Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Doble Kara lalong nagiging kapana-panabik!

Lalong nagiging interesante ang mga kaganapan sa Doble Kara ngayong linggo. Makakukuha ng impormasyon si Seb (Sam Milby) tungkol sa night schooling na puwedeng pasukan ni Sara (Julia Montes). Nang una niya itong marinig, tatanggihan ni Sara ang alok ni Seb ngunit matapos siyang makapag-isip-isip, napapayag na rin.

Sabay naman sa mga tulong ni Seb kay Sara ang pang-iintriga ni CR (Alora Sasam) sa paninirahan ni Sara kina Seb. Hihirit nang pabiro si CR at sasabihing parang live-in ang sitwasyon nina Seb at Sara at naunahan pa ng kanyang kapatid na makasama sa isang bubong ang nobyo ni Kara.

Dahil dito, hahanapan ni Kara ng apartment ang kanyang kakambal upang makaiwas sa usapan ng ibang tao.

By Thursday, malalaman ni Lucille na nag-loan sa banko si Ishmael para pambili ng van. Magiging sanhi ito ng galit ni Lucille at mapapaisip kung anong dapat gawin para mapigilan ang negosyo ni Ishmael. Hindi rin matutuwa si Lucille sa pagiging balakid ni Alex sa mga plano n’ya sa pagpapabili ng halagang P10-M bahay.

Dahil dito, gagawa ng paraan si Lucille upang maalis sa kanyang landas si Alex.

Samantala, patuloy pa rin ang planong pang-aagaw ni Sara kay Seb mula kay Kara. Mula sa pagpapalaman ng tinapay hanggang sa pag-aayos ng kuwelyo nito, mapupuna ni Kara ang mga kilos at motibo ng kanyang kakambal para kay Seb. Makadaragdag pa rito ang pagiging tutor ni Seb para sa entrance exam ni Sara sa papasukan niyang paaralan.

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …