Monday , December 23 2024

No tsunami threat sa PH Ecuador quake, 77 patay

AGAD pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa posibleng tsunami threat kasunod ng magnitude 7.8 lindol na tumama sa Ecuador.

Ayon sa Phivolcs, bagama’t napakalakas ng lindol ay malayo sa Filipinas ang epicenter nito.

“No destructive Pacific-wide threat exists based on the historical and tsunami data,” saad ng ahensya.

Posible lamang anila na magkaroon ng tsunami sa mga lugar na 300 kilometers ang lapit sa epicenter ng lindol.

Nangyari ang nasabing pagyanig na may lalim na 10 kilometro, sa baybayin ng Ecuador dakong 7:59 a.m, oras sa Filipinas.

Humantong ang insidente sa 77 kataong namatay.

Nabatid, nagbabala ang Pacific Tsunami Warning Center sa posibilidad na magkaroon ng tsunami kasunod ng lindol sa Ecuador kaya inalerto ang kalapit bansa nito na Colombia.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *