Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makapigil hininga

USAPING BAYAN LogoINAANTABAYANAN ng madla ang nalalapit na makapigil hininga na pagbubunyag ni Senador Juan Ponce Enrile kaugnay ng Mamasapano massacre scandal na kinasasangkutan umano ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon sa mga paunang balita, sinasabi umano ni Enrile na mayroon siyang impormasyon na magpapatunay na alam ni Pangulong BS ang mga madugong kaganapan sa Mamasapano, Maguindanao habang ito ay nagaganap. Ang hindi umano aksidenteng pagbisita ng pangulo sa Zamboanga ay talagang may kaugnayan sa nagaganap na pagmasaker ng mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front sa 44 na miyembro ng Philippine Natonal Police Special Action Force.

Matatandaan na itinanggi ni Pangulong BS na may nalalaman siya tungkol sa pagpapalano ng operasyon ng PNP-SAF sa Mamasapano. Itinanggi rin niya na nagbigay siya ng “stand down order” sa Armed Forces kaya na-massacre ang mga pulis. Kasabay nito ay walang habag na sinisi niya ang mga namatay na pulis dahil palpak umano kaya na-massacre.

Sabi ni Enrile sa mga pahayag nito sa media ay may testigo siya na magpapatunay na hindi totoo ang denial ni Pangulong BS. Abangan natin ang susunod na kabanata.

* * *

Aba, kung totoo na hindi nga alam ni Pangulong BS ang mga samot-sari kaugnay ng mga pangyayari na may kinalaman sa malaki at sensitibong operasyon ng PNP-SAF sa Mamasapano ay wala na tayong maasahan pa sa isang “walang alam na pinuno ng bansa.” Ano pa kaya ang inaantay niya at bakit pa siya nananatili sa poder? Kawawang Filipinas, kawawang bayan.

* * * 

May nagtanong sa akin kamakailan kung may napili na raw ba akong kandidato para sa pagkapangulo ng bansa. Ang sagot ko ay wala pa pero, dagdag ko, ano man ang mangyari ay matagal na akong naniniwala na ang susunod kay Pangulong BS sa Malacañang ay iyong ahente ng neo-liberalismo.

Siya kasi ang magpapatuloy sa pagutay-gutay ng ating ekonomiya para sa mga dayuhang interes. Siya ang laban sa pagtataas ng pension at pagpapalawig pa ng benepisyo na ibinibigay ng gobyerno sa maliliit na tulad natin.

Siya ang tao ng mga neo-liberal na puti dito sa ating bansa. 

* * * 

Ibig ko pala ipaalam sa lahat na ang bagong website, ay puwede ng silipin. Ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sapingkian.com. Salamat.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …