Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkain ni Derek sa labi ni Kiray, ibinuking

110315 Kiray Celis derek ramsay

00 SHOWBIZ ms mBIGGEST break ni Kiray Celis ang pinaka-riot na love story ng 2016 na handog ng Regal Entertainment Inc., ang Love Is Blind na tinatampukan din nina Derek Ramsay, Solenn Heussaff, at Kean Cipriano at idinirehe naman ni Jason Paul Laxamana.

Si Kiray ang sinasabing babaeng bersiyon ni Rene Requiestas dahil effortless magpatawa.

Sobrang naka-jackpot din si Kiray sa pagbibidang ito sa Love Is Blind dahil leading man niya si Derek na yummy na, macho pa. Kaya naman  hindi raw imposibleng bumigay si Kiray sa mga eksena nilang nilalandi niya si Derek.

Pero tawang-tawa ang lahat nang ibuking ni Kiray na kinain ni Derek ang kanyang labi sa eksenang dapat ay smack lang.

“Ano po pala, gumagalaw ‘yung mouth niya (Derek). Kasi akala ko po, smack lang. Kinakain niya po ‘yung labi ko,” pagbubulgar ni Kiray sa presscon kaya tawanan ang lahat.

“Hindi po ba ang smack ay naka-stop ka lang hindi gumagalaw (habang iminumuwestra kung paano ang paghalik)? Eh kay kuya (Derek) po, gumagalaw siya. ‘Yung kinain talaga ‘yung labi ko, hahaha,” tila choosy pang reklamo ni Kiray.

Tiyak na maraming girlalu at beki ang maiimbiyerna o maiingit kay Kiray sa Love is Blind dahil talaga namang marami silang sweet moments ni Derek na masasabi ng lahat na napakahaba ng hair ni Kiray.

Sulit sa pagpapatawa at harutan ang dala ng mga bida sa Love Is Blind na wagi rin sa mensaheng pagdating sa pag-ibig, lahat ay pantay-pantay.

Kaya halina’t sama-samang panoorin ang Love Is Blind na tiyak na ikasisiya ng sinumang makakapanood simula Pebrero 10.

Samantala, abangan ang cast ng Love Is Blind sa kanilang mall tours simula sa Enero 30 sa Starmall, Alabang, 5:00 p.m.; January 31, Starmall, Bulacan, at Ayala Fairview Terraces; February 6 sa Starmall Cebu, at February 7 naman sa Market Market.

Panoorin ninyo ang trailer sa Regal Films Official Youtube Channel, I follow ang kanilang official social media accounts Facebook www.facebook.com/RegalEntertainmentInc, Twitter @regalfilms, at Instagram @regalfilms50 para sa karagdagang updates. Tiyak na sa trailer pa lang tatawa na kayo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …