Wednesday , August 13 2025

PCU pinagpag ang AMA

Nagpaputok ng 18 three-point shots ang dating  NCAA champion Philippine Christian University-Lilac Experience upang paluhurin ang AMA-Wang’s Ballclub , 124-102, sa  2016  MBL Open basketball championship sa EAC Sports and Cultural Center sa Manila.

Hindi masyadong nahirapan ang PCU sa kanilang panalo dahil sa tinikada ni Mike Ayonayon ang 29 puntos, kasama ang pitong three-pointers habang may apat na triples naman si Von Tambeling para sa kanyang 24 points.

Nag-ambag din si Fidel Castro ng 15 puntos para sa Dolphins na ginagabayan ni multi-ttilted coach Ato Tolentino.

Tinapatan ng  PCU ang baraha ng Macway  Travel Club na  4-1 win-loss sa eight-team, single-round tournament na sinusuportahan ng Smart Sports, Ironcon Builders,  Bread Story, Dickies Underwear, PRC Couriers at Gerry’s Grill.

Nasayang naman ang conference-tying high 34 puntos ni Federico Alupani dahil hindi nito naakbayan ang AMA-Wang’s sa panalo. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

V League

V-League Collegiate Challenge ngayong Sabado na

Ynares Sports Arena, Pasig 10 a.m. – NU vs Arellano (Men) 12 p.m. – UST …

Manila Marathon Rio Dela Cruz Andrew Neri

Manila Marathon, aarangkada sa Linggo

MALUGOD na inihayag ni international marathoner Rio Dela Cruz president at CEO ng Run Rio …

Antonia Lucia Raffaele Zoe Lim Philippine Artistic Swimming Team

Sa Hong Kong Open
Philippine Artistic Swimming Team, nakasungkit ng 3 bronze medals

PATULOY ang pag-igting ng koponan ng artistic swimming ng Filipinas sa pandaigdigang entablado, matapos nilang …

Carlo Biado PSC

CARLO BIADO PINARANGALAN NG PSC MATAPOS ANG IKALAWANG KAMPEONATO SA WORLD 9-BALL
PSC maghahandog ng billiard set sa pangalan ng Filipino champ bilang pamana sa susunod na henerasyon

PASIG CITY — Kinilala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pambihirang tagumpay ni Carlo Biado, …

Agatha Wong The World Games 2025

Agatha Wong ng Wushu flag bearer sa The World Games 2025

NAPILING isa sa mga flag bearers ang Filipina wushu gold medalist na si Agatha Chrystenzen …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *