
INAMIN na ni Zanjoe Marudo na hiwalay na nga sila ni Bea Alonzo. Ang pag-amin ay naganap sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN noong Miyerkoles ng gabi.
Matipid ang naging tugon ni Zanjoe nang tanungin ni Kuya Boy Abundakung hiwalay na nga ba sila ni Bea. Tanging ”Opo” ang isinagot ng actor na magbibida sa pinakabagong handog na teleserye ng Kapamilya Network, ang Tubig at Langis kasama si Cristine Reyes.
Walang anumang ibinigay na dahilan si Zanjoe kung bakit nauwi sa hiwalayan ang apat na taon nilang relasyon ni Bea.
Tanging buntong-hininga naman ang naisagot muna ni Zanjoe sa katanungang paano niya nilalabanan ang kalungkutan sa pagbi-break nila ng Kapamilya actress, at saka sinabing, ”Wala namang madaling way, so kailangan talagang pagdaanan.”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com