahero buhat sa pamimili sa loob ng SM department store, o sa ibang establisyemento, at walang nangongontratang taxi drivers. …

Read More »

‘Criminal Water’ For Sale

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

KUNG  gustong uminom ng tubig na marumi na nakasilid ang tubig sa plastic bottle na mistulang bote ng nabibiling mineral water, kapag dumaan ang sasakyan pribado man o public utility, sa kahabaan ng EDSA, kanto ng Macapagal Ave., doon ito mabibili sa mismong harapan ng METRO BANK patungong Mall of Asia, lungsod ng Pasay. *** Shocking ang tagpo nang makita …

Read More »

Vendors sa Baclaran aayusin

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MAGANDA ang proyekto ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Parañaque sa illegal vendors na sakit ng ulo ng administrasyong Edwin Olivarez. Sa ikalawang administrasyon ni Meyor Edwin, isang malaking proyekto sa gitna ng kalsada ng Redemptorist Road ang planong itayo ang isang 3 storey na gusali, na paglalagyan ng vendors, nang sa gayon ay maging maluwag ang daanan ng …

Read More »

Rason sa Smartmatic Computer Alteration:

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MAY malaking suliranin kung ang isang taong gumagawa ng krimen o lumalabag sa batas ay kinakikitaan pa ng katapangan at kawalan ng takot sa kanyang pagiging kriminal, lalo na kung ang krimen ay kanyang ginagawa sa harap ng mga taong alam niyang makasasaksi sa kanyang paglabag. Alin sa dalawa: ang kriminal ay naniniwalang ang mga taong nakasasaksi sa kanyang krimen …

Read More »

Maraming jobless sa mga natalong kandidato

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MALAS na masasabi sa mga staff ng mga natalong kandidato na dating nakapuwesto, ano man ang posisyon ng kanilang bosing. Gaya sa lungsod ng Pasay, hindi nanalo bilang vice ma-yor ng Pasay si Marlon Pesebre na dapat ay nasa ikatlong termino na at dahil hindi nagwagi, tiyak na magugutom at wala nang trabaho ang kanyang mga personnel. *** Sa supporters …

Read More »

Eleksiyon 2016 bumaha ang pera sa lokal

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

BUMAHA ang pera sa 2016 local elections. Kitang-kita ang vote buying, mga Kapitan at kagawad ng Barangay ang unang kinakausap. Nasaan ang sinasabing ‘non-partisan’ dapat ang barangay?! Dahil alam naman natin na hiwalay ang budget ng barangay officials. **** Kapansin-pansin ang mga aklade at kongressman na walang kalaban na dapat ay hindi na gumastos, ngunit sa kagustuhang manalo ang kanyang …

Read More »

NAIA Immigration Officer inireklamo! (ATTN: SoJ Emmanuel Caparas)

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SI Melony Moises, isang dating overseas Filipino workers  (OFW) sa Middle East ay nagtayo na lamang ng negosyo sa bansa, upang hindi na niya maiwan ang kanyang pamilya. Ang kanyang itinayong negosyo ay isang installation services sa kanyang probinsiya  sa Baluarte, Santiago City at meron siyang  business partner na Arabo. Siya’y naimbitahan na pumunta sa  Bahrain, pinadalhan ng requirements sa …

Read More »

Utak sa pumatay sa Brgy Capt. sa Cavite City kumandidato pa!?

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

PATULOY pa rin na gumagala umano ang gunman na suspek sa pagpatay kay Cavite City Brgy. Captain Boyie Picache, na ang “utak” ng pagpaslang ay isang mataas na opisyal ng nasabing lingkod kasabwa’t ang isang pulis at isang inaanak umano nito sa kasal. *** Isang e-mail ang natanggap ng inyong lingkod,at nakiusap na huwag banggitin ang kanyang pangalan para sa …

Read More »

‘Di naman nakainom parang lasing!

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

PINAGTATAWANAN habang nagsasalita sa ibabaw ng entablado ang isang kandidato para bise alkalde sa isang lungsod sa Kamaynilaan, sabi mismo ng kanyang kapartidong konsehal, hindi marunong magsalita at kilala siyang maninginom at kapag nalalasing ay may pagkasira ang ulo! *** Ang nasabing kandidato para vice mayor, kapag nagsasalita sa mga ginagawang caucus ng kanilang partido, laman ng kanyang speech ay …

Read More »

Jonvic Remulla bumaliktad na

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

POSITIBO na kaya tumakbo sa Amerika si Ca-vite Governor Jonvic Remulla ay  bumaliktad na sa partidong UNA ni VP Jejomar Binay at lumipat kay Presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ito ang ibinulong sa akin ng nakararaming opisyal ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Cavite na binubuo ng 26 mga bayan at siyudad. **** Sa bayan  ng Amadeo, …

Read More »

Kandidatong Vice Mayor may Pending case sa Sandiganbayan

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

ISANG kandidato para bise alkalde sa lalawigan ng Cavite, ang may lakas ng loob na kumandidato ngayong 2016 elections sa isang bayan ng nabanggit na lalawigan, gayong may kasong malversation of funds, na kasalukuyang dinidinig sa Sandiganbayan, na pansamantalang nakalalaya dahil naglagak ng kaukulang piyansa. *** Ang nasabing dating alkalde noong taon 2013 ay sinampahan ng kasong Malversation of Funds …

Read More »

Vendors sa bangketa naglipana

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

ANO ang ginagawa ng mga tauhan ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Quezon at ng mga tauhan ng MMDA sa mga nakahambalang na illegal vendors sa harapan mismo ng isang kilalang otel sa EDSA Cubao, Quezon City?! Mukhang nagmamantika na ang nguso ng mga nakatalagang anti-vendor squad, sa mga ‘lagay’ mula sa mga vendor, kaya siguro bulag sila rito! *** …

Read More »

Mga krimen sa Bgy. San Isidro Antipolo

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

HOLDAPAN, prostitusyon, mga kababaihang naglipana sa kalye na nagbebenta ng pandaliang aliw, akyat-bahay, lahat ‘yan ay hindi naaksiyonan ng pulisya diyan sa Antipolo. Bulag at bingi ang mga awtoridad. *** Dapat siguro ay sipain na ang hepe ng pulisya sa Antipolo, dahil walang silbi! Iniaasa na lamang ang lahat sa mga tamad niyang tauhan! Pagbabalik ni ER Ejercito Mahigpit na …

Read More »

Pasahe sa traysikel sobra taas

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SUMBONG ng mga residente sa SunValley lungsod ng Parañaque ang mataas na singil ng pasahe sa traysikel, kompara sa ibang lugar. Dapat aksiyonan ito ng Trycicle Regulatory Board ng lungsod dahil nahihirapan ang mga residenteng pasahero sa mahal ng pasahe! Hindi lang sa lungsod ng Parañaque, lalo na sa lungsod ng Pasay, pinakamarami na yatang terminal at miyembro ng TODA …

Read More »

Mayor Villanueva ng Amadeo Cavite isinusuka ng mga botante

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

DAHIL umano sa kawalan ng responsibilidad sa bayan ng Amadeo, Cavite bilang punong-bayan, unti-unting nalulugmok ang bayan ng Amadeo, na kilala sa tanim na Kape. Ito ang sigaw ng mga residente na dumalo sa isinagawang Forum na “Know your Candidates” na inorganisa ng PPCRV at ng Comelec sa nasabing bayan. *** Hindi dumating at inisnab ni Mayor Benjader Villanueva na …

Read More »

‘Terror Attempt’ ba ang narekober sa Baclaran?

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

DALAWANG improvise explosive devices na posibleng “intentionally magnified” ang narekober kamakailan sa Baclaran na hinihinalang ‘terror attempt’ sa nasabing luggage. Dahil dito ay nagkaroon ng pangamba ang napakaraming vendors na naglipana sa nasabing lugar, kompleto sa baterya, detonating cords, tatlong pako at switch. Ang explosion ay ‘di kalayuan sa Police Community Precint, sa isang Supermarket. Pagkatapos ng pagsabog, nakarekober ang …

Read More »

Miting de Avance ng mga kandidato

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SA mga gagawing miting de avance ng mga kandidato ng iba’t ibang partido para sa darating na May 9 elections, dito makikita ang dami ng supporters ng bawat partido, pero ‘di nangangahulugan na mag-i-straight vote ang mga botante, dahil kanya-kanyang manok ‘yan. *** Naririyan ang siguradong hakutan ng mga botante, sa pangunguna ng mga Kapitan ng Barangay na tiyak may …

Read More »

Krimen sa Cavite City laganap

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Grabeehhhh ang sunud-sunod na pamamaslang sa Cavite City na bulag at bingi ang mga awtoridad. Ano na ang ginagawa ngt pulisya at ng Alkaldeng si TOTI PAREDES????,lakas ng loob na muling tumakbo sa pagka-Meyor eh walang nagagawa sa mga sunud-sunod na patayan sa kanyang lugar! *** Noong Marso 13,2016, may inpormasyon ako na hinarang ng mga Pulis na nagsasagawa ng …

Read More »