Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mangingisda kalaboso sa tangkang rape

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 49-anyos  mangingisda makaraan ireklamo ng tangkang panggagahasa sa isang 20-anyos babae sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala  ang naarestong suspek na si Edmar Negrillo, ng Block 49, Lot 19, North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod.

Personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Susie, ng San Marcos St., Navotas West, upang magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Ayon kay  PO2 Jenny-Lyn Manabat ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD), dakong 8:30 p.m. habang naglalakad ang biktima sa Lapu-Lapu Avenue, Brgy. NBBS nang bigla siyang kinalawit ng suspek sa leeg.

Pilit na hinatak ng suspek ang biktima patungo sa madilim na bahagi ng lugar ngunit pumalag ang babae kaya pinagbantaan na papatayin ni Negrillo.

Sapilitang hinubad ng suspek ang suot na pantalon at underwear ng biktima bago ipinasok ang kanyang daliri sa pribadong bahagi ng katawan hanggang sa makita sila ng nagpapatrolyang mga tanod.

Agad dinakip ng mga tanod ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …