Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blessing ang pagkakasama namin sa concert nina Martin at Regine — Erik

013016 erik martin regine angeline

00 SHOWBIZ ms m“I PAAALAM namin kapag kami na,” ito ang tinuran ni Erik Santos sa presscon ng Royals na handog ng Starmedia Entertainment and I-Music Entertainment nang tanungin ang singer ukol sa tunay na relasyon nila ni Angeline Quinto. Kasabay ng pagsasabing mas gusto niyang maging pribado ang kung anuman ang mayroon sila sa kasalukuyan ni Angeline.

“Kasi mahirap talaga, sa rati kong experience, nahirapan po talaga ako,”paliwanag pa ni Erik na ang tinutukoy ay ang naging relasyon niya noon kay Rufa Mae Quinto.

Sinabi pa ni Erik na, ”Kasi lahat ng tao kapag hindi kayo umaamin, especially now a days na may social media, gusto nila malaman kung kayo. Kapag kayo na, gagawa lahat ng mga ingay para mapaghiwalay.”

Basta sinabi ni Erik na ine-enjoy niya ang kung anuman ang mayroon sila ni Angeline.

Samantala, mapapanood sina Erik at Angeline kasama sina Martin Nievera at Regine Velasquez sa Royals concert sa February 13 sa SM Mall of Asia Arena at sa February 14 sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

First time magsasama-sama ng apat sa isang concert na sinasabing isang magnificent event na ipamamalas sa mga manonood ang isang impressive showcase of vocal excellence, mkaririnig ng mga awiting bago at luma, fusions ng classic at current chart-toppers mula sa apat na talaga namng may kanya-kanyang tatak sa music industry.

Sa kabilang banda, ganoon na lamang ang papuri kapwa nina Martin at Regine kina Erik at Angeline.

“A royal performance fit for a royal audience,” sambit ng concert king at sinabing ang estilo nina Erik at Angeline ay perfect match sa kanila ni Regine.

“I see myself in Erik and I see Regine in Ageline. This is going to a loud show. It’s Martin-Regine times2!,” giit pa ni Martin.

Hindi naman itinanggi kapwa nina Erik at Angeline na pressured sila sa pagsasama nilang apat. ”Hindi po ‘yun mawawala,” ani Erik. ”Kasi po siyempre ‘yung idea na makasama po namin ‘yung mga idol namin sa isang concert is a more than a blessing for me and Angeline. So, kailangan talaga namin ni Angeline mag-keep-up.”

“Oo naman, sana makasabay ako sa kanila,” dagdag ni Angeline. “Sa totoo naman po ako ‘yung pinakabago sa aming apat so marami pa po akong kailangan matutuhan at aralin lalo na sa pagkanta pero hindi ako pinababayaan ng mga kasama ko. Sinusuportahan nila ako so, hindi ako nahihirapan na magtrabaho kasama sila at saka very excited ako na magawa itong concert na ito.”

Mabibili ang ticket sa Feb. 13 show sa Sm Ticketnets at ang sa Feb. 14 ay sa SM City Cebu Customer Service Counter, Ayala Center Cebu Concierge, at Waterfront concerts and Events Counter.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …