Sunday , December 22 2024

Almar Danguilan

Lola kinatay ng kawatan

Stab saksak dead

  TADTAD ng saksak at patay nang matagpuan ang isang 86-anyos lola makaraan pagnakawan sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, kahapon ng umaga. Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Prescila Trinidad, residente sa Sto. Domingo St., Brgy. Sto. Domingo. Samantala, ikinokonsiderang “person of interest” ang houseboy ng …

Read More »

Mag-utol, 3 pa itinumba sa QC

LIMA katao, kabilang ang magkapatid, ang pinagbabaril at napatay ng hindi nakilalang mga suspek sa magkakahiwalay na insidente sa Quezon City. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang magkapatid ay kinilalang sina Ferdinand, 30, at Juan Carlo Amansec, 28, kapwa residente sa Sitio Sto. Niño, Brgy. Fairview, ng nasabing lungsod. Napag-alaman, …

Read More »

Secretary Cimatu pinakikilos vs anomalya sa DENR

  SA pamahalaan ni Pangulong Digong, isa sa prayoridad ang pagsugpo sa mga tiwaling opis-yal at kawani sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Bukod pa sa kinakailangan mawakasan ang maanomalyang transaksiyon. Ang DENR ay ipinagkatiwala ni Pangulong Digong kay Secretary Roy A. Cimatu. Naniniwala ang pangulo, sa pamamagitan ni Cimatu, mawawakasan ang mga anomalya sa DENR. Bukod sa may paglalagyan …

Read More »

Aklan DOLE inutil ba o nakikinabang sa mga resort sa Bora?

  HALOS isang buwan na rin ang nakalilipas nang talakayin natin ang kalagayan ng nakararaming manggagawa sa Isla ng Boracay na matatagpuan sa Malay, Aklan, kaugnay sa sobrang ‘panggugulang’ sa kanila ng ilang hotel and beach resort pagdating sa pagpapasahod. Paano kasi, karamihan sa mga manggagawa ay hindi pinapasuweldo nang tama bukod sa wala pa silang benepisyo tulad ng SSS, …

Read More »

Operasyon ng QCPD vs ninja cops nakadalawa uli

  WALA na nga bang nalalabing ninja cops? Na-patay na ba silang lahat ‘este naaresto na ba silang mga salot na sumisira sa imahen ng Philippine National Police (PNP)? Hindi pa naman napapatay ‘este nahuhuli ang lahat at sa halip may natitira pa. Nagsipag-lie low sila dahil mainit pa pero may ilang sumisimple pa rin na ang resulta’y paktay sila …

Read More »

Ina, sanggol natagpuang patay sa Kyusi

dead baby

PALAISIPAN sa Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ng isang ina at sanggol, nadatnan ng kanilang padre de familia na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang mag-ina ay kinilalang sina Lea Grace Belga, 25, Honethea, isang buwan gulang, residente sa …

Read More »

2-Day coding ng MMDA kaginhawaan nga ba?

IN FAIRNESS sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ginagawa nina Chairman Danilo Lim (retired AFP general) at general manager Tim Orbos, ang lahat para mapabuti ang matin-ding problema sa trapiko sa Metro Manila. Bago umupo si Lim, isa sa naging hakbangin ni Orbos na makatutulong sa problema ang pag-aalis ng “window hour,” 10:00 am to 3:00 pm para sa number …

Read More »

Kapakanan ng kustomer/s prayoridad ng SOGO

KAHANGA-HANGA pala ang pamunuan ng Sogo Hotel. Bakit naman? Paano kasi, prayoridad pa rin nila ang kapakanan ng kanilang kustomer kasunod ang pagmamantina sa integridad ng kompanya. Ba’t natin nasabi ito? Paano kasi, kamakailan ay mismong pamunuan ng Sogo ang nagpadampot at nagpakulong sa kanilang isang kawani, telephone operator, matapos na pag-interesan ang halagang P8,500 na naiwan ng isang kustomer …

Read More »

Giyera ng QCPD vs ninja cops, etc., hindi nahinto

ANAK ng… shabu nga naman talaga! Ano ba ang mayroon sa ilegal na droga at marami pa rin nababaliw sa paggamit at pagbebenta nito? Nang ipatupad ang kampanya laban sa droga sa pag-uumpisa ng Digong administrasyon, marami-rami nang tulak ang naaresto at napatay. Marami rin  gumagamit ang nadakip matapos mahuli sa akto. Umabot sa isang milyon o mahigit ang sumuko …

Read More »

Sekyung buryong nagkulong sa Centris

BUNSOD ng kalasingan, nagwala at ini-hostage ng isang security guard ang kanyang sarili sa loob ng Eton Centris commercial complex sa Quezon City, kahapon ng umaga. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar,  makaraan ang limang oras na negosas-yon, sumuko ang suspek na si Herminigildo Marsula, Jr., ng Palmera Northwind City, Phase 2B, …

Read More »

Temporary storage ng BoC magiging sanhi ng korupsyon

TEMPORARY storage para sa “overstaying o abandoned goods.” Ito ang pinaplanong ipatupad ng Bureau Customs (BOC) ngunit, ang nakababahala sa plano ay maaaring magbubunga ng korupsiyon at ang mas matindi ay maaapektohan ang presyo ng mga produkto sa katagalan. Posible nga namang tataas ang presyo ng mga produkto at ang sasalo at magdurusa nito ay mga konsyumer. Kaya, nabahala ang …

Read More »

Volleyball coach, itinumba sa QC

gun QC

BINAWIAN ng buhay ang isang volleyball coach makaran barilin sa sentido ng hindi nakilalang lalaki sa labas ng kanyang tindahan sa Molave Street, Brgy. Payatas, Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat, pasado 11:00 pm, habang ang biktimang si Conrado Fonseca, Jr., ay naglalaro sa kanyang cellphone habang nakaupo, nang biglang dumating ang isang motorsiklo at siya ay …

Read More »

Lola tostado sa sunog

fire dead

HALOS hindi na makilala ang bangkay ng isang senior citizen makaraan matosta sa sunog sa kanilang bahay sa Brgy. Laging Handa, Quezon City, kahapon ng mada-ling-araw. Kinilala ni QC Fire Marshal Senior Supt. Manuel Manuel, ang biktimang si Juanita Castuciano, 80, ng 45 Scout Fuentebella St. ng nasa-bing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 2:45 am nang magsi-mula ang sunog …

Read More »

Chief assessor ng BIR dist. 28 patay sa ambush

DEAD on the spot ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) makaraang barilin ng gunman sa West Avenue, Quezon City, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Alberto Enriquez, hepe ng assessment section ng Bureau of Internal Revenue District 28. Si Enriquez ay binaril pagbaba sa kanyang sasakyan sa harap ng isang apartelle na katabi ng gusali ng …

Read More »

Lider ng Limjoco robbery gang arestado

arrest prison

ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang lider ng Limjoco robbery group, na responsable sa panghoholdap sa Cubao, Quezon City. Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, ang suspek na si Mike Montero Limjoco alyas Dagul, 38, ng 85 13th A-venue, Brgy. Socorro, Cubao, ng lungsod, ay ina-resto ng QCPD Cubao Police …

Read More »

Workers sa Bora pinagloloko ng mga kapitalista

NASA isla ng Boracay tayo nitong nakaraang linggo para isang bakasyon kasama ang pamilya. Hindi ko inaksaya ang bawat minuto sa lugar — napakaganda pa rin ng beach ng Boracay — a perfect creation by our Almighty God! Salamat po Panginoon. Kaya dapat mapangalagaan ang Boracay hindi lamang ng mga mamamayan dito na matatagpuan sa Malay, Aklan kundi maging ng …

Read More »

2 karnaper sa QC patay sa shootout

dead gun police

PATAY ang dalawang hinihinalang karnaper makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) La loma Police Station 1, nang isilbi ang warrant of arrest laban sa mga suspek sa Brgy. Manresa, Quezon City, kahapon. Sa ulat ni Supt. Ro-berto Sales, La Loma PS 1 chief, kay QCPD director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga suspek …

Read More »

P79-M sa Marawi ibili ng armas laban sa terorista

UNA sa lahat, nais kong batiin ang aming BOSS, Jerry Yap, ng maligayang kaarawan. Isang mapagkumbabang BOSS – isang boss na ang turing sa amin ay hindi kawani kundi kaibigan. I and my family are really blessed to have you sir as my boss. I thank God for this blessing. Maraming salamat and happy birthday ulit. May God’s protection be …

Read More »

QC traffic cop tiklo sa kotong

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang kapwa pulis-Kyusi sa entrapment operation na isinagawa sa loob ng traffic office sa Camp Karingal, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay QCPD director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang suspek na si PO3 Fernando Tanghay, 47, nakata-laga sa Traffic Enforcement Unit Sector 3, ay nadakip dakong 9:30 pm sa …

Read More »

Umiwas sa bisyo pamilya’y mahalin

SINASABI na kapag palakasan o kapag isang atleta ang pinag-uusapan, malamang na malinis ang pamumuhay nito – sa pisikal na aspekto. Iniidolo ng marami lalo na kapag sikat ito o malakas maglaro. Tingin din ng nakararami sa malakas na atleta ay malinis sa lahat, walang bisyo o kung uminom man ay disiplinado. Higit sa lahat ay malamang na hindi gumagamit …

Read More »

Ex-PBA cager Paul Alvarez, 2 pa tiklo sa pot session

ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Special Operation Unit (QCPD-DSOU) ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Paul “Bong” Alvarez at dalawang kasama nang maaktohan habang bumabatak ng shabu sa isang barber shop sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay QCPD director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, bukod sa arestadong si Alvarez, …

Read More »

‘Bikini open’ sinalakay (10 bebot nasagip, 11 arestado)

SINALAKAY ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division, Muntinlupa City Police, at City Social Welfare ang “Bikini Open” na ginanap sa Angelis Resort sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi. Mahigit 100, karamihan ay mga lalaki, ang dinampot at dinala sa police station para humarap sa interogasyon nang abutan silang nag-iinoman at nanonood ng tinaguriang ‘Bikini Open.’ Pinakawalan …

Read More »

Kung solusyon ang martial law, why not?

EKSAKTONG isang linggo ngayon ang krisis sa Marawi City. Marami na rin nabuwis na buhay, hindi lamang sa hanay ng pulisya o militar kundi maging sa sibilyan. Sinasabing ilan sa pinatay ng teroristang Maute ay pinugutan ng ulo. Bukod dito, tumangay pa ang mga bandido ng ilang hostages, kabilang rito ng isang pari. Ginagamit nila bilang panangga o human shield. …

Read More »

Pulis na killer ni misis at anak positibo sa droga

POSITIBO sa ilegal na droga ang pulis na pumatay sa kanyang mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Commonwealth, Quezon City nitong Linggo ng hapon. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, positibo sa droga si PO2 Roal Sabiniano, 38, nakatalaga sa National Capital Regional Police Office-RPSB, sa isinagawang drug test ng …

Read More »