CAMP OLIVAS, Pampanga – Nadakma ng mga elemento ng San Fernando Police ang isang bigtime drug pusher gayondin ang 15 iba pang mga tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkakasunod na operasyon ng mga awtoridad sa Muslim compound sa Brgy. San Pedro, Cutud, City of San Fernando kamakalawa ng madaling-araw.
Ayon sa ulat ni Supt. Jean S. Fajardo, hepe ng San Fernando Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Rudy G. Lacadin, Police Regional Office-3 (PRO3) director, dakong 3 a.m., bitbit ang search warrant, sinuyod ng mga awtoridad ang pugad ng mga tulak sa Brgy. Cutud, kasama ang mga operatiba ng Provincial Public Safety Company (PPSC), at nadakip ang hinihinalang bigtime drug pusher na si Usman Dumaod, alyas Makmin, kabilang sa drug watchlist ng Oplan Lambat-Sibat.
Kasunod na naaresto ang 15 pang tulak na nakompiskahan ng ilang sachet ng shabu, baril at granada.