Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Full trailer ng Love Is Blind, umabot agad ng 1-M views and likes

012316  Derek Solenn Kean Kiray

00 SHOWBIZ ms mLAHAT ay may pag-asa at dapat maging masaya sa pag-ibig. Ito ang ipinararating na mensahe ng pinakabagong handog ng Regal Entertainment, Inc., ang Love Is Blind na mapapanood na sa Pebrero 10 at pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Solenn Heussaff, Kean Cipriano, at Kiray Celis.

Kuwento ng isang spoiled bachelor na si Wade (Derek) ang LIB, na tinalikuran ang GF na si Maggie (Solenn) nang makilala si Fe (Kiray), isang hotel intern na kamukhang-kamukha ng ex-GF. Lingin sa kaalaman ni Wade, pinainom siya ni Fe ng love potion/gayuma. Kaya naman sa tuwing makikita ni Wade si Fe, ang mukha ni Maggie ang nakikita pero mas maharot at malandi nga lang sa dating dyowa. Kaya non-stop na rambulan sa katatawanan at riot ang mga eksena sa tuwing nilalandi ni Fe si Wade bilang si Maggie.

Kaya hindi na kataka-taka kung umabot agad sa loob lamang ng isang linggo sa 1-M ang views at likes ng full trailer nito nang i-launch ng Regal. Dinagsa rin ito ng papuri ng mga netizen.

Ang Love Is Blind ay unang pagsasama ng ex-lovers na sina Derek at Solenn.

Abangan ang cast ng Love Is Blind sa kanilang mall tours simula sa Enero 30 sa Starmall, Alabang, 5:00 p.m.; January 31, Starmall, Bulacan, at Ayala Fairview Terraces; February 6 sa Starmall Cebu, at February 7 naman sa Market Market.

Panoorin din ang trailer sa Regal Films Official Youtube Channel, I follow ang kanilang official social media accounts Facebook www.facebook.com/RegalEntertainmentInc, Twitter @regalfilms, at Instagram @regalfilms50 para sa karagdagang updates. Tiyak na sa trailer pa lang tatawa na kayo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …