Monday , December 23 2024

Dating PBA point guard assistant ng Stags

020416 Macaraya Quilban SSC

ISANG dating point guard sa PBA ang magiging isa sa mga assistant coaches ni Egay Macaraya sa San Sebastian para sa NCAA Season 92 men’s basketball.

Kinompirma ni Macaraya sa press conference ng kanyang koponan sa PBA D League na Café France noong Lunes na kinuha niya si Eugene Quilban para makatulong sa coaching staff ng Stags na hindi pa nagkakampeon sa NCAA mula pa noong panahon ni Calvin Abueva noong 2009.

Dating magkakampi sina Macaraya at Quilban sa Stags noong dekada ’80 at pagkatapos ay naglaro si Quilban para sa Pepsi, Alaska, Pop Cola, Sta. Lucia at Davao Eagles ng Metropolitan Basketball Association.

Hawak ni Quilban ang all-time record na 28 assists sa PBA noong naglaro siya sa 7Up noong 1992.

( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *