Sunday , December 22 2024

Pambansang seminar sa pagtuturo ng panitikang gender-based

Magdaraos ng Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender-Based sa dalawang lugar ang Komisyon sa Wikang Filipino sa paki-kipagtulungan sa Jose Rizal Memorial State University at La Consolacion College-Bacolod. Gaganapin ito sa 13-15 Abril 2016 sa Jose Rizal Memorial State University, Lungsod Da-pitan, Zamboanga Del Norte at 18-20 Mayo 2016 sa La Consolacion College, Lungsod Bacolod, Negros Occidental.

Layunin ng seminar na mapataas ang kamalayang pangkasarian ng mga guro sa pagtuturo ng panitikang gender-based. Magkakaroon ng panayam at talakayan hinggil sa iba’t ibang paksang may kaugnayan sa panitikan, wika, at kasarian. Magsasagawa rin ng pakitang-turo sa kuwentong bayan, tula, at maikling kuwento.

Bukás ito sa mga punong guro, tagapag-ugnay, mga guro sa Filipino at panitikan sa elementarya, sekundarya, at tersiyarya na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Para sa mga interesado, makipag-ugnayan kina Dr. Narcisa N. Bureros (09204034697, [email protected]) sa Jose Rizal Memorial State University at Prop. Edna Fregil (0927-2706463, [email protected]) ng La Consolacion College-Bacolod.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *