Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 magkakaibang karakter, gagampanan ni Richard sa Ang Panday

013116 panday richard carlo

00 SHOWBIZ ms mNA-EXCITE kami sa mga pagbabagong magaganap sa bagong TV version ng Ang Panday na pagbibidahan ni Richard Gutierrez at mapapanood sa TV5 sa Pebrero 29 handog ng Viva Communications, Inc..

Ayon kay Direk Carlo Caparas nang makatsikahan namin ito kasama ang kanyang butihing maybahay na si Donna Villa,tatlong magkakaibang karakter ang gagampanan ni Richard sa pagbabalik ng pinakasikat na komiks character na nilikha niya.

Makakasama ni Richard sa pagbabalik ng Ang Panday si Jasmine Curtis, isa sa leading lady at si Christopher de Leonang kontrabida na si Lizardo.

“Tatlong characters ni Flavio (Richard) ang mapapanood nila ngayon sa ‘Ang Panday’. Una ‘yung sa prequel, ito ‘yung ginawa naming back story ni Panday. Isa kasi siyang foundling dito, tapos inampon siya ng pari na siyang nagpalaki sa kanya.

“Mapapanood nila kung paano nagsimula ang kanyang buhay hanggang sa maging Panday na siya at ang pagpapatuloy ng kanyang pakikipaglaban sa makabagong panahon, at iyon ang pangatlong bahagi ng serye,” kuwento pa ni direk Carlo.

KAPATID NI PANDAY, MAKAKALABAN

Sinabi pa ni Direk Carlo na, may kapatid sa Panday sa serye.

“Ipakikita rito ‘yung kapatid niya at nagkahiwalay sila noong mga bata pa. Itong kapatid niya ang nakakuha ng mga bad element kaya eventually, magiging magkalaban sila without knowing na magkapatid pala sila,” kuwento pa nito.

Sinabi pa ni Direk Carlo na matindi ang pinagdaraanang training ni Richard para sa proyekto. Paano’y habang nagte-taping ang grupo ay hindi iti tumitigil sa pag-eensayo para mas lalong maging makatotohanan ang bawat eksenang ginagawa.

“Hirap sila sa shooting, alam n’yo naman pag action-adventure tapos fantasy pa, patayan talaga ‘yan. Halos wala na talaga silang tulog. Pero ang maipapangako naman namin sa inyo, ng TV5 at ng Viva, isang napakagandang obra na tiyak na ikatutuwa ng mga manonood, lalo na ng mga bata,” buong pagmamalaki pa ng direktor.

Napag-alaman pa naming mismong sina direk Carlo at Boss Vic del Rosario ng Viva ang pumili kay Richard para gumanap na Panday sa pagbabalik nito sa telebisyon na ididirehe ni Mac Alejandre.

PINAITIM PARA MATANGGAL ANG MATINEE IMAGE

Idinagdag pa ni direk Carlo na binigyan niya si Richard ng ilang pointers at advice bago sumalang sa matitinding bakbakan. “Sabi ko sa kanya, kailangan maging ibang-iba ang atake niya rito dahil siguradong ikukompara siya sa mga dating Panday, kina Da King FPJ, kay Bong (Revilla), at kay Jericho (Rosales, unang gumanap sa TV series ng ABS-CBN). I told him to modulate his voice, medyo pinaitim din siya rito kaya ‘yung dating niya, pang-matinee idol pa rin, eh, pang romcom pa rin. So, sabi ko, bigyan niya ng bagong image si Panday.”

Ang isa pang pasabog ng mag-asawang Donna at Carlo ay mayroon pang magiging leading lady si Richard sa Ang Panday,kung sino iyon ay hindi pa nila sinabi.

Pero narinig namin, makakasama ni Richard bilang leading lady sina Bangs Garcia at Sam Pinto.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …