Sunday , December 22 2024

Alyansang Leni jueteng lords binatikos ng arsobispo (Nilamon ng sistema)

MARIING binatikos ni retired Archbishop Oscar Cruz si Leni Robredo ng Liberal Party (LP) dahil sa pagtanggap sa endoso ni Pampanga Gov. Lilia Pineda kasabay ng pahayag na isa itong ‘pagtataksil’ sa ipinaglaban ng kanyang yumaong kabiyak na si dating DILG Sec. Jesse Robredo kontra sa ilegal na jueteng.

Ito ang reaksiyon ni Cruz sa napabalitang alyansa ng LP kay Pineda, asawa ng pinaghihinalaang jueteng lord na si Bong Pineda, na ikinagulat nang marami dahil matatandaang ilang beses na sinubukan ng administrasyong Aquino na tanggalin sa puwesto bilang gobernador ng Pampanga si Pineda na kilalang kaalyado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang nasabing alyansa, ayon kay Cruz, ay ‘saliwa,’ ngunit ang nakadedesmaya umano ang pagkakasangkot ni Robredo na hindi lamang tinanggap ang endoso ni Pineda, pinapurihan pa ang gobernadora na isinangkot ng kanyang yumaong asawa sa operasyon ng jueteng sa bansa.

“Isa itong pagyurak sa alaala ng yumaong DILG Secretary,” paliwanag ni Cruz na halos naging katuwang ng dating kalihim sa kampanya laban sa jueteng.

Ayon sa retiradong obispo, binigyan nila ng pagkilala ang yumaong kalihim ng DILG dahil sa kanyang mga hakbang kontra sa ilegal na sugal.

Daing ni Archbishop Cruz, lumalabas na magkasalungat ang mga ipinaglalaban ng yumaong Robredo sa kanyang kabiyak.

“Nalulungkot ako na ang kabiyak ay kaiba ang value system sa kanyang asawa. Ipinakikita lamang kung ano ang nagagawa ng bisyo sa tao, kung ano ang nagagawa ng pera sa tao – lalong-lalo ang perang hindi pinaghirapan,” paliwanag ng retiradong arsobispo.

Nauna nang hinamon si Robredo ng independent senatorial candidate at dating kaalyado ng administrasyon na si Walden Bello na putulin ang ugnayan kay Mar Roxas at sa Liberal party dahil “hinihila lamang ng partido pababa si Leni.”

Binatikos din ni Bello ang alyansa ng LP sa mga Pineda dahil lumalabas na etsapuwera sa partido ang mga repormistang miyembro nito upang mapalaki lamang ang tsansa ni Roxas at Robredo, na patuloy na nangungulelat sa mga survey.

Kamakalawa sinabi ni senatorial candidate Walden bello na, “Si Among Ed ngayon, sampu ng iba pang mga repormista sa LP ay nawalan ng halaga, gaya ng pagsasantabi kay Grace Padaca sa Isabela upang paboran ang madinastiyang angkan ng mga Dy. Maging sa La Union na nawalan ng papel ang repormistang si Henry Bacurnay upang makuha ang suporta ng angkan sa politika ng mga Ortega.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *