Sunday , December 22 2024

Bakuna vs dengue itutuloy ng DOH (Kahit walang WHO recommendation)

BAGAMA’T walang rekomendasyon mula sa World Health Organization (WHO), tuloy na simula sa Lunes ang pagbibigay ng libreng bakuna ng gobyerno sa mga estudyante ng pampublikong paaralan laban sa sakit na dengue .

Tiniyak ni Dr. Rose Capeding, pinuno ng Department of Microbiology sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ligtas ang mga bakunang Dengvaxia.

Unang makatatanggap ng libreng bakuna ang hindi bababa sa siyam na taon gulang mula sa mga pampublikong paaralan ng CALABARZON, Central Luzon at Metro Manila.

Sinabi ni Gundo Weiler, WHO representative, kailangan ng rekomendasyon bago sila makabuo ng statement hinggil sa dengue vaccines.

Ipinaliwanag din ni  Weiler, ‘neutral’ ang posisyon ng WHO sa mga bakuna ngunit nilinaw na hindi ito nangangahulugang hindi ito ligtas.

Ipinaliwanag din niya na sa kabila man nang kawalan ng rekomendasyon, maaaring ituloy ng Filipinas ang pagbibigay ng nasabing bakuna.

Samantala, inihayag ni DoH spokesman Lyndon Lee Suy, sinabi ni Weiler na sinusuportahan ng international health organization ang desisyon ng gobyerno na ituloy ang pagbibigay ng bakuna kahit walang opisyal na rekomendasyon mula sa SAGE.

Una nang sinabi ng kagawaran ng kalusugan na sa Abril 4 na ang pagsisimula ng libreng dengue vaccines sa mga pampublikong paaralan na matatapos sa loob ng 20 buwan.

Bawat estudyante ay makatatanggap ng tatlong bakuna, isang beses sa bawat anim na buwan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *