Friday , November 15 2024

Inuman, lasingan sa kalye bawal sa Parañaque City

NAGBABALA si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na huhulihin at pagmumultahin ang mga mahuhuling umiinom ng alak at nagsasasaya sa kalye o kalsada sa lungsod kasunod ng pagkalahatang pagbabawal sa maingay na pangangampanya na marami pa rin ang lumalabag.

Ang unang paglabag ay may multang P500 o pagkakakulong ng limang araw ng isang mahuhuling indibiduwal habang pagmumultahin ng P1,000 at 10-araw na pagkakakulong sa pangalawang paglabag samantala P2,500 ang multa at 30-araw na pagkakapiit sa ikatlong pagkakataon.

Inaasahan na ang talamak na pag-inom ng beer at alak sa harapan ng mga tindahan, bangketa at plaza lalo na’t nagsimula na ang kampanya sa mga lokal na kandidato para sa nalalapit na eleksiyon.

Sa ilalim ng ordinansa na ipinasa noong Nobyembre 2015, napagpasyahan ng konseho ang nakalipas na hakbangin matapos mabatid na sa kabila ng umiiral na mga batas o regulasyon kaugnay sa pag-inom ng alak o nakalalasing na inumin, marami pa rin ang lumalabag dito.

Kabilang sa pampublikong lugar ang kalsada, kalye, daanan, bangketa, sports complex and grounds, parke, bisinidad ng simbahan at eskuwelahan.

Inihayag ng alkalde, hindi kombinyente, nakasusugat o nakamamatay ng tao ang patuloy na pagkonsinti sa pag-inom ng nakalalasing na inumin sa pampublikong lugar.

Lumitaw sa datos ng Parañaque police para sa araw-araw na naitatalang krimen, halos 60% dito ay kinasasangkutan ng alak habang 50% ay dahil sa inuman sa pampublikong lugar.

Unang pinaalalahanan ng Alkalde ang mga lokal na kandidato gayondin ang kanilang tagasuporta na iwasang magsagawa ng maingay na campaign rallies at parties.

Iniutos ni Olivarez sa Parañaque PNP ang pangkalahatang implementasyon ng 2015 Noise Pollution Ordinance matapos matanggap ang mga reklamo sa mga residente sa subdibisyon kaugnay sa peligrong dulot ng ingay mula sa banda, karaoke machine at loudspeaker lalo tuwing piyesta.

Ipinagbabawal sa sino man at alinmang partidong politikal na gumamit o mag-operate ng videoke machine, karaoke at sound system na may amplifiers at radio component na may malakas na tunog at walang kaukulang permit sa pampublikong lugar.

Idinagdag ng alkalde, ang isang grupo o indibiduwal na nais gumamit ng sound machine ay kailangan munang kumuha ng permit mula sa barangay sa loob ng tatlong araw bago ang aktuwal na paggamit nito.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *