Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, hinahanap-hanap ang sugpo at alimango ng Capiz

120415 KathNiel mar roxas korina

00 SHOWBIZ ms mKAMANGHA-MANGHA ang espesyal na report ni Korina  Sanchez-Roxas ukol sa mahiwagang isla ng Biringan, sa Samar sa nakaraang episode ng Rated K.

Talagang pinag-usapan ang istoryang ikinuwento ni Koring dahil matagal nang pinaniniwalaan ng ilang mga taga-Visayas ang misteryong bumabalot sa islang ito.

Ayon sa sabi-sabi may isang lagusan sa ibang dimensiyon sa isla ng Biringan. Marami ang nagpapatotoo sa mga kababalaghan na nangyayari sa isla ng Biringan habang marami rin ang nagsasabi na ito ay resulta lamang ng malikot na imahinasyon ng mga taong taga-roon.

Totoo man ito o hindi, hindi maitatangi na ang nasabing isla ay hitik sa yamang dagat tulad ng Capiz na home province ng mister ni Koring na si LP presidentiable Mar Roxas.

Kapwa mahilig magregalo sina Mar at Korina ng masasarap at katakam-takam na mga sugpo at alimango na isa sa mga ipinagmamalaki ng Capiz.

Ayon kay Korina, na isang certified animal lover, magaan sa loob niya ang kumain ng sugpo at alimango kaysa pagkain ng manok, baboy, at baka. “Wala namang puso ang sugpo at alimango ‘di ba,” natatawang sinabi ng host ng Rated K.

“Dahil walang puso ang sugpo at alimango, feeling ko wala silang damdamin kaya ok lang na kaninin ko sila. Pero sa totoo lang at kidding aside, siyempre ingat din sa cholesterol. Dapat lahat in moderation.”

Sa katunayan, madalas padalhan ni Korina ang young actors na sina Daniel Padilla at Kathyrn Bernardo, bida sa top-rating teleserye na Pangako Sa ‘Yo, ng sariwang sugpo at alimango mula sa Capiz.

“Pinadalhan ko sila agad matapos kong malaman na mahilig sila sa seafoods,” kuwento ni Korina. “It’s the least I could do bilang kapalit sa lahat ng mga tulong nila sa amin.”

Wiling-wili sina Daniel at Kathryn sa mga fresh seafood na ipinadadala sa kanila nina Mar at Korina at kahit sino sa showbiz na nagbigyan ng mag-asawa nito ay makapagpapatunay na hahanap-hanapin talaga ang sarap ng sugpo at alimango ng Capiz.

Matatandaang dalawa sina Daniel at Kathryn sa mga sikat na lokal celebrities na nagbida sa viral at matagumpay na Fast Forward music video nina Mar at Leni Robredo, na unang napanood sa YouTube noong nakaraang Pasko.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …